NAGING MAG-ASAWA nga sila ni Giuseppe dahil doon. Sapilitan siya nitong pinapayag na magpakasal dito. Nalaman din kasi niya na pinakuha ni GIuseppe si Brent sa mga tauhan nito. Nagbanta noon ang asawa na kapag hindi niya hiniwalayan si Brent at hindi siya pumayag magpakasal dito ay may mangyayaring masama sa kasintahan. Ganoon na rin sa pamilya nito at pamilya niya. Sa sobrang takot noon ni Roxanne ay wala siyang nagawa kundi ang mag-oo na lang kay Giuseppe. Literal na nawala ang paghanga at natitirang pagkagusto niya sa lalaki. Ang kanyang paghanga at pagibig dito ay napuntang galit. Ilang linggo siya nitong tinago sa bahay nito, at nang makalabas siya roon ay isa na siyang Mrs. Roxanne Rosselli. Dati, para sakaniya ay isang pangarap na magandang abutin, pero sa ginawa nito sakaniya? Sa

