Magkaharap silang dalawa ni Calvin ngayon sa loob ng private office nito. Nakayuko ang lalaki at magkasalikop ang mga kamay. Malalim ang iniisip nito at alam niya kung ano 'yun. Nag-aalala ito tungkol sa nangyari kanina. Hindi siya impokrita at sasabihing ayos lang sa kanya 'yon. Pero hindi siya galit dito. Mas galit siya sa sarili niya dahil aaminin niya, ilang sandali siyang nagdudu kay Calvin kanina nang makita si Lucy sa opisina nito. At hindi niya matanggap na nagduda siya sa lalaking ito na parang maamong tupa sa harapan niya ngayon. Mahal siya ni Calvin. Napatunayan na ito ng lalaki. Pero siya, hanggang ngayon, duda pa rin ng duda. Baka tama si Lucy, siya pa rin iyong dating Thea? But she's determined to change that. Kaya naiinis siya sa sarili niya ngayon dahil muntik na siyang m

