5 YEARS BEFORE TULUYAN NA ngang sinagot ni Roxanne ang pag-ibig ni Brent. Wala naman naging pagtutol ang ama niya, si Rocco ay wala rin namang magagawa. Naging napakasaya ni Brent sa naging desisyon niya at pinangako nito sakaniya na hindi siya magsisisi sa naging desisyon niya. Hindi rin naman napilitan si Roxanne nang sagutin niya si Brent. Totoong nagustuhan niya ang binata at natuklasang mahal na niya ito. Bagama't naiisip niya pa rin paminsan-minsan si Giuseppe, ay wala na iyon sakaniya. Saradong aklat na ito para kay Roxanne. At ngayon ay may bagong kabanata na siya ng buhay niya. Wala na siyang kaalam-alam kung ano ang nangyayari sa buhay ng Senyorito Giuseppe at wala na rin naman siyang balak alamin pa. Masaya na siya kay Brent. Lumipas pa ang ilang buwan at tila naging parai

