Chapter 9

1351 Words

Pagkauwi ni Nanay sa bahay ay ako kaagad ang hinanap niya kay Hydee. Siguro ay dahil hindi niya ako nakita at nasanay siyang sinasalubong ko palagi ng pagmano sa tuwing umuuwi siya. Gusto ko mang magbigay galang sa ina pero ayaw kong magpakita sa kaniya na ganito ang kalagayan ko. Kaya walang paalam kong pinasok ang kwarto ng pinsan nang marinig kong may tumigil na traysikel sa tapat ng bahay at ang tunog ng gate na tanda na may nagbukas upang makapasok ito sa loob ng bahay. Muntik pa akong matisod dahil sa pagmamadali. Nahihirapan akong iangat ang mga paa ko dahil napakasakit galawin ng aking mga hita. Nararamdaman ko ang hapdi na para akong hinihiwa sa sakit. Dinaanan ko lang ang kwarto ko dahil para na akong natu-trauma sa sarili kong kwarto lalo na kapag mag-isa lang ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD