—ALISHA'S POV—
I don't know what got into me but I hurriedly went to the office. I'm not excited to see him but I am curious if Yhu was telling me the truth. You know, she is fond of doing pranks, malay ko ito trip niya ngayon dahil sa mga pinaggagawa kong favor.
"Don't worry, I'm sure you'll get along with him. You knew him—"
Oh no! Is this what Miss Aki meant yesterday?
It's been long since I last met King. Graduation pa yata n'on.
I had a little crush on him, months after I broke up with my ex. He did something that knocked the hell out of me and made me realized how stupid I am for holding into something isn't right.
I am fully aware that, that time, I haven't moved on yet. I know but I still confessed to King. I did the confession not because I'm ready to commit or I'm asking for a 'crushback'. Gusto ko lang sumabog ng mga oras na 'yon, saktong siya kasama ko. Or maybe I was just the type of person before that will confess my feelings even there is only 1 percent chance that I will be happy with the results. Ugali ko lang sigurong saktan sarili ko noon.
So after I confessed, he didn't said that he doesn't like me, tho' he never mention that he has feelings towards me too. The only words I heard coming from him was 'thank you'
"Hoy, Alisha!" Naputol ang pag isip-isip ko ng mga bagay tungkol kay King nang sumulpot na parang butiki si Yhu sa tabi ko.
Papasok na kami sa main office at siya nakasunod lang sa akin.
"I really still can't believe it. I think your karma is coming na, bes," wika niya habang patuloy kaming naglalakad. "Your payment for being rude to all of the boys, for rejecting them in an impolite—"
"Can you please shut up for a minute. Kulang ako sa tulog. Galing pa ako sa hospital at boysit talaga sobrang dami ko pang tatapusin na papers! "
Tumahimik nga siya. Hanggang sa naghiwalay na kami at pumunta sa kani-kaniyang cubicle namin. Pagkarating ko sa cubicle ay wala naman si King. Nilapag ko ang mga gamit na dala sa table, akmang uupo na sana nang may magsalita. It's Yrra, Miss Aki's assistant, wearing her usual nerdy look.
"Ms. Aki, instructed me to inform you to report to her office right after you arrived," she said while holding some papers.
I nodded at her as response. She just smiled and then walk away. Saglit pa akong uminom ng tubig sa tumbler ko at tinungo ang office ni Miss Aki. Kumatok muna ako saka pumasok. Pagkabukas ng pinto, bumungad sa akin si Miss Aki na nakaupo sa upuan niya. Sa harap ng table ay may nakaupo rin. Base sa likod nito, isang lalaki.
"Miss Aki," tawag pansin ko sa kanila.
Tinuon ko ang pansin kay Miss Aki pero kita sa pheriperal vision ko ang paglingon ng lalaki. Hindi ko siya pinansin saka naglakad papalapit kinaroroonan nila.
"Oh, Alisha, you're here!" Tumayo silang pareho.
"Yrra informed me that I need to report here—for what concern, Miss?"
"Yeah, here, beside you is King Caster. You remember him?" Nilingon ko ang lalaki.
Nakasuot ng itim na polo na siyang lalong nagpatingkad sa maputi niyang balat. Literally an adonis type of guy. He has this pinkish-thin lips, pointed nose and expressive brownish eyes. A simple yet handsome looking guy. Napaka-manly ng dating niya.
I did like him but that 'was' and just as like.
"Yes," I plainly said. Ilang dangkal lang ang layo namin sa isa't isa.
"And he will be your assistant. You know, the one I am talking to yesterday."
"But I told you, I don't need assistant especially a boy." Narinig kong napasinghap si King. I didn't mind him, or even gave him a glance.
I knew him but that wouldn't give him a licence to interact with me.
"And I told you, it's final. Besides I heard what happened to your brother."
"Bilis nga ng chismiss," bulong ko.
"You are saying, Ms. Audere?"
I shooked my head and looked at them with a poker face. Sa tabi ko naman panay ngiti si King, animo hindi man lang pinapansin ang awra ko.
"Sa ayaw at gusto mo, tutulungan ka niya."
"Yeah, whatever. Excuse me." Mabilis akong lumabas ng office ni Miss. Ramdam ko ang pagsunod ni King. Hanggang sa nakarating kami sa cubicle ko ay walang nagsalita.
Wala rin naman akong sasabihin.
Padabog kong inayos ang papers sa table nang magsalita sa wakas si King.
"How's your brother?" Nilingon ko lang siya at binalik ulit ang tingin sa mga papel. Umupo ako sa swivel chair at humarap sa computer ko. Marami pa akong dapat i-encode, bahala siya sa buhay niya.
Isinawalang bahala ko ang presensya at ginawa ang trabaho ko. Nakailang salita rin siya pero hindi ako natinag at hindi siya pinansin. Mga apat oras na akong nababad sa computer kaka-encode nang mapansin umalis si King. Naglunch lang ako, saka pinagpatuloy ang trabaho. Patapos na rin ako sa pag-encode. I'll do the FS (Financial Statements) after this. Nag-una-unat pa muna ako ng kamay nang biglang dumating si King. May bitbit na dalawang cup ng coffee. Nilagay niya ang isa table ko at bahagyang tumango.
"I didn't put poison, so no need to worry—"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at kinuha ang coffee niyo at binalik 'yon sa side table, kung saan nakaupo siya.
Ibinalik ko ang tingin sa computer at nag-type na ulit. Hindi na rin siya umimik pa. Pero sigurado akong nasa gilid ko lang siya. I could feel his stare but I put all my attention to the screen of the computer and encode the remaining transactions. Pabalik-balik ang mata ko sa computer at papers na hawak ko. Maya't maya ay hihinga nang malamim tapos mag inat-inat ng katawan. Ilang oras ako ng babad sa desk ko nang makaramdam ng antok. No'ng una ay hindi ko pinansin pero kalauna'y sumuko ang mga talukap ng mga mata ko.
'Just a nap.' I thought to myself.
And I fell asleep. Not minding what will happen or work that I have to finish. Pag antok na kalaban, mahirap na. Hindi na ako makapang-hindi. Ilang araw na rin kasi akong nag o-overtime. Wrong timing pa ang pag-alis ni Gia, kaya ako ang sumalo nang mga dapat gagawin niya.
NAGISING AKO nang isang marahang tapik ang ginawad sa pisnge ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa dalawang brasong nasa table ko, ginamit itong unan. Muli, naramdaman kong may kamay na niyuyugyog ang balikat ko sa likod. Naiinis kong hinarap ang kung sinong hinayupak na gumigising sa akin.
"Ano ba?!" sigaw ko.
"Tulog mantika ka, ghorl!" As always with her thinnest tone of voice. "Kulang na lang tumulo laway mo oh!
Kinusot ko pa muna ang magkabilang mata hanggang sa nakita nang maayos si Yhu, nasa gilid ko at naka-crossed arm pang nakatayo. Ngayon ko lang din napansin na halos patay na lahat ng ilaw dito sa office. Iilang cubicle na lang naka-on, kasama na akin.
"s**t!" Pagkatingin ko sa computer ay patay na ito, paglipat ng tingin ko sa mga papers, wala na rin. Hindi pa nakapagtanong ay sinagot ni Yhu ang itatanong ko sana.
"Si King na raw bahala. FS na lang din naman kulang. Tumayo ka na riyan, isabay mo ko sa kotse, nasiraan ako kanina eh!" Nag-umpisa na siyang maglakad kaya nag-ayos ako ng gamit at tumayo na rin.
"And by the way, he said, you could have your day-off tomorrow. He'll give you the final FS and papers, even the presentation that you need to report to Miss Aki just have a day-off." Lumingon ito sa akin at ngumisi. "Sweet naman, ganyan ba pag na thank you zone mo ang isang tao? Nagiging sweet ka," wika niya at lumapad pa ang pag ngisi.
"Are you sure?" She nodded as response.
"Sure sa sweet o sa ano ba?"
"Na tatapusin niya." She nodded as response again.
"Pag wala akong ma-i-present kay Miss Aki sa makalawa, malilintikan kayong dalawa niyang si King."
"Oh bakit nasama ako?"
"Eh ikaw kasi 'tong chismosa na nagsabi—"
"Excuse me, Alisha, pinapasabi nga niya!"
"Kaya nga. Siguraduhin niyo lang."
Umuwi na kami pareho. Dahil sa nasira ang kotse niya kaya hinatid ko siya sa condo niya at umuwi na rin sa bahay bago dumeritso ulit sa hospital.
I WAS LITERALLY waiting here inside the coffee shop for almost an hour. It's my day-off. Since King do the job for me, Miss Aki confirmed it, he will be the one to finish the FS. Sana lang maayos at tama paggawa niya. I was here because Paxton, Yhuri's boyfriend called me hours ago, waking me up in so early in the morning. Asking and even blackmailed me just to come here, and isa ba namang malaking tae, siya na nga nanggambala, siya pa ‘tong late.
'Kakaboysit!'
Kung 'di lang talaga 'to para kay Yhu at kung hindi ako makikinabang. Hindi ako magpapadala sa kaanohan niya.
Dahil sa kanina pa tunog nang tunog ang phone ko. Wala akong nagawa kung 'di ang gumising at sagutin kung sino ang tumatawag. When I checked the clock it's still 6am.
"Oh?"
"Good morning, bff!"
"What do you need?" Umayos ako ng upo sa kama ko at humikab pa.
"I just want to greet you good morning, is there any problem if I greet my bestfriend a good morni—"
"C'mon, Pax. Last time you called me 'bff' was the time you wanted to surprise Yhu and asked her to be your girlfriend. This time, what is it? At p'wede ba, ang aga-aga nambubulabog ka, sarap na ng tulog ko!" mabilis kong sabi sa kaniya, may bahid na inis sa boses.
I leaned my head in the headboard of my bed and focused my attention to the phone, quietly massaging my now aching head. Medyo kumikirot ang nasa kaliwang banda ng ulo ko, ang nasa likurang parte, siguro dahil sa biglang paggising ko. Tsk!
"Yhuri told me that you'll be having a day-off—"
"So? Huwag mong sabihin na may ipapagawa ka at hindi ko man lang ma-e-enjoy day-off ko?"
"Okay, I won't tell."
Tsk sabi ko na nga ba!
"Spill it out, what do you need?"
"I want to propose to Yhu on her birthday, 6 days from now."
Wew! Magsasana lahat na ba ako? Teka, January 5 na pala, January 11 birthday ni Yhuri.
"Eh ano naman kinalaman ko? Nasa akin ba ang singsing," walang gana kong saad sa kaniya.
Narinig kong napasinghap siya sa kabilang linya.
"Hoy, Alisha, tigilan mo nga ako kapilosopohan mo—kaya siguro hindi ka nagkakajowa kakaganyan mo!"
"Pake ng mundo. Sino ba nagsabing naghahanap ako ng jowa, tanga mo naman. Humanap ka ng tutulong sa 'yo. Matutulog na ako," ubos pasensya kong saad.
Naiinis ako dahil hihingi ng tulong sa oras na dapat ay tulog pa ako. Kailangan ko rin kayang bumawi ng tulog.
"Help me to set up or at least, tips to propose. I'm very much aware that she loves me but I'm afraid she'll get disappointed."
"Malaki ka na, Pax. Matagal na rin kayo ni Yhu, siguradong kaya mo na 'yan!"
"Pretty please?"
"I'm going back to sleep!"
"Please, Ali?"
Natawa na lang ako sa naisip ko.
Paxton is my boy best friend ever since high school, tho' dahil sa kabilang company siya nagtatrabaho madalang kami magkita o magkausap. Yhu is my girl best friend too pero nauna kong maging kaibigan si Pax. Naalala ko pa noon, sobra pa sa aso't pusa 'yang dalawa mag away. Parating asaran set-up nila. Though kami ni Yhu 'yong magkaklase noong college na at 'yong ex ko at si Pax ang magkaklase noong high school pa kami. Sa t'wing magkikita o kahit magtagpo lang sila may world war na agad na nagaganap sa pagitan nila.
"Who would have thought you'll both end up together,' no?" wala sa sarili kong natanong.
"Ha? Pinagsasabi mo?"
"Sabi ko, sino mag-aakalang kayo ni Yhu magkakatuluyan eh noon halos magpatayan kayong dalawa."
I heard him chuckled on the other line.
"Yeah, who would have really thought. I just fell for her. I didn't even imagined before that she'll be my end game—hephep! So ano na? Help me or help me?"
"Sleep, Pax. That is what I want to choose—"
"Okay, edi don't pero 'wag ka umasa nahahayaan kong sumipot si Yhuri sa mga sineset-up na blind date sa 'yo plus 'yong King, be ready to say ' you're welcome' again. Madali talaga akong kausap, sobra hehe!"
"Boysit ka!" mura ko sa kaniya na kinatawa niya.
Sinasadya niyang ipaalala ang pag thank you zone ni King sa akin. Tae naman! Wala naman akong problema ro'n. Wala talaga. Tsk!
"Later 8 am at the coffee shop, tambayan. Thank you!" he said and ended the call.
Natigil ang pagmumuni ko nang may sumapok sa noo ko. Pagkatingin ko ay si Paxton. Wearing a white shirt and black jeans. Pagkatapos niya akong sapokin ay hinalikan naman ako sa noo. Well, gawain na namin yan noon pa. Mas prefer ko 'yan kaysa super anohan na kiss. For me, it shows respect and love, syempre as best friend. Never sumasagi sa isip kong patulan 'yan. Takot ko lang maging amazona si Yhu.
"Kapal din ng mukha mo,' no? Ikaw na nga may favor, ikaw pa late. Hindi lang isang oras, dalawa pa!" Masama ang titig ko sa kaniya hanggang sa nakaupo siya sa harap ko. Nakangiting aso pa ang abno.
"Sorry, na-traffic!"
Traffic my ass! That's the very lame excuse he'll always use when he's late.