Chapter Seventy Two

2058 Words

Kahit anong gawing isip ni Thea ay hindi niya masagot ang sarili kung ano ang pwedeng maging motibo ni Gabby para pag-isipan siyang gawan ng masama. At kahit na hindi pa napapatunayan, malakas ang kutob nila na may kinalaman ang pananakot sa kanya sa pamamaril sa kuya David niya at iyon ang hindi niya kayang paniwalaan. Na kayang manakit ni Gabby lalo na ang makapatay. Hindi ganoon ang pagkakakilala niya sa matalik na kaibigan. Simula nang makilala niya ito noong college sila ay wala siyang nakitang masamang ugali nito. Oo, nagkakatampuhan sila ngunit natural lang iyon sa magkaibigan. Isa pa ay hindi lang sila basta magkaibigan. They are bestfriends! Si Gabby ang tagapagtanggol niya, ang cheerer niya at ang katuwang niya sa lahat ng ups and downs niya sa buhay. Kilala nila ang bawat isa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD