5 YEARS AGO "I'm sorry for your lost, misis. Ginawa po namin ang lahat ng makakaya namin..." ang salita ng Doctor na tila hindi maipasok sa utak ni Roxanne. Nakaalis na lahat-lahat ang mga nurse sa loob ng ward, pero nakatulala pa rin Roxanne. Hindi niya alam kung paano magsasalita at paano ibubuka ang bibig niya. Literal siyang walang maisip at tulala. Wala sa loob niya na kinapa ang kanyang impis na tiyan. Doon lang pumasok sa isip niya na buntis pala siya... pero kay aga nitong kinuha sakaniya ng Panginoon. Wala siyang kaalam-alam na siya pala ay nagdadalang-tao tapos ngayon, biglang malalaman niyang nakunan siya! Nahabag siya sa sinapit ng anak at doon ay tahimik na namaluktot sa hospital bed. Panay tulo ang luha niya. Hindi niya man lang naprotektahan ang kanyang anak. Ni hind

