"Babe?! Anong nangyari?" halos mag-panic siya nang marinig ang boses ni Thea sa kabilang linya at humihingi ng saklolo. Kinabahan siya bigla dahil wala siya sa tabi nito. Nasaan ang mga bodyguards na pinagbabantay nya sa nobya? Ilan sa kanyang mga tauhan ang iniwan niya para magbantay sa dalaga habang wala siya sa tabi nito. Pero wala pang kalahating araw ay nangyari na ito. Kung anu-anong masasamang pangyayari na ang pumapasok sa isip niya ngayon. Bigla siyang napatayp at nagkakad palabas ng opisina. "Thea? Thea, answer me! What is happening?!" dumagundong sa buong floor ang kanyang boses. "Babe, help me! Papunta na sila mommy dito and I don't know what to say." Ano raw? Papunta ang mommy nito? Walang masamang nangyayari rito? Napahawak siya sa batok at biglang napatingin sa nagtatak

