MABILIS NA LUMIPAS ang mga linggo. Naging maayos ang pagsasama nila Roxanne at Brent na sa labis na ikinatuwa ng lalaki. Hindi siya makapaniwalang talagang nagiging maayos ang pagsasama nila ni Roxanne. Talagang tinototoo nito ang salita na pagbibigyan nito ang marriage nila. And he's more than happy. Masaya na siya roon. Maaring hindi pa siya nito mahal, pero alam niyang sinusubukan 'yon ng asawa at masayang masaya na siya roon. Wala na siyang mahihiling pa. "Grabe naman 'yang ngiti mo, Kuya Seph. Aba eh abot hanggang tenga ah?" natatawang sabi ni Rocco habang binigay sakaniya ang papeles na pipirmahan. Napangiti na rin siya. "Wala lang, Rocco. Masaya lang ako sa ate Roxanne mo. I can see that she's changing. Talagang sinusubukan niyang pagbigyan ang marriage namin. Hindi ako nagkamali

