CHAPTER 2

2084 Words
Nagising ako sa tunog ng paligid. Naririnig ko ang boses ni Mama na may kausap. Dahan dahan akong nagmulat at bumungad sakin ang nakakasilaw na liwanag mula sa ilaw. Ilang segundo pa ang nakalipas bago ako nakapag-adjust. "Anak? Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" sunod sunod na tanong sa akin ni Mama. Napaiyak naman ako dahil dito. Bumalik sakin ang huling naaalala ko. "Ano bang nangyari sayo, nak?" nag-aalalang tanong ni Papa.  "M-ma, mun-...muntik n-na po akong-...." nanginginig na ang buong katawan ko sa sobrang takot. Lahat ng naramdaman ko ng gabing iyon ay bumalik sa akong ngayon. Napatingin ako sa paligid. Nandoon ang magbarkadang nabangga ko ng gabing iyon. Ibinalik ko ang tingin sa magulang ko.  "Eislynn? Anak?" tawag nito sa kaniyang anak. Nanginginig ito at hindi mapakali habang nakatingin sa paligid,  "N-NO! PLEASE! NO!" sigaw ni Eis habang hawak hawak ang buhok na para bang nababaliw. Tumayo rin ang magbabarkada dahil sa pagkagulat at pag-alala kay sa babae. "Anton tawagin mo ang doktor! Dali!" utos ng nanay ni Eis sa kaniyang asawa. Agad naman tumalima ang ito at tinawag ang doktor.  "NO! PLEASE! PALABASIN NIYO AKO DITO!" sigaw pa ng babae habang umiiyak at sinisiksik ang sarili sa taas na bahagi ng kama. Dumating na ang doktor na may kasamang dalawang nurse. Hinawakan ng dalawang nurse si Eislynn habang ang doktor naman ay tinurukan ito ng pampakalma.  Maya maya pa ay kumalma na ito kaya dahan dahan siyang inihiga ng mga nurse sa kama. Nang pumikit na ito tanda ng nakatulog na ay inayos ng dalawang nurse ang bendang natanggal sa ulo ni Eislynn at hinarap naman ng doktor ang magulang ni Eislynn. "I guess your daughter have trauma sa nangyari kagabi. Ngayon, kaya siya nagwala ay na-trapped siya sa alaalang yon." sabi ng doktor. " I suggest na wag muna kayo magbabanggit nang makakapagtrigger sa kaniya. Ire-refer ko na rin siya sa isang psychologist para bumalik siya sa normal." dagdag pa nito. "Salamat po Doc." malungkot na sabi ng Ina. Tumango naman ang doctor at lumabas na ng kwarto kasama ang mga nurse. "Ano bang nangyari at saan niyo nakita ang anak ko?" tanong ng ina ni Eislynn sa magbarkada. "Naglalakad po kami sa hallway nun nang bigla siyang bumangga sa amin kaya napaupo sa sahig. Parang may humahabol po ata sa kaniya kaya siya tumatakbo." kwento ng babaeng maiksi ang buhok. "Tinatanong po namin siya pero tingin lang po siya ng tingin sa paligid na para bang may hinahanap o tinatakasan. Hanggang sa bigla nalang po siya nawalan ng malay. Saka lang po namin napansin na dumudugo ang ulo niya." paliwanag pa ng isang babae na may mahabang buhok. Napaiyak na naman ang ginang na siya namang pinapatahan ng asawa nito. Lumabas na muna ang magkakaibigan para bigyan ng privacy sila. Tatlong araw na ang nakalipas. Naging mabuti naman ang lagay ni Eislynn. Hindi na ito nagwawala pero minsan ay tulala ito. Sakto namang gising siya nang bumisita ang magkakaibigan. "Anak, sila nga pala yung taong tumulong sayo." nakangiting sabi ng ginang. Tinignan niya ang mga ito at nagpasalamat saka bumalik ulit sa pagkakatingin sa kawalan. Nilapag ng dalawang lalaki ang prutas na dala nila at ang dalawang babae naman ay nilapitan siya at kinausap. "Hi! Ako nga pala si Krisha" pagpapakilala ng babaeng may maiksing buhok. "Ito naman si Vanna." turo niya sa babaeng katabi niya na may mahabang buhok. "Yung lalaking naka Green, si Cole. At yung lalaking naka salamin naman ay si Luci." turo niya rin sa dalawang lalaking naka-upo sa sofa. Ngumiti naman ang mga ito at kumaway sa kaniya kaya nginitian na lang din niya. "A-ako si Eislynn. Salamat ulit sa inyo." sabi niya sa magkakaibigan. *P R E S E N T* Tatlong oras din inabot ang byahe namin. Nandito na kami ngayon sa venue. Medyo marami na rin ang tao dito. May ibang naka ready na mag swimming at yung iba naman ay nag-aayos ng pagkain. "Guys magswi-swimming kayo?" tanong samin ni Krisha. Lahat naman ay tumango.  "Tara hanapin na natin yung room natin tapos palit na rin tayo ng damit." aya niya sa amin ni Vanna. Iniwan na namin sila Luci at umakyat na sa taas. Pagtapos namin magpalit ay bumaba na agad kami. "Thank you guys at umattend kayo sa reunion natin! Ngayon lang ata tayo nakumpleto ah!" sabi ng dati naming presidente na naka mic pa. "Wag natin patagalin pa! Simulan na ang party!!" sigaw nito sabay patugtog ng malakas. "Girls kukuha ko ba kayo ng beer?" tanong ni Luci. "Sure, basta tig-ssang bottle lang kami tapos bawal na." sabi ni Vanna na sinang-ayunan naman namin ni Krisha. Umalis na si Luci para kumuha habang si Cole naman ay busy makipag-usap sa mga babae.  "Haynako, wala talagang pinagbago yan si Cole. Napaka harot parin pagdating sa mga babae." mataray na sabi ni Vanna.  Well, tama naman si Vanna. Ipinalibot ko ng tingin ang mata ko sa paligid. Hanggang sa mapansin ko ang pamilyar na mukha ng isang babae na naka upo sa dulo. Si Bianca. May kinakausap itong babae nang biglang mapatingin din sa akin. Agad naman akong umiwas ng tingin. Sakto namang dating din ni Luci dalav ang mga beer. Bumalik na rin sa amin si Cole na ngiting ngiti. "Mukhang may nabingwit ka na naman bro ah?" natatawang sabi ni Luci na tinawanan lang din ni Cole. "Tara swimming na tayo?" aya ni Cole sa amin. Tumayo na kami at pumunta sa pool kung saan wala masyadong tao.  Nung una ang nagpabilisan kami lumangoy. Kung sino daw ang talo, siya ang magmamaneho mamayang pag-uwi.  At syempre si Krisha ang talo kaya nakasambakol ang mukha niya ngayon. Tinawanan lang namin siya at nagpasiyang maglaro ulit. This time, nakaupo naman ang babae sa balikat ng lalaki. Then, magtutulakan sila. Kung sino mapabagsak, yun ang talo. Ang magkakampi ay si Cole and Krisha tapos si Luci at Vanna naman. Ako ang referee nila. Nagsimula nang magtulakan sila at mukhang makalalamang sila Vanna. Mas malakas kasi si Luci kesa kay Cole kaya mas natutulak niya ito. Nahulog si Krisha sa pool at agad pinalo si Cole. "Ayan talo tuloy tayo! Ang hina mo naman kasi eh!" pikon na sabi ni Krisha. "O sige palit tayo, ako sa balikat mo!" pang-aasar pa lalo ni Cole kaya inirapan lang siya nito. "Mag cr lang ako guys." paalam ko sa kanila. Aahon na sana ako nang magsalita si Vanna. "Samahan na kaya kita?" halata ang pag-aalala sa boses nito kaya ngumiti ako sa kaniya.  "Wag na. Kaya ko naman." sabi ko at naglakad na palayo. May cr naman sa baba kaya dun na lang ako pumunta. Saktong pagpasok ko ay ang paglabas ni Bianca sa isang cubicle. Alam kong nagulat siya ng makita ako pero hindi niya iyon ipinahalata. May sasabihin sana siya pero agad akong pumasok sa bakanteng cubicle.  Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya at ilang sandali pa ay lumabas na ng cr. Lalabas na sana ako ng cubicle nang biglang namatay ang ilaw. Nagsimulang balutin ng takot ang katawan ko.  Nanginginig na rin ang mga kamay ko. Please! No! Ibalik niyo ang ilaw!   "Oh God no... Please... Kalma ka lang self, please..." pakiusap ko sa sarili ko. Yakap ko ang sarili ko habang naka pikit. Tumagal ito ng 10 seconds hanggang sa magkaroon na ng kuryente. Huminga ako ng malalim para mas lalong mapakalma ang sarili bago lumabas. "Eislynn! Asan ka? Okay ka lang ba?" rinig kong sabi ni Vanna sa labas ng cubicle. Narinig ko rin ang pagbukas ng pinto ng ibang cubicle. "Eislynn buksan mo ang pinto. Nandito kami ni Krisha." sabi niya habang kinakatok ang pinto ko.  Dahan dahan akong tumayo at binuksan ang pinto. Agad naman nila akong niyakap at napaiyak na lang ako.  "We're here now. Tahan na. Hinihintay ka nila Luci sa labas." pag-papatahan niya sakin ni Krisha habang pinipunasan ang luha ko. Nang kumalma na ang katawan ko ay lumabas na kami. Nag-aalalang lumapit samin sila Luci. "Namumutla ka. Magbihis na kayo. Uuwi na tayo." sabi ni Luci habang inaalalayan akong makaakyat sa room namin. Pinag bihis na ako ni Vanna. Sila na daw bahala mag-ayos ng gamit ko. Nagpalit na rin ng damit sila Vanna kaya bumaba na kami. Kinuha naman ni Luci ang mga gamit namin para ilagay sa sasakyan, habang si Cole naman ay nagpapaalam sa dati naming presisdent na kailangan na naming umuwi. Sumakay na kaming lahat sa kotse ni Vanna at pinaandar na ito ni Luci. Wala pang dalawang oras ay nakarating na kami sa bahay ko. Hinatid ako ni Vanna sa kwarto ko at si Luci naman ang naglapag ng gamit ko.  Vanna kissed me on my forehead at nag goodnight. Lumabas na sila at isinarado ang pinto ko. Hays.. Ang dami naman pangyayari sa araw na ito..  Umayos na ako ng higa at pumikit na. Maya maya pa ay hinila na rin ako ng antok. Nagising siya sa katok ng taong nasa labas ng kaniyang kuwarto. "Eislynn, honey? Gising ka na ba?" ani ng kaniyang ina. "Breakfast is ready, sumabay ka na sa amin ng papa mo."  "Opo ma, susunod na po ako." bumangon na ako sa pagkakahiga at nagtungo sa banyo. Matapos ang morning routine ko ay bumaba na agad ako para kumain. "What happened last night? Did you guys enjoy the party?" tanong ni papa habang sumisimsim ng kape. Tumango tango lang ako bilang sagot. Ayoko naman sabihin ang totoong nangyari, for sure hihigpitan nila ako sa pag-alis alis ko. "Ay ma, pa, magbabakasyon nga po pala kami nila Vanna sa Friday. Nagbook po kami sa isang resort."  Monday pa lang ngayon kaya may time pa ako para mag-asikaso sa restaurant bago kami umalis. Krisha planned everything, nagrereklamo na kasi siya sa amin na sobrang stressed na daw siya sa work niya that's why she need a break daw. "Gaano kayo katagal doon, nak?" tanong ni Mama. "3 days 2 nights po kami, ma." Inutusan ako ni Papa na bisitahin ang branch namin sa Quenzon City ngayon. Bumaba na ako ng sasakyan at pumasok sa loob. Paniguradong magiging busy ako ngayon at sa susunod pang mga araw. Kailangan kong matapos lahat bago kami umalis ni Vanna. Iwas istorbo na rin. "Good morning po Ma'am Lynn. Nasa table ng office mo na po yung mga inventory sheets at financial statement na ipinahanda mo po." salubong sakin ni Nina, manager ng branch na ito. "Thank you." nakangiting sabi ko. Tumango ito sa akin at bumalik na sa kaniyang trabaho. Dumiretso na ako sa office at umupo sa swivel chair para simulan na trabaho. Napatingin ako sa pinto ng may kumatok.  "Ma'am meryenda po." sabi ng taong nasa labas. "Come in!" sagot ko. Inilapag nito ang plato na may lamang tiramisù at isang basong tubig. Nagpasalamat ako sa kaniya saka siya lumabas.  Napatingin ako sa orasan. 3:05 pm na pala. Hindi ko namalayan ang oras sa dami ng ginagawa ko. Kailangan ko pa tignan ang kitchen bago ako umuwi sa amin. Binilisan ko ang pagkain at iniligpit na ang mga papel na naka kalat sa table. Sinigurado ko munang wala na akong naiwan saka ako lumabas ng office at dumiretso sa kitchen. "Good afternoon Ma'am!" bati sa akin ng mga taong nandoon. "Good afternoon din po. Ituloy niyo lang po ang ginagawa niya. Mag-iikot lang po ako dito." ani ko sa kanila at sinimulan nang tignan ang kanilang ginagawa. Chineck ko rin ang mga gamit pangluto kung may kailangan na bang palitan. Matapos kong makita ang lahat ay nagpaalam na ako sa kanila at nagpasalamat muli.  Gabi na ng makarating ako sa bahay. Naabutan ko naman kumakain sila mama sa kusina. Niyaya pa nila akong kumain ngunit busog pa ako at nagpaalam na magpapahinga na.  "Ah ganun ba, nak. Sige pumanik ka na sa kuwarto mo. Sasabihan ko na lang si Nanang na ipagtabi ka ng pagkain sa ref." ani ni mama. Pumanik na ako sa kuwarto at nagbihis ng pantulog.  Habang nakahiga ay nag online shopping muna ako ng ilang swimsuit para sa alis namin sa Friday. Chinarge ko na ang cellphone ko pagtapos kong magcheck-out. Napatitig ako sa kisame habang nag-iisip. Bakit kaya parang may kulang? Nakagraduate na ako. Nakapag pundar ng restaurant. Dati pangarap ko lang yun pero ngayon meron na at may 3 pang branch. So ano pang kulang sakin? Lovelife? Parang hindi ko pa kaya magsettle down. O baka hindi ko pa lang talaga nakikita yung lalaking gusto ko.  Sawakas ay dinalaw na rin siya ng antok at mahimbing nang nakatulog.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD