bc

ONEIRONAUTICS

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
adventure
time-travel
student
drama
twisted
mystery
magical world
like
intro-logo
Blurb

If you will have a chance to control your dream... What would it be?

What if that dream makes you get what you want? What if you'll have a chance to live permanently on that dream? Will you choose to stay? Or be on the reality?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Eislynn, anak pakitulungan mo naman ang papa mo na mailagay sa kotse yung mga idedeliver." utos sakin ni Mama. "May isang kumpaniya na umorder sa atin ng pagkain at kailangan maideliver ng papa mo ng lunch" tuwang dagdag pa niya. "Sige po ma, ako na pong bahala." sabi ko at binitbit ang kahon na pinaglalagyan ng pagkain. Naabutan ko si Papa na inaayos ang mga kahon sa sasakyan. Iniabot ko sa kaniya ang hawak ko. "Ilang kahon pa ba ang nandoon?" tanong sa akin ni Papa. "Isa na lang pa, ako na po ang kukuha." naglakad ako pabalik at nagbuhat muli ng kahon. Nang masigurong kumpleto na ang mga pagkain at maayos na itong nakalagay ay agad nang umalis si Papa mula sa restuarant namin.  Pumasok na ako sa loob. Madaming tao parin ang kumakain dito kahit lunch dahil napapaligiran kami ng mga company buildings. Pero mas lalong dumadagsa ang mga tao kapag dinner. Ito ang main branch namin. We have 5 different cuisines. Italian, Korean, Japanese, American and Filipino. The other 3 branches ay nasa Quenzon City, Makati at Laguna. Maya maya pa ay narinig ko ang busina sa labas. Tumingin ako doon at nakita ko si Vanna na kumakaway mula sa loob ng sasakyan. Tinawag ko ang isa sa mga staffs namin at pinagpatuloy sa kaniya ang aking ginagawa.  "Ma, alis na po ako. Gagabihin na po ako ng uwi kaya wag niyo na po akong hintayin mamaya magdinner." pagpapaalam ko kay Mama pagkalapit ko sa kaniya.  "Mag-iingat kayo ha! I-text mo ako kapag may kailangan ka." bilin niya sabay beso sa akin.  "Opo ma. Babye!" lumabas na ako at sumakay na sa passenger seat. "Asan ang kotse mo inday at bakit nagpasundo ka sakin?" taas kilay na sabi ni Vanna. "Coding ako mamsh eh. Libre na lang kita mamaya." nakangiting suhol ko sa kaniya.  "Fine, basta gusto ko yung mahal." tinawanan ko na lang siya. "Si Krisha nga pala late na naman daw siya makakapunta sa meeting place natin sabi niya sa groupchat."  "Jusko wala naman bago don sa babaitang yon, lagi naman late yon." sabi ni Vanna at pareho kaming tumawa. *ping* Umilaw ang cellphone ko kaya binasa ko ang message don. TAKAS MENTAL Cole: Kasama ko si Luci, malapit na kami. Eis: OTW na rin kami ni Vanna. *typing* .... Krisha: Wait niyo ko! Paalis pa lang ako eh. Nag 'haha' react na lang ako sa chat ni Krish at inoff screen na ang cellphone ko. Maya maya pa ay nakarating na kami sa parking lot ng mall. Mabuti na lang at malapit lang din sa entrance ang napwestuhan namin. Lumabas na kami sa kotse at pumunta sa meeting place. Nakita ko na sila Luci, nakaupo habang sumisimsim ng kape. Agad akong tumabi kay Luci habang si Vanna naman ay napapagitnaan ni Luci at Cole. "Van, anong gusto mo? Ako na oorder." tanong ko.  "Java Chip Frappuccino at Blueberry Muffin-" "Hi guys!" putol ni Krisha sa sinasabi ni Vanna. "Yown sawakas dumating na rin si Gaga" sabi ni Vanna. "Tutal late ka naman, samahan mo na si Eis umorder don." utos niya. Iniabot naman ni Krish ang bitbit niyang bag at hinila naman ako papuntang counter. "Ano sayo?" tanong ko kay Krish "Caramel Frappe and Carrot cake po." sabi niya sa cashier. "Sakin po Strawberry Cream and Java Chip Frappe. Tapos 2 Blueberry Muffins po." dagdag ko. Binasa niya ang order namin at sinabi na ihahatid na lang daw sa table namin. Syempre si Krish na  ang nagbayad dahil late siya at mayaman naman siya so walang problema. Siya yung tipong hindi madamot pero pili lang yung nililibre niya. May mga tao kasing ginagamit lang siya o kinakaibigan lang siya dahil mayaman siya. "May nasagap ako chika!" bungad naman agad ni Krish pagdating namin sa table. "Grabe! Buti pa sa chismis hindi ka nahuhuli, tapos pag may gala tayo lagi kang late." pang-aasar ni Cole pero inirapan lang siya nito.  "So ayun nga..." pagpapatuloy niya sa chika. Dumating na rin ang mga inoder namin kaya sinimulan na rin namin kumain. "Naalala niyo nung 4th year high school tayo? Nung may babaeng nagsabunutan kasi pinag-aagawan si Cole." kwento ni Krish. "Well, ganon talaga pag gwapo." mayabang na sabi ni Cole. "Gwapo pala ah? Kaya pala sinampal ka nilang dalawa kasi nalaman na pinagsabay mo sila." pangbabara ni Vanna na ikinatawa naman naming lahat. Napangiwi na lang si Cole nang maalala yun. Ilang kwentuhan pa ang nakalipas nang mapagpasyahan namin na maglaro sa Timezone habang nagpapalipas ng oras. Nakasanaya na namin magkakabarkada na maglaro dito. Simula high school hanggang college, dito kami naglalaro pagkatapos ng klase. "Tara laro tayo basketball. Pataasan ng score, ang matalo manlilibre ng ice cream mamaya?" paghahamon sakin ni Luci.  "Sure, ready mo na yang wallet mo!" syempre di ako papatalo no! Nagpaload na kami ng Powercard at sinimulan nang maglaro. "Pano ba yan? Talo ka. So it means na ikaw manglilibre samin?" sabi ni Luci sa mapang-asar na tono. "Anong talo?! Ang daya niyo nga eh, pinagtulungan niyo ko!" asar na sabi ko at tinawanan lang nila ako. Tinulungan kasi siya ni Cole sa pagshoot ng bola. Tsk! Madadaya. Lumapit ako kela Vanna na naglalaro sa isang claw machine.  "Ano bayan! Malapit na sa butas eh!" narinig kong sabi ni Vanna na halatang naiinis na. Sumunod naman sakin sila Cole. "Tara na guy! Manlilibre daw si Eis." pag a-announce ni Cole sa amin. Agad naman lumiwanag ang mukha ni Vanna at binigyan ako ng mapang-asar na ngitin. Bruha to! Hapit na hapit sa libre. Pumunta na kami sa malapit na ice cream shop. Sila Vanna at Cole na daw ang oorder kaya ibinigay ko na ang pera. Naghanap naman kami ng bakanteng table at naupo. "Sino ba nagpasimuno ng reunion na yan?" nayayamot na sabi ni Cole. "Malamang yung bida bidang president natin! Alam mo naman yon, tamang flex lang ng bagong retoke niyang mukha kaya nagpareunion." sabi naman ni Vanna "Teka, sure ka bang okay lang sayong pumunta doon?" nag-aalalang tanong sakin ni Krish kaya napatingin silang lahat sa akin. "Oo nga Eis, for sure aattend si-"  "Okay lang ako guys! Magsasabi na lang ako pag gusto ko na umuwi, promise!" pagputol ko sa sinasabi ni Vanna. Nilawakan ko ang ngiti ko to assure them that I'm realy fine.  5pm Lumabas na kami ng mall at pumunta sa parking lot. Sumakay na kami sa kotse ni Vanna. Wala kasing dalang kotse yung dalawang lalaki at si Krisha. Si Cole naman ang pinagdrive ni Vanna kasi nakakahiya naman daw na siya na nga may-ari ng sasakyan tapos siya pagmagmamaneho. Nasa passenger seat naman si Luci at tatlo naman kaming babae na nasa likod. Mahaba habang byahe pa bago kami makarating sa Antipolo. Rush hour kasi kaya traffic pa.  Makapag earphones na nga lang tapos sabay tingin sa bintana. Oh diba? parang nasa music video lang! "I can think of all the times You told me not to touch the light I never thought that you would be the one I couldn't really justify How you even thought it could be right Cause everything we cherished is gone And in the end, can you tell me if It was worth the try, so I can decide" Unti-unting bumalik sa isip ko yung mga pangyayaring matagal ko nang kinalimutan. Mga pangyayaring dahilan kung bakit may monthly visit ako sa isang psychiatrist. At ang panahon din kung kelan ko nakilala sila Vanna. *F L A S H B A C K* "Tara dun daw tayo sa table nila Zac, Eis!" sabi ni Bianca at hinila na ako sa papunta sa table. Nandito kami ngayon sa canteen. 3rd year high school kami ngayon at malapit na rin mag summer break. Kasama ko ngayon si Bianca, bestfriend ko at si Zac naman yung crush na crush niya na 4th year student. Magbestfriend na kami ni Bianca simula elementary and lagi rin magkaklase. Ang ugali niya ang kabaliktaran ng akin. Mahilig siyang magpaganda, magpapansin, lalo na sa crush niya, at hindi mahiyain.  Habang kumakain kami ay napapansin kong panay ang tingin sa akin ni Zac, na labis ko naman ikinailang kaya nagpaalam akong magpupunta muna sa cr. Tumango tango lang si Bianca at pilit parin kinukuha ang atensyon ni Zac.  Habang papasok na ako sa cr ay narinig ko ang pinag-uusapan ng dalawang babae sa loob. "Nakita mo ba yung tingin ni Zac kay Eislynn? Halatang may gusto siya don at saka mukhang gustong gusto rin naman ni Eislynn." sabi nung babae dun sa kasama niya. "Diba may gusto yung bestfriend niya kay Zac? So it means na parang nilalandi patago ni Eislynn yon?" sagot naman ng isa kaya pumasok na ako ng tuluyan. Napatingin naman sakin ang dalawa at nagmamadaling umalis.  Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Mukha bang nilalandi ko yon? Sa totoo nga niyan hindi ko type si Zac at nakakailang kapag tumitingin siya sakin. Napabuntong hininga na lang ako at naghugas ng kamay. Pagtapos ay bumalik na ako sa table namin. Maya maya pa ay bumalik na kami sa kaniya kaniyang classroom. "Wala akong ibibigay na assignment sa inyo ngayon. But make sure na maipapasa niyo on time ang project niyo." sabi ni Mrs. Rivera at lumabas na ng room. Inayos ko na ang aking gamit at lumabas na kami ni Bianca. Dumaan muna kami sa cr at habang hinihintay ko siya sa labas ay biglang may humawak sa braso ko. "Eis, hatid na kita pauwi?" pag-aalok sakin ni Zac. Inalis ko naman ang pagkakahawak niya sa braso ko ngunit bigla naman niya akong inakbayan. Sakto namang lumabas si Bianca at nakita niya kami.  Bumakas ang galit,selos at papaiyak sa mukha nito. "So, totoo pala ang sinasabi nila? Na nilalandi mo si Zac?" galit na sabi nito sa akin. Agad naman akong umiling at lalapit na sana sa kaniya ng bigla siyang sumigaw. "MALANDI KA! Alam mo naman gusto ko siya! Sayo ako nagsasabi tungkol sa kaniya tapos hindi ko alam na nilalandi mo pala!" tumakbo na siya palayo. Hahabulin ko na sana siya kaso pinigilan ako ni Zac.  "Ano ba?! Dahil sayo nagalit sakin bestfriend ko! Ilang beses ko na sinabi sayo na hindi kita gusto diba?" naiiyak kong sabi at sinubukan sundan si Bianca. Ngunit pag labas ko ng school ay wala na siya doon. Tinatawagan ko rin ang cellphone niya pero hindi niya pero pinapatayan niya lang din ako. Lumipas ang mga araw na hindi niya ako pinapansin. Lalapit pa lang ako sa kaniya, umaalis na agad siya. Hanggang sa last day na namin sa school. Closing party namin ngayong hapon pero hindi naman ako makapag enjoy. Habang nasa kalagitnaan ng party ay lumabas muna ako para magpahangin. Nakita kong nasa labas din si Bianca kaya sinubukan kong lumapit sa kaniya. Hindi naman siya agad lumayo kaya kinausap ko siya. "Bianca sorry. Hindi totoo yung sinasabi nila na nilalandi ko si Zac. Wala kaming relasyon at wala rin akong balak dahil alam kong gusto mo siya." malungkot na sabi ko. Humarap naman siya sakin at ngumiti. Nagulat din ako sa ginawa niya dahil niyakap niya ako.  "Tara dun tayo sa storage room mag-usap para may privacy tayo." aya niya sa akin at hinila na ako papunta doon. Kahit na nakapagtataka ay sumama parin ako. Napansin ko na parang balisa siya ngunit isinawalang bahala ko na lang. Pagkapasok namin doon ay sinimulan ko na siyang kausapin.  "Sorry talaga, nung araw na yon hinawakan niya ako sa braso pero tinaggal ko agad. Kaso bigla naman siyang umakbay at saktong nakita mo." malungkot na pagpapaliwanag ko sa kaniya. Humarap siya sakin at nakita ko ang galit sa mata niya. "Alam mo, noon pa lang inggit na inggit na ako sa inyo eh! Napakadali lang sayo na magustuhan ng lalaki. Ikaw na yung matalino, ikaw na yung maganda, yung napapansin, yung sikat. Pero lahat ng yon baliwala lang sayo. Samantalang ako ginagawa ko naman lahat pero lagi na lang pangalawa parin sayo." galit na sumbat niya sa akin na ikinagulat ko naman kasi akala ko ay okay na kami. "Sorry, please, sorry" nagmamakaawang sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Pero tinulak niya ako ng malakas dahilan para mapaupo ako sa sahig. Bigla naman siyang lumapit sa pinto at nilock ito mula sa labas.  Takot na takot akong lumapit sa pinto at pilit itong binubuksan. Narinig kong nagsorry siya at pinatay ang ilaw.  "Bianca palabasin mo ko dito! Please! Wag mo ko iwan dito! Bianca!" sigaw ko pero narinig ko na lang ang papalayong yapak niya. "Please, palabasin niyo ako dito!" nanginginig na ang buong katawan ko sa sobrang takot. Bata pa lang ako ay malaki na ang takot ko sa dilim at masikip na lugar. At alam iyon ni Bianca. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki. Base sa pangangatawan nito ay alam kong si Zac ito kaya tumayo agad ako. Wala paring ilaw sa loob pero randam kong palapit siya ng palapit sa akin. Kaya dahan dahan akong umatras. "Zac? Anong ginagawa mo?" takot na tanong ko habang sinisiksik ang sarili sa sulok. Nang makalapit ito sa akin ay hinablot ako nito sa buhok at iniharap sa pader.  "No! Zac, wag mo gawin ito please." pagmamakaawa ko sa kaniya habang nasa likod ko siya at inaamoy ang leeg ko. "Shh.. Sobra na pagtitimpi ko sayong babae ka. Masyado kang pa hard-to-get. Alam ko namang gusto mo rin ako." sabi nito at pinagpatuloy ang ginagawa sakin. Napaiyak na lang ako sa pandidiri at takot. Sinubukan kong sumigaw para humingi ng tulong pero inuntog niya ako sa pader at tinakpan ang bibig. Nakaramdam ako ng pagkahilo dahil don pero pinipilit ko parin magkaroon ng malay para makatakas. At nang iharap niya ako ay sakto namang tinuhuran ko siya ng malakas sabay tulak. Tumakbo ako ng mabilis pero nakita kong hinahabol niya ako. Saktong pagliko ko naman ay bumangga ako sa grupo ng magkakaibigan kaya napaupo na naman ako sa sahig. Tumingin ako sa likod ko. Nakita kong huminto si Zac at tumakbo na palayo. Saka ko lamang naramdaman ang kirot ng ulo ko at nanlalabo na rin ang paningin ko. Naririnig ko pa ang pagtawag sakin ng magkakabarkada ngunit bago pa ako makasagot ay nilamon na ako ng dilim.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook