CHAPTER 9

2891 Words
—ALISHA'S POV— Halos paliparin ko ang sasakyan, makarating lang agad sa hospital. Abot-abot ang kaba ko nang tumawag si Shun kanina–na kinabigla ko talaga kasi never siyang tumawag sa akin sa phone, para ipaalam na nakita niya si Zy sa kwarto niya, duguan at may laslas ang braso. Kahit 4 pm pa lang ay nag sign out na ako sa trabaho. Matapos kasi ang pag-uusap namin ni Mama isang buwan na ang nakalipas ay siya naman 'tong umalis sa bahay. Kinabukasan din no'n ay bumalik si Shun na parang walang nangyari. Ni hindi ko pa nga nasasabi sa kanila ang totoo, hindi ko lang alam kung nasabi na ni Mama pero isa lang sigurado ako, silang tatlo ay walang ka-alam-alam sa paghihiwalay ng mga magulang nila. I feel like I need to tell them but I'm not in the right position to do so. Mas makakabuti sigurong sila Mama magsabi no'n. Nang makarating sa hospital ay patakbo akong naglakad at tinungo ang nurse station para magtanong. Hindi naman nagtagal ay sinabi ng isang nurse ang kwarto nito. Nakokonsensya pa rin ako. Pakiramdam ko hindi ko nagagawa nang mabuti ang pagiging ate ko sa kanila. Sinusubukan ko naman silang kausapin pero hindi eh, kung 'di init ng ulo ko ang iiral ay ang katigasan din nila para magkwento. "Ate..." When I opened the room, only Shun who were sitting beside the hospital bed of Zy, while she is sleeping. "Ano na namang nangyari?" singhal ko pagkapasok na pagkapasok sa kwarto at tinungo ang kinaroronan ni Zy. "Hindi kasi ako pumasok sa afternoon practice ko sa basketball." Napalingon ako sa kaniya at pinukulan siya nang masamang tingin. "Teka—teka, mabuti nga na nag-skip ako ng practice ko, 'di ba. Kasi kung hindi, baka kung ano pa nangyari kay Ate Zy. Pagkarating ko sa bahay sakto naman kasing narinig kong may parang nahulog tapos pagkapunta ko sa kwarto niya nakita ko na lang siyang nakahandusay at basag ang iilang vase roon." He has point, something wrong might had happened if he didn't saw Zy there. I just heave a sighed and went to the near couch and sit there. Pinikit ko ang mga mata ko saka sinandal ang ulo ko sa couch mismo, bahagyang hinilot pa ang sentido ko. Unti-unting lumalakas ang pagkirot nito. Bakit ba kasi ganito? "Ate," tawag ni Shun. "I saw this in Ate Qianzy's bed," he said again. Because of curiosity, I opened my eyes and look at him. May hawak siyang maliit at puting bagay, bakas ang 'di mapakaling emosyon sa mukha niya. Siguro ay hindi nakatiis, tumayo siya at lumapit sa akin, binigay sa akin ang hawak. "I think, she's pregnant." I FAKE A smile at Doctor Adiela after she bid her goodbyes. Tinignan ko lang ang likod niya habang naglalakad ito paalis. Nandito ako ngayon sa labas ng hospital room ni Zy. Kakatapos lang namin mag-usap ni Doctor Adiela, tungkol kay Zy. f**k this life. She said, my sister probably experiencing anxiety and she needs psychiatrist. Maybe, she is being pressured, bullied or having problems or whatever. The soonest she'll be given treatment the better. Good thing Shun saw her before she lost a lot of bloods. Hindi pa 'yon, Zy is carrying a 7 weeks fetus in her womb. Ang daming pumapasok na dahilan, what if's at tanong sa isip ko. Oo, matigas ang ulo ni Zy at pasaway pero kilala ko siya. Hindi siya ganoon kalala para gumawa ng isang milagro. Bakit kung kailan ga-graduate na siya, roon pa magkakaganito. I know she's in the right age to do whatever she wants but what kind of life she will give to her child? And who the f**k is the father? I took my cellphone out of my bag and texted Yrra, I'll be absent tomorrow. Miss Aki would understand this, King is still my assistant, he will surely fix those left papers in my desk. Pagkapasok ko sa room ay nakitang kong gising na si Zy. Quarter to 10 na rin, ilang oras din ang tinulog niya. Alam na nilang lahat na nandito siya sa hospital pero hindi ko na pinapunta, pati si Shun ay pinauwi ko. Ito ang tamang oras para mag usap kami. I need to know their sides first. "Ate A-Ali..." Umupo ako sa isang stool na nasa tabi lang ng kama niya. Walang imik na tinignan siya. "A-ate, a-alam mo n-na ba?" utal niyang tanong. "Ate, I'm really s-sorry. S-sorry." She cried as she took my hands and hold it. She's crying like a wounded child, kind of begging me to forgive what she did. "Hindi ko po s-sinasadya. A-ate, I'm so sorry....Sorry talaga... H-hindi ko na alam gagawin ko, A-ate. Nahihiya na ako sa 'yo.. D-disgrasyada—" "Ano bang kulang, Zy? Ano bang pagkukulang namin?" Pagpuputol ka sa sinabi niya. "Buo naman ang pamilya mo, nandiyan pa dalawang magulang at kapatid mo. Nabibigay naman lahat ng gusto niyo. You are financially, physically and emotionally stable. Why did you crossed your limits?" Humagulgol siya lalo sa pag iyak kaya hinayaan ko na siya. The Doctor told me to be more careful, baka mapano ang dinadala niya kung madadagdagan ang stress niya. Hays. I took a deeped sigh and hugged her so tight. I let her cry and cry in my embrace. Inabot din kami ng ilang minuto bago siya tuluyang tumahan. Ang totoo gustong-gusto kong isumbat lahat. Sisihin at itanong kung anong mali pero para saan pa? Nandito na eh, hindi na mababago 'yong nangyari na. "Eoin was my first ever crush since we were highschool. He's Quenxi's boy bestfriend. She knew from the very start that I like Eoin and she promised me that she won't like him. Pinanghawakan ko ang promise niya, Ate. Pero nalaman ko na lang na pumayag siyang ligawan siya ni Eoin. Worst is, she didn't told me about it, kay Eoin ko pa nalaman. Ang sakit lang, Ate. I trusted her but she betrayed me. My twin sister betrayed me for a boy!"pagpapaliwanag ni Zy kung bakit sila nag away ni Xi, kung bakit iniiwasan niya at bakit dumating sa point na naglalasing siya. "Sobrang sakit kasi sa lahat ng babae, bakit kakambal ko pa? Haha, alam mo 'yon, 'te, parehong-pareho kami ng mukha, halos lahat pareho pero siya 'yong ginusto ng taong gusto ko. Hindi naman kami nagkakalayo kung academics ang pinag-uusapan pero bakit ganoon? I always asked myself why can't it be me? Why it has to be my twin sister. Kasi kung ibang babae 'yon matatanggap ko pero si Quenxi eh. Si Quenxi pa talaga naging karibal ko. Tanging alak lang nagpapaalis sa sakit na 'yon, Ate. I got blinded by the pain they've caused me and so I erased it by alcohol," saglit siyang natigil, tila napaisip sa susunod na sasabihin. Ako naman ay tahimik pa rin nakaupo sa tabi niya, nakikinig at pilit na iniintindi ang nangyayari sa kaniya. "It was Monday night, there's a man in the club where my friends and I used to bar hopping. That was last February 5. He's taller than me. I was so drunk that time. I didn't clearly saw his face, maybe because of alcohol in my system we shared something wrong. Nagising na lang ako sa isang kwarto sa motel mag-isa at walang saplot." Napayuko siya. I don't know what to say. "Wala akong pinagsabihan kasi wala rin naman akong masyado naalala sa nangyari. I thought I can escape that night but no, I found out that I'm pregnant." Bakas sa boses ni Zy ang pagkadismaya sa sarili niya. "Wala na ako sarili ko kanina. Pawang takot at kahihiyan ang naramdaman ko kanina kaya nagawa kong maglaslas. Ate, I am so sorry—" "Paano ka mapapanagutan ng lalaking 'yon?" She got silent. I received nothing as for response. "Anong plano mo?" For the second time, she didn't said anything. "Naiinis ako sobra, Zy, kung alam mo lang. Paano kung wala si Shun kanina? Paano ka? Kami?" pigil inis kong tanong sa kaniya. I quietly shook my head. "Okay, fine. Hindi ko rin naman kayo matitiis at para saan pa kung magagalit ako. Don't worry, just promised me you will be strong and I'll take good care of you and your baby. Please, learned from your lessons. You are old enough to analyze things. I'm going to help you not because I'm tolerating what you did but because you are my sisters. And I hate seeing you like this. So please. I need you to gather yourself and be strong for your baby. And don't ever try to hurt yourself and your baby again, or I'll hate you. " Parang umilaw ang mukha niya saka agad na ngumiti. Walang pasabing niyakap ako at ilang beses na nagpasalamat. As if namang matitiis ko sila. "Oh sige, magpahinga na tayo. Bawal ang stress sa 'yo. Kailangan mong mag ingat hindi lang para sa sarili mo kung 'di para na rin sa magiging baby mo." Tumango-tango ito na parang bata at sumunod sa akin. Umayos sa pagkakahiga at ako naman ay pinatay ang ilaw at tanging lampshade sa gilid ng kama niya ang iniwang nakailaw saka lumapit na sa couch. Dito ako matutulog. Nang pareho kaming nakahiga ay binalot kami pareho ng katahimikan. Naging sanhi pa para pumasok na naman ang sobrang daming katanungan sa isip ko. May kung ano-ano na pa lang nangyayari sa kanila pero ni isa wala akong alam. Mamamatay na isang kapatid ko pero 'yong Mama namin hindi pa rin umuuwi. Hays. Si Kys. Paano ko kaya siya haharapin?Kakayanin ko ba? Hays! Sobrang dami na. Hindi ko alam paano at sino uunahin. "A-Ate?" I heard Zy's voice. Hindi ko minulat ang mga mata ko, hindi rin ako nag abala pang sumagot. Ramdam ko na rin kasi ang antok, baka biglang mawala mahirapan lang ako matulog. Saglit na tumahimik ulit. "That man, I saw a red rose in his right shoulder." Her voice seems so thrilled. "A mesmerizing red rose tattoo." LUMIPAS ANG ILANG araw ay nakauwi na rin si Zy. Si Mama ay bumalik na sa bahay at nalaman na nila ang tungkol sa pagbubuntis ni Zy. Wala rin namang saysay kung itatago pa. Kinausap ko na rin naman ang mga prof niya, baka magawan pa ng paraan ang mga malapit na ma-fail niyang grado. Dalawang buwan na lang at mag-gagraduate na silang tatlo. Sa office naman ay ganoon pa rin, busy sa kani-kaniyang task. Hindi na kami halos mag-usap ni Yhuri at Paxton dahil busy silang pareho sa nalalapit na kasal nila. Ang sabi niya, ngayong buwan lang makakauwi si Tita Olivia at Tito Franz, kasama ang lola niyang may alzheimer na galing states. Hiniling ng Lola ni Pax na masaksihan man lang ang kasal nilang dalawa bago pa man tuluyang mawalan ito ng alaala kaya minamabilis ang kasal nila. May pera naman ang pamilya ni Paxton at sa pagkakaalam ko, wedding organizer ang pinsan niya kaya sigurado kakayanin iyong 3 months preparations. Naiintindihan ko naman 'yon, nakakalungkot nga lang kasi 'di man lang ako nakatulong kahit sa mga kokonting arrangements or whatever. Nasaktuhan lang na ayon, nagkandagulo-gulo ang pamilya. But of all people, it was King who patiently waited and helped me with my problems. Yes, he helped me. I could still remember that time when he caught me blankly staring at nothing. He literally told me like I'm so lutang. "What did you just say?" "Sabi ko inaaraw-araw mo ba pagiging lutang mo?" pabalik niyang tanong sa akin. "What the? Hindi ako luta–" "Okay, sabi mo eh, by the way, you're putting a hot water in your tumblr." Mabilis akong napalingon sa hawak kong tumblr at oo nga, imbes na cold ay at hot ang naisalin. "Isha, just remember that I am always here. I'm more than willing to hear your rants. Don't hesitate to share your burden with me." Imbes na mainis ako sa mga sinabi niya ay ayon, pagkatapos ng trabaho ako mismo nag ayang mag kape. I really don't know what got into me but yeah, I told him everything. Simula sa nalalapit na rin naming pagkikita ni Kys, ang pagulo nang pagulong pamilya ako at lahat. For the first time, after how many years, I finally managed to open up to someone. He gladly listen and even gave me advices. A simple yet made a big impact on me. He never failed to knock the hell out of me. Just like what he did before to me, he helped me get out in my own misery. "You never had any boyfriend after Kys?" Umiling ako saka sumimsim ng kape ko. Nandito kami ngayon sa coffee shop malapit lang sa office. "Wala." "Kahit manliligaw?!" gulat na tanong. "Well, mayroon pero hindi naman sila tumagal. Isa na roon 'yong Kuya mong siraulo." Hindi ko talaga malilimutan ginawa ni Vold noon. Plano yatang gawin akong kabet, tangina niya. "Saka marami rin ang nireto ng kapatid kong kambal pero si Yhuri pinapasipot ko. Madalas hindi ko sinisipot. Sayang oras ko eh." "Oo nga... Isa na ako roon." "Ha?" Sinadya niya kasing ibulong ang huling sinabi kaya hindi klaro ang pagkakarinig ko. Hindi ko talaga alam bakit ako nandito at kasama siya. May kung anong espiritong sumapi sa akin at inaya siya. So unusual for a person like me who literally hate accompany of a man except for my bestfriends. Well, King isn't my bestfriend. 'Maybe, because you badly need to burst out your thoughts, Ali.' A part of me said. Maybe. Sunod-sunod na ang nangyayari. Siguro nga kailangan kong ilabas lahat ng nasa loob ko. Hindi ko naman kasi madisturbo 'yong dalawa dahil inaasikaso ang nalalapit nilang kasal. Baka maudlot pa dahil sa akin. "If you don't mind me asking, Isha, aren't you planning to have a boyfriend again? I mean, look, everyone needs partner. Especially a woman, they need a man, vice-versa." Natigil ako sa tanong niya. He sounds like Paxton. They are all actually sounds the same. Bakit ba parang sa tingin nila hindi sila mabubuhay na walang partner? "I don't specifically need a partner. Mas na-e-enjoy ko ang advantages na mayroon ang pagiging single rather than find someone and soon will leave you hanging. And, I'm strong and independent woman, I don't need a man. I need myself." Nasamid ako nang makita siyang natawa sa sinabi ko. "Did I say something funny, King?" I asked him with a serious tone. Walang ano-ano rin ay sumeryeso ang mukha niya at umayos pa sa pagkakaupo. He crossed his arms while his back is leaning on the chair where he is sitting. "To tell you honestly, Isha. Based on everything you told me. Don't get me wrong but I'm really so thankful because you share those problems of yours, those thoughts in your head right now. Me, myself never expected this. If everyone would knew what you are experiencing now, how you manage to cope up with your problems, they will surely think you are indeed a strong woman." He leaned on the table and look straight to my eyes. "But for me, you are not. I could see the real you, imprisoned inside your eyes." Kumunot lalo ang noo ko sa mga sinasabi niya. Wala akong masabi o maisagot sa kaniya dahil ramdam kong tinatamaan ako sa bawat salitang binibitaw niya. With his still poker face, "Isang duwag ang nakakita ko sa 'yo ngayon." Napasinghap ako nang walang oras sa narinig. Wew! For how many years, I managed to open myself to other people. I took all of my courage to do it since my body needs rest from this heaviness I felt inside me. Tapos sasabihan niya lang akong duwag? Naghahanap ba 'to nang away? "Look, Isha. Set the cloud as an example, what clouds do if it's already full and tired?" he asked with a questioning look on his face Saglit akong napaisip. Ano nga ba? Ah! "It rain?" "Exactly! Isha, tears are your evidence for being strong. Strong for letting go of what makes you feel sad. Now, tell me, sa lahat ba na nangyayari sa 'yo ngayon, nagawa mo nang umiyak?" Hindi. Last time I cried was when I let go of him. That night, I promised myself, as much as possible I won't ever cry again. "You might be thinking that you already share your problems and thoughts to someone but the heavy feeling is still there. You know why? It's because sometimes, Isha, all you have to do is to cry it all out. Let your tears be the voice of how strong you really are." That made sense. Everything he told me made sense. I didn't expect that coming from him but after that talked I found myself getting close to him. Friends, that's how I can label the closeness we have. We're finally friends. Napukaw ang atensyon ko nang marinig kong may magsalita. "Are you ready for tomorrow?" Nakatayo sa gilid ng sasakyan ko si King. Tomorrow, April 3, 3 months after Yhuri and Paxton's engagement is their wedding. The day I will finally see Kysler again. "I don't know." "What's with I don't know, Isha? I don't accept that 'I don't know—" Huminga ako nang malalim saka muling sumagot. "Yes, I'm ready." "Good. No worries, I'll be on your side tomorrow. Ako bahala sa 'yo. Keep safe!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD