CHAPTER 8

2479 Words
—ALISHA'S POV— Sometimes, in our life we couldn't deny the fact that we once planned our future. We look forward for the future that we always wanted. Not minding what God planned for us. Sometimes we make stupid decisions and actions just to achieve it. Tipong nakaplano na kung ilan ang mga anak na gusto natin, sa bahay kung saan tayo titira, kung ano-ano ang mga desinyo nito, sa kung saan tayo magtatrabaho, lahat—lahat ng 'yan ay pinanlano natin kasama ang isang tao. Kung saan pinangarap nating abutin lahat ng 'yan kasama ang iisang tao. Ngunit paano? Paano kung isang araw malalaman mo na lang na bawal siyang mahalin, na hindi siya p'wede at nakalaan siya sa Diyos. Paano kung ang lahat ng pinangarap niyong dalawa biglang mawala? Paano na lang kung ang relasyon na binuo niyong magkasama biglang gumuho at ikaw, maiiwan kang mag-isa habang siya nagpatuloy abutin ang nauna niyang pangarap bago ka pa dumating. Malamim akong napabuntong hininga at nilapag ang isang kahon sa kama ko. Mahahalata ang kalumaan nito dahil sa bumabalot na mga alikabok. Matagal-tagal ko ring hindi nasilayan ang mga bagay na nasa loob nito. Simula kasi ng gabing 'yon, nawalan ako ng lakas ng loob para makita ang mga 'yon. 'My memories with him,' I thought to myself. 8 years 7 months had passed yet I could feel the heaviness here in my heart. Aminin ko man ito o hindi, nandito pa rin siya sa puso ko. Nandito pa rin ang mga alaala namin, naiwan sa akin. Muli ay bumuntong hininga ako at dahan-dahang binuksan ang kahon. The melancholic memories immediately greeted me, along with the cold breeze of the aircon here in my room, it gives me unexplainable yet mix feelings—Sadness, loneliness, regrets and more. Iba't ibang bagay ang nandito sa loob ng kahon. Halos lahat ay galing sa kaniya at mga gamit namin noon. Una kong kinuha ay ang simple bracelet na gawa lamang sa macrame. Black and white ang kulay nito, sa gitna ay may isang malapad ngunit maliit na bato, kung saan ay may nakaukit dito na 'Kysha', kumbinasyon ng pangalan ko at ni Kys. "ALI! NANDITO NA 'YONG HARI MO!" Nakangisi siyang lumapit sa akin. Napatigil ako sa pagwawalis nang marinig ang matinis na sigaw ni Haz. "SANA ALL!" Nakalunok nga yata ng microphone 'tong babaeng 'to. Ang lakas ng boses tapos pag sumigaw parang daig pa ang microphone. "HOY, ALISHA! MAY KAIBIGAN BA 'YANG SI KYS, RETO MO NAMAN AKO!" sigaw rin ni Aia. "Oo nga, kahit nasa kabilang building basta ganyan ka seryoso sa babae tulad ni Kys," singit ni Zushi. Napailing na lang ako sa kanila. Binalik ko muna ang hawak na dustpan sa lalagyan nito saka bumalik sa upuan ko at kinuha ang bag. Hindi ko na pinansin mga kaklase kong todo ngisi. Mukhang mga timang. Nilapitan ko si Kys na prenteng nakasandal sa gilid ng pinto. Suot ang puting polo na uniform at nasa kanang balikat niya ang kaniyang itim na backpack. "Hi, Langga!" Ngumiti siya at agad na hinalikan ako sa noo. Tumingin ako nang masama sa kaniya at mahinang hinampas siya sa kanang braso. Rinig ko ang tili ng iba kong kaklase. "Aray naman, para sa'n 'yon?" "PDA ka!" Iniripan ko siya at naunang maglakad paalis ng room pero agad niya akong pinigilan sa braso. "Sorry, I just want to kiss you. I didn't mean that way." "We're in public." "Teka, may ibibigay ako." Kinuha niya sa bulsa ang isang maliit ng bracelet, combination of black and white color. Simple lang pero sobrang ganda. "Ito," saad niya saka ipinasuot sa akin ang bracelet. "Ayan, bagay noh?" Ngayon ko lang napagtanong parehas kami ng bracelete. Ang pangalang nakalagay sa akin ay Kysha at kaniya naman Aliler. "Pinagsama ko name natin, actually sila Yun at Han nakaisip nito at tinulungan nila akong gawin." Si Yun at Han ay ang mga nakababata niyang kapatid. "Ang ganda, Langga. Salamat, sana hindi na kayo nag—" "Excuse me, dadaan ang mga magaganda." Hindi ko pa natapos ang sasabihin nang dumaan sa gitna namin ang 'Payb idiots', na siyang pinapangunahan ni Haz, sunod ay sila Zie, Aci, Sere at Yshin. Ngayon ko lang din napansin na nakaharang nga kami sa pinto. Ito kasing lalaking 'to. "Padami nang padami ang langgam dito—" "Sinabi mo pa, Sere. Teka—Teka, may natatapakan yata akong mahabang buhok," natatawang sabi ni Zie, na malisyosong tumingin sa amin ni Kys. "Hoy! 'wag nga kayong maingay, may LQ 'yong dalawa," saad din ni Aci. "Break up na ba this?HAHAHAHA" Marahan kong hinaplos ang hawak na bracelet. This one reminds me of how sweet he was to me. Kahit simpleng bagay na ginagawa niya para sa akin ay napapasaya na ako. He's literally a complete package. So kind, matured, caring, smart, loving and God-fearing. You wouldn't really ask for more if Kys is your partner. He was my boyfriend, my brother, my bestfriend, my advisor, my human diary and etc. but when we broke up, those happy memories of ours became my nightmare. Hunting me every night and everytime I could remember those times. Itinabi ko ang hawak na bracelet saka muling kumuha ng isang bagay galing sa kahon. Ang sunod kong nadampot ay isang album. Nakapaloob ang iba't ibang pictures naming dalawa. Iba't ibang kuha, may seryoso, nakangiti, nakatayo, may nakaakbay ako sa kaniya. Naalala ko pa, sa t'wing monthsary namin mag-pi-picture kami tapos ilalagay sa album na 'to. Noong kami pa, mahilig kaming mag-picture kaya parating puno storage namin sa t'wing mamamasyal kami. Bonding din naming kumain at mag asaran. "Libre mo ba?" tanong ko. Tumango siya at ngumiti. "Mabubusog plus makakaipon na naman ako mwehehehe!" Nang makalabas ng school ay pumunta agad kami sa may malapit na sidewalk vendor, kung saan may street foods. My favorite! Bonding na namin 'to bago umuwi. Ang kumain ng isaw. Kumuha agad ako ng plastic, paglalagyan ng isaw. Nakakaanim pa lang ako ng stick na nailagay ay narinig ko na ang boses ni Kys. "Manong Ikku, paki-spell mo nga ang matakaw," pagka-usap niya kay Manong Ikku, ang isaw Vendor. Pinandilatan ko si Manong, kilala niya na kasi kami. Kumbaga ay suki niya na kami. Tingin ko ay nasa 50's na siya. Well, base sa pagkakakilala ko, isa siyang masiyahin at masipag na ama. "A-L-I," tawang-tawa sabi ni Manong. "S-H-A," dagdag ni Kys at sabay silang nagtawanan. Tinignan ko si Kys nang masama. Nakahanap ng kakampi para asarin ako. Hindi ko na lang sila pinansin at inumpisahang kainin ang sampong stick ng isa na nakuha ko. "Eto pa, Manong. Spell, Buraot," pagka-usap niya ulit kay Manong Ikku saka abot ng bayad sa isaw na kinuha ko at kumuha rin nang sa kaniya. "Nako! Nako! Kayong dalawa nga naman, mag-aasaran at magtatampuhan." Umiiling niyang sambit, siguro napansin ang pananahimik ko. Hindi naman ako naasar. Siguro dahil nga sa matakaw talaga ako HAHAHA. I'm just really hungry and my favorite food needs my attention. "Tumatahimik talaga 'yan pag may pagkain, Kuya HAHAHAHA!" Napako ang atensyon ko sa notebook na nasa kahon pa rin. 'Tula Para kay Langga' 'yan ang nakasulat sa cover nito. Ito ang notebook kung saan sinusulat ko ang mga tulang nagagawa ko para kay Kys. I had wrote a lot of poems before and he was always my subject. I love to paint him using my words. I love to express my love for him through a poem. Marami pang ibang bagay ang nasa kahon tulad ng couple shirts, a jar full of papers, deflated balloons, a ring made of thin stem of a flower, a story book, a keychain and the dress she gave me on my 20th birthday. "Gosh! Did I just really open this?" sambit ko nang tila natauhan ako sa ginawa ko. Binabalikan ko pa talaga ang mga bagay na matagal nang tapos. Nahihibang nga siguro ako, 'no? Dali-dali kong binalik ang mga bagay na kinuha ko sa box. Kapagkuwan ay binuhat ito pabalik sa kung saan ko ito unang nilagay–sa loob ng kabinet. I did my morning routine–take a bath, eat and went to office. Simula kahapon, nang sabihin ni Paxton na nakabalik na si Kys tila nawala na ako sa sarili. Ang plano ko na kausapin si Mama tungkol sa kanila ni Zy at Xi ay hindi ko nagawa. Nagkulong ako sa kwarto at walang ibang ginawa kung 'di tumitig sa kawalan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong mararamdaman, sasaya ba o malulungkot. Akala ko magiging okay na n'ong ako 'yong bumitaw. Akala ko 'yon ang ikakabuti namin. *BEEP! BEEP! BEEP!* Natigil ako sa pagmumuni-muni nang marinig ang malakas na busina. That is then I realized that I'm already here in the parking lot, blocking the other car to park. Mabilis kong inaayos ang pagka-park ng sasakyan at lumabas at tumungo sa office. Pagkarating ay wala naman masyadong ganap, nandiyan pa rin si King pero tahimik lang siya sa isang tabi. Nakakapanibago, kasi tulad ko ay parang lutang din. Mas malala nga lang siya kasi parang sobrang lalim ng iniisip. Hindi ko na lang siya binigyan pansin. Si Yhu naman ay nag day-off kaya sobrang tahimik ng araw ko. NATAPOS ANG OFFICE hours, bago umuwi ay tinawagan ko na agad si Mama. Mas mabuti na 'yon, pagkarating ko sa bahay ay hindi na 'ko kailangan maghintay o ano para makausap siya. "Pagkatapos nito, mayroon din akong sasabihin sa 'yo," pangunguna ni Mama Kaz. Nandito kaming dalawa sa kusina. I am sitting on the left side of the dinning table while her, on the right side. "Tungkol saan ba ang gusto mong pag-usapan?" walang ka-interes-interes na tanong niya. She seems so uninterested but yeah, I don't care. All I need is for her to gather herself and be a mother to us. I don't want to raise a fight. I will just re-inform her of what are happening in this house. Zavia already told her but it looks like she is doing nothing for her children. Sabagay, hindi na nakakapagtaka, sa akin nga ni isang kamusta hindi magawa. Medyo weird lang kasi paborito niyang anak ang mga 'yon pero hanggang ngayon hinahayaan niyang umuwi gabi-gabi si Qianzy na lasing. Si Quenxi naman ay nagkukulong din sa kwarto niya. "Your daughter, Qianzy, I'm sure you are aware of what she is doing to her life now, Ma." Nakakabinging katahimikan ang namutawi sa aming dalawa. Tinignan ko siya, nagbabakasakaling may makukuhang sagot pero parang wala siyang narinig. "Hindi lang si Qianzy, pati na rin si Shun at Quenxi. Umuuwi siya ng dis oras at lasing pa. Si Quenxi halos hindi lumabas sa kwarto. Si Shun nandoon sa kaibigan niya dahil pinagsabihan ko, in short naglayas siya. Pero ano, heto ka," saad ko. "Oh ano naman? May sariling isip na ang mga kapatid mo. Alam nila ang ginawa ni—" "Ma! Naririnig mo ba sinasabi mo? Seriously?" Blanko ang mukha siyang tumingin sa akin. Ni katiting na interest ay wala talaga ako mahanap. Parang kung anong robot lang ang nasa harapan ko. "Ma, mga anak mo 'yon! Bakit parang wala lang sa 'yo? Itutulad mo pa talaga sila sa akin? " "Alisha, bente tres anyos na si Qianzy at Quenxi. Hayaan mo silang maglasing, maglayas at magkulong sa kwarto. Haayan mo silang gawin ang bagay na gusto nila. Hayaan mo silang mabuhay na walang ako. Hanggang sa sila na mismo magising sa mga ginagawa na." Pilit akong napatawa sa narinig ko. Nanay ko ba talaga 'to? "Malalaki na kayo, alam niyo na kung anong tama at mali sa ginawa niyo. Tapos na ang responsibi—" "Tangina?! Is that your way of parenting? Seryoso ka, Ma?! Kasi alam mo, nakakagago 'yang mindset mo. Sorry but not sorry, Ma pero hindi ko talaga maatim 'yong paraan mo sa pagpapalaki sa amin. Ginawa mo na 'to sa akin noon, nabuhay akong hindi ramdam na nandiyan ka para sa akin! Ni hindi ko nga alam kung may nanat nga ba talaga ako habang lumalaki! Ngayon plano mo ring gawin sa mga kapatid ko?! Anong klase kang ina— "Wala. Kang. Karapatang. Kwestyon. Ang. Pagiging. Ina. Ko. Alisha!" she said while stopping herself from getting angry. Tho' it seems like I offended her but I don't care. Do she think I care? Mabuting alam niya ang kung ano ang naiisip ko sa kaniya. "Bakit wala?! Ha, bakit?!" pigil sigaw kong tanong. Nakakaubos na ng pasensya ang ginagawa nila sa akin. In the very first place, I feel like I don't belong in this family. I'm trying my best but seems like I really can't fit in. "Sabihin mo sa akin, Ma, bakit wala akong karapatang kwestyunin ka? Na kung tutuusin ang dami kong tanong at ang dami kong p'wedeng isisi sa 'yo. Sobrang dami! Sobrang dami kong gustong sabihin sa 'yo pero nasaan ka? 'Di ba wala? Now, can you blame me? Can you stop me from questioning your worth as my mother–no, our mother, mukhang kasing hindi lang ako 'yong makakaranas ng pagiging dakilang ina mo! " Simula bata pa lang ako, hindi ko na maramdaman ang pagmamahal ni Mama. Aaminin kong uhaw ako sa pagmamahal ng magulang lalo na sa kaniya. Sobra akong naiinggit sa mga kapatid ko noon dahil ang dali lang nilang makuha ang atensyon niya habang ako kahit anong gawin ko wala. Kahit anong taas ng grades ko, kahit anong achievements na mayroon ako, wala pa rin. Pero kahit ganoon hindi ko magawang magreklamo o ano man sa kaniya. "Ang hinihiling ko lang naman sana. Sana maisip niyo ring alamin kung okay pa ba ang mga anak niyo. Kung ayos pa ba sila. Kung sila pa ba 'yon," pilit na biro kong saad sa kaniya. "'Yon lang!" Marahas akong tumayo sa pagkakaupo ko at padabog na umalis sa kusina. Baka saan pa 'to umabot. Walang ano-ano, biglang sumigid ang kirot sa bandang kaliwang ulo ko. Napatigil ako sa paglalakad at sandaling huminto, agad na dumapo kaliwang kamay ko sa bahagi ng ulo ko na sumasakit. Pilit itong pinipisil, baka sakaling mawala. Hindi naman ako nagkamamali dahil nawala nga kalaunan. Kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. Bago pa ako makalayo sa kusina, narinig ko ang huling sinabi ni Mama. Sigurado akong hindi okay sila Xi at Zy, dagdagan pa na kakagaling si Shun sa hospital, ngayon mukhang magkakaroon na talaga ng isang polidong rason para tuluyang masira ang pamilya na 'to. I just don't know what to do now. I'm getting tired. Akala ko 'yong pamilya ang masasandalan mo sa t'wing may problema ka o napapagod o sa panahong walang wala ka nang makakapitan. Pero bakit ganito sa akin, mukhang sila pa 'yong problema ko. "Now, my problem is, how can I tell them that their parents are going to separate," I almost whispered to myself. Gusto nang makipaghiwalay ni Mama Kaz kay Tito Yuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD