PROLOGUE

506 Words
"Langga, sa tingin mo, hanggang kailan kaya tayo tatagal?" Hinawakan ko ang kamay niyang nakayakap sa beywang ko at marahang pinikit ang mga mata ko para damhin ang malamig na hangin. "Lalo na ganito pa rin ang sitwasyon natin. Palala pa nga nang palala. Pag nalaman ng Mama mo 'to, siguradong 'di ka papauwin." Pagmulat ko ng mga mata agad na bumungad sa akin ang mahihinang paghampas ng mga alon. Bahagya akong lumingon, nakayakap kasi siya sa likod ko kaya 'di masyado makita ang mukha niya. Tahimik lang niyang pinagmamasdan ang kalangitan. Animo ay lihim na hinahangaan ito. Walang ano-ano ay lumipat ang tingin niya sa akin saka ngumiti ng pagkatamis-tamis. Maaliwalas ang maamo niyang mukha. "Panginoon lang ang nakakaalam niyan, Langga." Mas hinigpitan niya pa ang yakap niya sa akin. Napapikit na lang ulit ako. Ninamnam ang init ng kaniyang yakap. Sigurado akong ma-mi-miss ko naman 'to at siguradong matatagalan na naman bago ko muling maramdaman 'to. "What if hindi natin kayanin?" I felt him stilled. Hindi ko maikakaila na pahirap nang pahirap ang sitwasyon namin. Kahit anong tagal ng relasyon na mayroon kami, marami pa ring sumusubok at tila ayaw kaming pagsamahin. Tulad na lang ng Mama niya, na gustong-gusto siyang matuloy sa pagkapari. "What if there's something better future for us—" "Are you tired?" He cutted off my words with his question. Ako naman ang napatigil. Napapagod na nga ba ako? Mas humihirap ang sitwasyon namin ngayon. Hindi ko alam kung hanggang saan o hanggang kailan kami magkakaganito. Kung kami pa nga ba talaga hanggang sa huli. I heave a deep sighed and shooked my head. "No, just a random thoughts." "Are you sure?" Ramdam ko ang tingin niya sa aking gilid pero 'di ko binigyang pansin iyon. Muli akong huminga ng malalim at tinignan siya at ngumiti. "Yes!" "Oh, okay," he said, caught off guard. "By the way, we have to go! Magpapahinga ka pa. Saka gabi na rin, maaga pa ako babalik bukas," sambit niya saka kumalas sa pagkakayakap at humarap sa akin. Ang laki na talaga ng pinagbago niya. Mas lalo siyang tumangkad at hindi na siya ganoon ka payat tulad ng dati. Mag-da-dalawang taon na pero hindi pa rin ako sanay. Pareho pa rin ang saya sa t'wing nakikita ko siya at lungkot sa t'wing kailangan niya nang umalis. "Ali?" Ang hirap ng ganitong set-up pero kailangan naming magtiis pareho, para sa relasyon namin. "Are you okay?" nag-aalala niyang tanong. Tumango lang ako at pilit na ngumiti. Siguro ay napansin niya ito kaya ginawaran ulit ng isang napakahipit na yakap. "I'm sorry," bulong niya. Pinahid ko ang ilang butil ng luha sa pisnge ko at saka kumalas sa pagkakayakap niya. "Sunday." Ngumiti ako. "Hihintayin kita ulit sa Sunday." Ngumiti rin siya at hinalikan ako sa noo. Every Sunday is the only day Kysler could go home, the time we could meet and talk and it is the only day we became sinner just to continue our forbidden love. "Salamat! Palangga ta gid ka, Alisha. Mahal na mahal!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD