Kabanata 5

1024 Words
"MGA BWISIT! Mga swapang!" Gigil na gigil na sabi ni Roxanne habang nagaabang sila ng kapatid na si Rocco nang masasakyan. Pero dahil rush hour na at mahirap makahanap ay napareklamo tuloy ng wala sa oras si Rocco. "Ang taas naman kasi ng pride mo, ate. Aba, binibigyan ka na ni Kuya Seph ng kotse at driver, umaayaw ka pa. Oh, ayan. Namnamin mo ang hirap ng pag-uwi," Sinamaan niya ng tingin ang kapatid. "Ang bibig mo, Rocco! Baka may makarinig sayo!" Gigil na sita niya rito. Tumirik ang mga mata ng kapatid. "Ewan ko ba sayo ate parang takot na takot ka malamang may asawa ka na. Aba, e si Kuya Seph nga kulang na lang ipagsigawan sa lahat na asawa ka niya. Tapos ikaw, halos mahimatay kapag nalamang hindi ka na dalaga!" "At hindi ko rin alam kung saan ka kumukuha ng lakas ng loob para mas kampihan pa ang lalaking sumira ng buhay ko, kaysa sa sarili mong kapatid." Nagngingitngit na wika niya habang tinitignan ang mga punong-puno na jeep. "Ate, hindi mo ako masisisi. Sakabila ng tingin mo kay Kuya Seph, gusto ko siya. Kahit tingin sakaniya ng lahat ay ruthless at walang puso, alam ko mabuti siyang tao. He is impossible to hate depsite being a bad boy," Inilabas ng dalaga ang rechargable fan sa shoulder bag niya at itinapat sa mukha. "Mabuting tao? May mabuti bang tao na nanggigipit ng kaya niya? May mabuti bang tao na ipagpipilitan ang sarili sa taong ayaw sakaniya? May tao bang mabuti na kayang manira ng relasyon?" Halos nagisang linya ang kilay niya. Napabuntong-hininga ito. "Mahirap kasi sayo ate, bulag ka sa magagandang qualities ni kuya. Ang nakikita mo lang eh 'yung pagkakamali niya sayo. Hindi ba pwedeng patawarin mo na siya, tutal kasal naman kayo? Mahirap ba talaga para sa'yong mahalin siya?" Naglapat ang mga labi ng dalaga. Kahit kailan ay hindi niya 'yon iniisip. "Mahirap. At hindi ko kayang gawin," simple at walang emosyon na sabi ni Roxanne. Napabuntong-hininga si Rocco at inilagay ang mga kamay sa bulsa ng pantalon. "Pero mag-asawa na kayo ate," "So, ano naman ngayon?" Taas ang kilay na sabi niya. "Wala ka bang pagpapahalaga sa kasal, ate? Sagrado ito. Nagsumpaan kayo sa harap ng Diyos," seryosong sabi nito. Roxanne gritted her teeth. "Walang pagpapahalaga! Siya ang walang pagpapahalaga, Rocco! Kung mataas ang tingin niya sa salitang kasal, hindi niya ako pipilitin! Hindi niya ako gigipitin! Pero para sakanya, isang business transaction lang ang kasal!" Galit at gigil na gigil na sagot niya. Idagdag pa ang pagkabwisit niya dahil hindi makasakay at mataas ang heels niya. "Hindi mo naman kasi siya binibigyan ng chance magpaliwanag sayo, ate. Hindi mo binibigyan ng chance ang pagsasama niyo. Puro ka Brent, Brent, Brent. Diyos ko, ate. May asawa ka na. Kailanman, hindi ko naisip na magagawa mong mangaliwa!" Disappointed na disappointed na sabi nito. Kahit siya ay hindi niya rin akalain na magagawa niya 'yon. Pero, masisisi ba siya? Sila ni Brent ang magkasintahan. At pinilit lang siya ng Giuseppe na 'yon magpakasal. Kasalanan ba niya kung sa iba tumitibok ang puso niya? "Kung wala kang magandang sasabihin, Rocco, manahimik ka nalang. Umiinit ang ulo ko," inis na sabi niya. "Umiinit ulo mo kasi tama ako. Galit na galit ka sa mga kabit, pero ikaw mismo mayroong kabit. Ate naman! Nakakabulag ba talaga ang pag-ibig? At kahit may kasalanan sayo si Kuya Seph, mas gusto ko talaga siya kay Brent. Kahit alam kong masama ang impresyon mo sakaniya, I still like Kuya Seph for you," "Kung gayon, baliw ka na." Naiiling na sambit niya  at muling itinuon sa kalsada ang tingin. Bakit ba kasi napakaraming commuters, kakaunting sasakyan at masikip na kalsada! Peste! Naging busy na rin si Rocco kakalikot ng cellphone nito. Hindi na sila nagpansinan pa. Maya-maya ay kinilabit siya ni Rocco. "Ate, tignan mo oh. Nag my day si Kuya Seph sa social account niya," Wala sanang balak tignan ni Roxanne 'yon. Wala naman siyang pakialam doon. Isa pa, hindi sila friends sa lahat ng social media. Ayaw niya lang. Pero dahil dinukdok na ni Rocco ang cellphone sa pagmumukha niya ay wala na siyang nagawa. Paismid na tinignan niya ang myday nito. Nakita niyang ang isang romantic table and set-up. May mga flowers at candles. Halatang may ka-date ito. "Naku ate, mukhang may ka-date si Kuya Seph," ani Rocco. Imbis mabahala, ay lumiwanag pa ang mukha niya. Natutuwa. Kung may kadate si Seph... ibig sabihin, may nagugustuhan ito! At kapag nangyari 'yon, makakalaya na siya sa impyernong buhay na ito. Kaya naman ngiting ngiti siya. "Hindi ko alam, baka girlfriend niya?" "Ikaw?" "Girlfriend, Rocco. Girlfriend," Kumunot ang noo ng kapatid. "So, hindi mo kinokonsider ang sarili mo na girlfriend niya? Eh magasawa na nga kayo." "Hayaan mo siyang mag-girlfriend." Walang anumang sabi niya. "Bakit? Kasi para malaya ka na gawin ang gusto niyo ni Brent?" Galit na tanong ng kapatid. "Naku, mabuti nga 'yan. Hindi ako ang babaeng para sakaniya 'no? Huwag ka nang umasa ng magiging maayos kami. Kakapootan lang namin ang isa't-isa," balewalang sabi ng babae. Hindi pa rin makalimutan ni Roxanne kung paano sinira ni Giuseppe ang buhay niya. At tuwing naalala niya 'yon, ay nanunumbalik ang galit niya. Tinignan niya si Rocco na nakakunot ang mga noo. Maya-maya ay nakita silang bakanteng taxi kaya naman agad nilang pinara 'yon. Pinagbuksan siya ng kapatid ng pinto at umibis na sila roon. "Mauna ka nang umuwi ng bahay, Rocco." Aniya sa kapatid. "At saan ka naman pupunta, ate? Magde-date kayo ni Brent?" Gigil na tanong nito. Inirapan niya ito. "Huwag kang magalala, dahil hindi. Hindi kami nagusap o nagtext. Pupunta lang ako sa apartment dati, may kukunin akong mga gamit." Totoong sabi niya. May mga naiwan kasi siyang gamit doon at balak niyang dalhin sa mansyon. Hindi pa naniniwala sakaniya si Rocco kaya inismiran niya ito. "Huwag ka magalala, mabilis lang ako! At hindi kami magkikita ni Brent," Pinagaralan muna nito ang itsura niya at maya maya ay bumuntong-hininga. Hindi na sila nag-usap. Bumaba si Rocco sa harap ng subdivision. Tinaungan niya ito at muling umandar ang driver para sa destinasyon pupuntahan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD