Chapter 8

1177 Words

Nangungusap na tumitig sa akin ang pinsan ko at nakikita ko sa mga mata niya ang awa na nararamdaman niya sa akin. "Pwede rin, Elyse. Maaaring tama ka! Baka nga na engkanto ka!" Ipinaliwanag sa akin ni Hydee ang mga nalalaman niya tungkol sa mga engkanto na siyang pinaniniwalaan kong dahilan kung bakit para akong natitimang sa takot simula pa kahapon. Nagsisimula pa lamang siyang magpaliwag sa akin ay nahihilo na ako. Parang mahihimatay ako dahil naririnig ko ang parang kidlat sa aking tenga. Ito raw kasi ay isang uri ng nilalang na pinaniniwalaang may angking kakayahang naiiba sa mga ordinaryong nilalang gaya ng tao at hayop. Hindi sila basta-bastang nilalang dahil mayroon silang nagagawang kapangyarihan. Noon pa man ay alam ko nang kakaiba sila at sa tuwing nakakarinig ako ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD