Chapter 10

1021 Words

Nang bumitaw ang pinsan ko mula sa pagyakap niya sa akin ay kaagad kong inayos ang pag-upo ko at hinarap siya nang diretso. Tiningnan ko siya ngayon ng puno ng pag-aala bago ko siya tinanong. Kung ako ang tatanungin ay gusto ko nang umalis at hindi na ako makapaghintay na puntahan ang lugar ni Mang Tonying dahil alam kong siya lang ang makakatulong sa akin. "Ano'ng oras na? Pwede na ba tayong umalis, Hyd?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya at hindi na ako makapaghintay pa sa pagtango niya. Pero nagkamali ako ng inaasahan dahil umiling siya sa akin at pinigilan. Kung ako kasi ang magdedesisyon mas gugustuhin kong umalis na kami ngayon din at walang dapat na sayanging oras. Ang ganitong kaso ay hindi dapat na pinapatagal. "Nananaginip ka na naman ba?" nababahala niyang tanong sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD