—ALISHA'S POV—
Pinagpipindot ko pa lalo ang doorbell ng condo ni Yhuri. Kanina pa ako nandito sa labas pero ang tagal-tagal niyang magbukas. Kung 'di ba naman urgent 'to, hindi na ako mag-aabala pang pumunta nang sobrang aga rito.
"Oh?" bungad niyang saad.
Halata sa mukhang bagong gising pa, gulong-gulo ang mahaba niyang buhok na kulay abo ang halos kalahati nito at nakapangtulog pa na damit.
"May paa ka naman siguro, kaya pumasok ka na!" utos niya saka naunang bumalik sa loob, hindi na ako nagsayang pa ng oras at pumasok na rin.
Dala ang handbag ko na may lamang laptop, pinatong ko ito sa ibabaw ng table sa gilid.
"Kung nandito ka na naman para humingi ng tulong para siputin ko ang sinet-up na date sa 'yo ng mga kapatid mong kambal, please lang, kotang-kota na ako riyan," pangunguna niyang saad.
Pilit akong tumawa saka umupo sa couch. Nasa loob siya ng kwarto niya, bukas ang pinto no'n habang ako ay nandito sa parang living room ng condo niya.
"Paano mo nalaman? Galing naman manghula, bes!" may halong pagkasarkastikong sambit.
Isang malakas na kalabog na galing sa kaniya ang bumasag sa katahimikan. Maya-maya ay nakita kong dumukwang ang ulo niya sa pinto ng kaniyang kwarto.
"Baka hula ko lang?" sarkastiko rin niyang tanong. "Isa ka bang dakilang abno, Alisha? Just so you know, Alisha, you are always doing that—going here in so early in the morning just to have a favor. And for goodness sake, you did that favor for million times—"
"Woy! Ang OA, ilang beses pa lang eh!"
"Anong ilang beses ha?!" Isang malambot na bagay ang tumama sa ulo ko. Pagkalingon ay nakita ko sa sahig ang 'di kalakihang unan. Tinungo ko ang kwarto niya at dumukhang para makita siya.
"Sige na kasi! Last na, promise!"
"Nako, tigil-tigilan mo ko sa last, Alisha! Sinasabi ko sa 'yo, kotang-kota na ako riyan. Isa pa, nag-aaway na kami ni Paxton dahil diyan." Si Paxton ang boyfriend niya na best friend ko rin.
"Eh ako na bahala ro'n." Tumigil siya sa pagkakalikot ng lalagyan niya ng damit.
"Still no! Saka alam mo, ang kapal ng mukha mong magmaldita sa harap ng mga lalaki tapos naduduwag ka naman siputin ang mga sinet-up na blind dates sa iyo!"
"Yhu, promise last na!"
"Imbes na ako iyong pinepeste mo, pagsabihan mo iyang mga kapatid mo na tigilan ka kakareto."
I stopped. Useless to do that. They are so worried that I might get old without even having my own family. Ang kulit-kulit nila. Matagal na akong walang planong mag-asawa. Isa pa, may mga pinsan pa akong pagtatapusin sa pag-aaral.
"Alam mo naman, 'di ba?" Lumingon siya sa akin at saka binalik ang tingin sa mga damit niya. Kinuha ang isang pares ng pang-office na uniform namin.
Pareho lang kami ng kompanyang pinagtatrabahuhan ni Yhu. In ABC Company, me as Cheif Accountant and her as Internal Auditor.
"Oh yeah, because they are scared that you might turned into a matandang dalaga," she said in a sarcastic way.
Sinundan ko lang siya ng tingin. Nakasandal pa rin ako rito sa gilid ng pinto. I crossed my arms and looked at her again.
"More likely—"
"Then why not settle your life. Find someone who you could marry!"
"Ayoko nga! Ang cringe! Nakakarindi kaya mga mukha nila, lalo na kamo boses nila. Ew!"
"Wow maka-ew, sus, if I know, hindi ka pa nakaka-move on hanggang ngayon. Hindi mo nakakalimutan si Manong Kys." Naglakad siya patungo sa CR na nasa loob lang ng kwarto na 'to. Hindi man lang nagdalawang-isip sa sinabi niya.
"Hindi naman sa gano'n, isa pa tagal na no'n. 8 years had passed, I'm sure I moved on—"
"Okay, if you did, then, ikaw ang sumipot sa date na sinet-up nila Quenxi and Qianzy. Malay mo, tama ako!" pahabol na sigaw niya sa loob ng CR.
"I already moved on. I'm sure!"
Kapagkuwan ay dumukhang ang ulo niya sa pintuan ng CR niya saka nagsalita. "Tatlo lang iyan, Bes. It's either first, hindi ka pa talaga naka-move on kay manong," wika niya itinaas ang index finger animo ay magbibilang.
"Second, balak mo talagang tumandang talaga dahil bitter ka sa love." This time ay middle finger niya naman ang itinaas.
"Ano iyong last?" hindi makapaghintay na tanong ko.
"Last," saglit pa itong ngumisi. "Baka babae talaga gusto mo!" Pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin iyon ay humagalpak siya sa tawa. Agad kong hinablot ang natitirang unan sa kama niya mabilis na ibinato sa gawi niya. Pero tanging pinto ng CR niya ang sumalo dahil mabilis niya itong naisara.
"It's not funny, Yhu. Basta stop this topic. I moved on already. That's final!"
"Okay!" She shouted. "But this I won't go in your suppose be blind dates!"
Tsk! Bakit kasi ang kulit ng kambal!
Quenxi and Qianzy are my younger siblings. Ang pasimuno sa reto-reto sa akin. They are in their fourth year college. Unlike me, they are so friendly, especially Quenxi, kaya nga siguro sobrang dami ng narereto nila, lahat naman 'di ko natitipuhan or let me say, lahat ay hindi ko sinisipot. As much as possible, I don't want to interact with boys, ang pangit nila lahat!
Buti na lang may mabait akong best friend—though dito lang banda naging mabait si Yhu. Sinasalo niya lahat ng ka-blind date ko. Kahit may boyfriend siya, si Paxton, she always lend me a favor. Hindi naman sa malandi siya or what, alam niya kasi kung gaano ako ka rude sa mga lalaki. Alam naman ni Paxton ang tungkol doon. They are my best friends ever since highschool so they knew me very well.
"Ang sabi ni Quenxi, kakilala ko raw noong college tayo, mas lalong ayoko, Yhu. Sige na kasi!" Lumapit ako sa tabi ng pinto ng CR at sumandal rito.
Rinig ko ang pag-on ng shower pero 'di ko na pinansin at nagsalita ulit.
"Ba't kasi gustong-gusto na nila ako maghanap ng boyfriend. I'm still enjoying my life—"
"You're enjoying being rude and mean to everyone!" pasigaw na wika ni Yhu sa loob.
Ako naman ay padabog na naglakad pabalik sa kama niya. Saglit pang natigil sa isang body–size mirror sa gilid nito.
I could see my reflection through it. Wearing a color gray office attire, having a fair morena skin, short greenish. Bahagya akong lumapit sa salamin para tignan ang mga mata ko rito.
"Ang laki na naman ng mga alaga ko," pagka-usap ko sa sarili. I'm pertaining to my eyebags, they are getting bigger and darker.
'I'll treat myself, maybe next week.' I smiled at the thought of it.
WE ARRIVED at our work 10 minutes before the office hour starts, good thing we're not late. Ang tagal pa maligo ni Yhu.
Nakaupo ako ngayon sa cubicle ko sapok ang noo sa bumungad. Kakarating pa lang ay tila napagod na ako sa nakita. Napakadaming papel sa ibabaw ng mesa ko.
Wew, hindi naman ako mabubuang nito,' no?
I was about to get and read one of the papers, surely concerning to business transactions when I heard a voice, calling my name. Nagpalinga-linga pa ako pero dahil sa nakaupo ay hindi ko agad makita. May parang barrier kasi ang bawat cubicle namin at pag nakaupo ka ay hindi agad makikita, especially if you're short.
'Well, I'm not that short—I guess, 5'5, enough not to call me short.
"Alisha, proceed daw sa office ni Miss Akisha," wika ni Venus na nakasandal sa gilid ng cubicle ko. She's one of my co-worker, assigned as assistant of Qialix, one of our CPA in the lending department.
"Okay, thanks." I stood up and went to our Boss' office.
Ano kaya kailangan n'on? May plano bang dagdagan ang gagawin ko? Sana naman bawasan kahit konti 'yong nasa lamesa ko ngayon.
I stopped in the front door and knocked three times. Hindi nagtagal narinig ko ang boses ni Miss Aki na pinapapasok ako. So I did.
"Good morning, Miss."
"Please, have a sit." I didn't uttered a word and did what she said, to sit.
"I'm sure you saw the piled up paper in your desk. Gia, one of our management accountant filed a resignation last week, she's migrating to state with her bed sick husband. I have no choice but to give it to you. Since you're the Cheif Accountant but don't worry, I already hired an assistant to help you."
I smiled bitterly as I heard what she said. As if, p'wede kong tanggihan at sabihing ayoko. I can't blame Gia, she's been suffering because of her husband. Ayts!
"Okay, is that all, Miss? If yes, please inform me if she'll report here today. So, I could assign her things she needs to do."
Tumayo na ako saka tumalikod sa kaniya. Ayoko ng pahabain ang usapan. Klaro naman na ako iyong sasalo sa lahat ng mga naiwang trabaho ni Gia at hindi ako p'wede magreklamo dahil trabaho ko ito.
"Wait, Alisha. One more thing!"
I stopped and looked back at her. "It's not she."
Tuluyan akong nawalan ng gana sa narinig. Bakit ba sadyang kay bwesit ng mga tao ngayon?
"Don't worry, I'm sure you'll get along with him. You knew him—"
"Look, Miss Aki, I can do it alone. No thanks."
"I insist, para hindi ka masobrahan sa gawain. Saka he'll be your assistant for—"
"No, I insist. I don't need help nor assistant, most especially if not she," I mimic what she said.
"We have protocol, Ms. Audere, you need to pass the Financial Statements right before the deadline and that is 3 days from now. What is the problem having a man as assistant? Besides, I'm sure you knew him—"
"Whatever!" I went outside her office, didn't mind her calling and shouting my name.
Bastos na kung bastos pakikitungo ko pero alam nila, ng lahat, na kung maari ay ayoko makipaghalubilo lalo na pag sa lalaki. For what reasons? I don't know. I easily get upset except for those boy bestfriends I have ever since college. Pero kokonti lang sila, mabibilang ng daliri ko.
Inumpisahan ko na ang pagtatrabaho. Pinaghiwalay ko ang dapat ihiwalay na papers. Tinapon ang dapat itapon.
Long day ahead!
QUARTER TO 7 pm when I received a call from Quenxi, telling and asking me if where the hell I am.
"Huwag niyo akong disturbuhin ngayon, Xi. I need to finish a lot of things and papers. Kayo bahala mag explain sa kung sino man inano niyo sa akin," I said with an irritated voice.
Mukhang kailangan ko ng overtime nito. Wala pa sa kalahati natatapos ko. Segregation pa lang nauubos na oras ko.
"Eh, Ate naman. This time talaga, 'di ka mabibigo, isa pa kilala mo raw siya and he likes you. He seems to like you ever since. And you know what, he's cute too!"
"I don't give a damn care. Ayoko! Tigilan niyo na iyan!"
"Pero, Ate—" Agad kong pinatay ang tawag.
"Hindi ba mabubuhay ang mundo pag walang lalaki?! Tangina naman! Mas mahirap suyuin 'tong accounting!" Huminga ako ng malalim at bumalik sa ginagawa.
WALA NA HALOS tao rito sa building. 10 pm na nang magdesisyon akong ipagpabukas ang ginagawa. Hindi na kaya ng mga mata ko. Tahimik akong naglakad sa parking lot nang tumunog ulit ang phone ko. Binuksan ko muna ang kotse saka kinuha ang phone at sinagot ang tumatawag. Si Quenxi.
"Oh?"
"ATE! ATE, SI SHUN!" She's screaming. Her voice seems to panic.
"Anong nangyari?"
"Sinugod namin siya sa hospital, Ate! Nandito kami sa Doctor's Hospital!" rinig kong boses ni Qianzy.
Mabilis pa sa alas-kwatro kong pinaandar at pinaharurot ang kotse. Pagkarating ay tinungo ko agad ang nurse station para pagtanungan kung saan ang room ni Shun.
"Yes, Miss. Shunrei Aristeo Aemilius Audere, Miss. Yes, I'm his sister."
Hindi nagtagal ay binigay ng nurse ang room number ni Shun. Room 153, na nasa second floor 'yon. Pagkarating ko sa room niya ay padabog akong pumasok. Nakasandal ang likod niya sa headboard ng hospital bed at hawak-hawak ang cellphone.
"Ate!" sabay na tawag nila Quenxi at Qianzy pagkakita sa akin. Pareho silang tumayo at lumapit sa akin.
"Oh, mukhang buhay pa naman 'yan. Anong nangyari?" Iginaya ako papaupo ni Quenxi sa maliit na couch sa gilid.
Nagkatinginginan sila saglit at nagsalita si Zy.
"Running for leukemia." Agad na binatukan ni Xi si Zy pagkasabi niya n'on.
"Buang, sabi ni Doc. Anemic siya, habang tumagatagal ay nauubos ang red blood cells, kailangan niya raw salinan ng dugo."
"Eh ganoon rin 'yon, pag 'di tumigil 'yan kaka-cellphone, siguradong sa morge final destination niyan!"
I looked at Shun who's still busy with his phone and sitting on the hospital bed. Not even feeling my presence nor give me a short glance at me.
Shun is my youngest half brother. Actually, Qianzy and Quenxi are my half sisters too. Kapatid ko sila sa ina. My father died right after Mama found out that she's pregnant—4 months pregnant with me. Tito Yuan, ang ama nila, siya na rin tumatayong ama ko.
"Hoy, Shun! Nandito na si Ate, aba hindi ka nadadala, 'no?!" wika ni Qianzy na naka-crossed arms pa, nasa tabi ko lang.
Saglit na tumigil si Shun sa pag-ce-cellphone at tumingin sa gawi namin. Pagkakita sa akin ay itinabi niya ang phone sa gilid at umayos nang pagkakaupo.
"Hi, Ate!" ngiting aso niyang bati.
"Give me your phone!" Finality could be sensed to it.
Inilahad ko pa ang kamay sa harap. Natahimik silang tatlo. Nakatingin lang sila at naghihintay sa kung sino at ano ang gagawin ng isa sa amin.
"Paki-kuha ng phone niya, Xi," pag-utos ko, agad naman niyang sinunod at kinuha.
"You'll be grounded until you fully recover. Bawal ka mag-phone. Bawal ka lumabas at sumama sa mga barkada mo. And you'll be eating vegetables every meal. You'll be—"
"Pero, Ate—"
"Not buts, Shun. You heard me, right?" I quickly cutted his words with mine.
"Isusumbong kita kay Mama!" sigaw niya.
"Go! Magsumbong ka. Wala akong pake. Zy at Xi, samahan niyo 'yang magaling nating kapatid sa pagsumbong kay Mama. Make sure, makakapagsumbong ha or else kayo malilintikan sa akin." Pagkatapos ay nilagay ko sa ibabaw ng table ang aking bag at kinuha ang isang maliit na unan, na nasa uluhan ko lang at humiga nang maayos sa couch.
Naantok na ako sobra saka sumasakit na rin ang ulo ko. Baka makatulog ako sa pag-drive pauwi kaya rito na lang. Good thing they didn't bothered to enterupt me.
6 AM PA lang ay gumising na ako. 8 am pa naman work. Inasikaso ko muna ang mga hospital bills. Nakausap ko na rin ang Doctor ni Shun at sabi niya hindi pa naman ganoon kalala ang sakit ng kapatid ko. Kailangan lang talaga niyang ipagpahinga ang sarili at iwasan magbabad sa phone. Dagdag pa sa pagiging anemic niya ang paglabo lalo ng kaniyang mga mata.
Pagkauwi ko ay naligo, kumain at nag-ayos ako saka nagdesisyong pumasok sa trabaho.
'Shet, 'yong papers.' Naiisip ko pa lang talaga ang mga gagawin, nauubos na energy ko. Bumuntong hininga ako at sumakay sa kotse.
Work again!
I was about to turn on the engine when my phone rang. It's Yhu. "Alisha Aemilius Audere! Nasaan ka, bes?!" bungad na sigaw niya.
"Sa bahay pero paalis na rin."
"Sige, sige bilisan mo ah HAHAHAHAHA!" Kumunot ang noo ko sa narinig. Humahagalpak itong tumatawa sa kabilang linya.
Hinayaan ko lang siyang tumawa nang tumawa at hindi nagsalita. Anong nakain nito at tawang-tawa?
Gosh, naantok pa yata ako.
"Wala ka bang sasabihing mati—"
"Hindi mo ba tatanungin kung ano tinatawa ko, bes?" Ayan na naman siya sa bes, what's with it huh?
"Just spill it." I start driving. Palabas na ako sa gate nang muli siyang magsalita.
"Iyong assistant na HAHAHAHAHAHA binigay HSHSHSHSHS—
"Tapusin mo kaya muna ang tawa mo." Tumigil ako, nagsuot ng bluetooth earphones at nag-drive ulit.
"Eh ganito kasi HAHAHAHA—heto na sure na, last na tawa HAHAHAHAHAH! 'Yong assistant na binigay sa 'yo ni Miss Aki. Bes, naalala mo 'yong nang busted sa 'yo?"
Marahas akong nagpreno.
"The f**k? And when was that happened? Excuse me, Yhuri Qachika Aldera, as far as I remembered, I am the one who were rejecting boys, not the one who being rejected."
Again, she laughed so hard in the other line. Rinig na rinig ang nakakarindi niyang tawa, dinaig pa yata ang nakalunok ng mic.
"Woy HAHAHAHAHAHAHAHAHA, relax! HAHAHAHA! okay, okay, let me rephrase my statement. Naalala mo ba 'yong nag-thank you zone sa 'yo? Bes, siya 'yong assistant mo! HAHAHAHAHAHAHA!"
Saglit akong natahimik, iiniisip kung sino ang tinutukoy niya.
"Wait. What? You mean King?!"
"Yes, the one and only King Caster."