Kabanata 6

1000 Words
NANG MAKARATING si Roxanne sa dating apartment nila ni Rocco ay may kaba siyang naramdaman na hindi mawari. Halatang wala ng tao ang apartment dahil patay ang itsura n'yon. Maraming magagandang memorya ang apartment na 'yon. Saksi ang unit na iyon sa pagmamahalan nila ni Brent. Doon sila bumuo ng magagandang memorya ni Brent. Bumuo ng pangarap. Nagsabi ng kanilang mga saloobin. Saksi rin ang apartment nilang iyon sa unang halik nila ng binata, noong sinagot niya ito, at mga pagsubok na sabay nilang hinarap. Na ngayon ay sa ibang tao lang din pala siya mapupunta. Kay Giuseppe... Napabuntong-hininga siya at pumasok na sa loob. Kahit naman anong gawin kong pagsisintir at pagiinarte, wala akong magagawa. Hawak ako ni Giuseppe sa mga leeg. Kasal siya rito. At dito pa naman sa Pilipinas, malaki ang pagpapahalaga sa kasal. At wala namang makakaintindi sakaniya na napilitan lang siyang magpakasal dito at hindi naman ito ang lalaking iniibig niya. Ang malala pa eh, tiyak na masasabihan siyang malandi at hindi marunong magappreciate ng asawa! Leche! Sino ba kasi ang makakaappreciate sa lalaking namimilit ng babae? Na tipong parang bagay lang siya na kayang-kaya ariin? Hindi siya bagay o isang hayop, tao siya! Kahit nga ang hayop ay may damdamin at emosyon eh, siya pa kaya? Kay daling sabihin na gwapo naman ang asawa niya, mayaman, ano pa ba ang inaarte niya? Pero hindi naman lahat kasi ay pera at itsura lang ang basehan. Paano naman ang damdamin niya? Paano naman ang pagmamahalan at pangarap na binuo nila ni Brent? Ang mahirap kasi sa iba, mahilig sa mga lalaking katulad ni Giuseppe. Possessive, makapangyarihan, mga tipong kadalasang bida sa mga nobela at teleseryeng nababasa niya. Pero siya, iba. Hindi niya gusto ang ganoong tipo. Aaminin niyang nagkagusto siya noon kay Giuseppe. Ilang taon na ang nakakaraan noong ibinenta niya ang sarili noon dito. Pero nagbago lahat iyon nang makilala niya si Brent at nakatagpo ng tunay na pag-ibig. Ibang iba ang paghangang nararamdaman niya kay Giuseppe para kay Brent. Kaya alam niya sa sarili niya, mahal talaga niya ang binata. At hindi siya nagsisi, noong naging sila, it was the happiest moments of her life. Pero nasira lahat iyon dahil kay Giuseppe. Ang kontrabida sa kanilang pagmamahalan. Ang peste sa buhay niya. Hindi niya rin alam kung bakit ba sa dinami-dami ng babae sa mundo at nagkakandarapa rito, siya pa ang napili nitong mapangasawa! Minsan, gusto niyang sisihin ang nangyaring insidente sakanila noon. Noonh kinailangan niyang ibenta ang sarili noon para pang-gamot sakanilang ama. Pero sa tuwing naiisip niyang nawala sa panganib ang buhay ng kanyang ama ay nawawala ang pagsisisi niya. Iyon nga lang, dahil doon ay dumating sa buhay niya si Giuseppe. Ang lalaking bangungot niya! Nawala lang siya sa iniisip nang makitang bukas ang ilaw ng apartment nila. Napakunot-noo ang babae. Samantalang wala namang nakatira roon! Pagbukas niya ng pinto ay may mga kamay na humawak sa balakang niya. Awtomatikong napatili siya sa labis na takot. "H-Huwag!" Hindi ito nagsalita kaya naman hinarap siya nito rito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si... Brent! "Brent!" Napasinghap ang dalaga sa labis na tuwa at galak. "Natakot ka ba?" Napapangiting tanong nito Wala sa sariling nayakap niya ang binata. "Oh, Brent! Why are you here?" Bagamat natutuwa, ay kinakabahan na tanong niya. Niyakap siya nito ng mahigpit. Kaya naman gumanti siya. Hinalikan din siya nito ng mapusok sa labi at buong puso naman siyang nagpaubaya. Nadadarang. At kung hindi niya ito pipigilan, ay natitiyak niyang sa kama ang tuloy nilang dalawa. Siya na ang kusang nagputol ng halik nilang dalawa. "B-Bakit alam mong pupunta ako rito? Hindi naman tayo nag-usap," natatakot na sabi niya. Maraming mga mata si Giuseppe at natitiyak niyang may mangyayaring masama kay Brent kapag nalaman nitong magkasama sila. "Sinusundan ko kayo ni Rocco kanina," simpleng sagot nito. "Kailan mo ba hihiwalayan ang lalaking 'yan?" Tukoy nito kay Giuseppe. Napalunok si Roxanne at hindi malaman ano ang sasabihin. "B-Brent..." "Alam mo ba kung gaano kasakit na ang babaeng iniingatan at minahal ko, ay nasa piling ng iba? Kailan mo ba ipaglalaban ang pagmamahalan natin, Roxanne? Ako... pinaglaban kita sa pamilya ko. Pero ako, kailan mo ako ilalaban?" Naghihinanakit na tanong nito. Nag-init ang mga mata niya. "B-Brent..." Nahihirapang sabi niya. Hindi rin naman siya kayang makita ni Brent na nahihirapan kaya naman napahilamos nalang ito ng mukha at napabuntong-hininga. "Ayusin mo ang damit mo, Roxanne. Baka hindi ko mapigil ang sarili ko at makalimutan kong kasalanan sa mata ng Diyos at ng tao ang angkinin ka! The body that I used to worshipped before, pero ngayon ako ang nawalan ng karapatan!" Mapait na sabi nito. Naluha si Roxanne para kay Brent habang inaayos ang pagkakabutones ng damit niya na bahagyang nagusot dahil sa paghahalikan nila. "B-Brent, nasabi ko kay Rocco na saglit lang ako at may kukunin dito. Hindi ako pwedeng magtagal. Pagdududahan nila ako," kinakabahang sabi niya. Tumango lang ito at pinagmasdan siya. "Ihahatid kita ng medyo malayo sa subdivision niyo. Hurry up," he said. Kahit ganoon lang, naging masaya si Roxanne. Kahit papaano ay napanatag ang loob niya at nawala ang kanyang alalahanin. Tila nabawi niyon ang labis na pagkasabik nila sa isa't-isa. Ibinaba siya nito sa labas ng subdivision nila. "I always hate Giuseppe. At hinding hindi mawawala 'yon," napabuntong-hininga ito. "See you around, love." Mahinang bulong nito. Kinabig nito ang mukha niya at hinalikan siya sa labi na ikinapikit niya. Hinintay muna niya na makaalis ito at pumasok na sa loob ng subdivision. Hindi aware si Roxanne na para pala siyang tanga na nakangiti buong durasyon. Kaya nang pagbukas niya sa main door ng mansyon ay halos matumba siya sa nagaapoy na mga mata na nakatingin sakaniya. His eyes are equally lethal, burning her even if she is still alive. At napakaseryoso ng mukha nito na tila ineeksamin siya ulo hanggang paa. Tumingin ito sa pambisig na relo. "Kanina pa nakauwi si Rocco. Saan ka pumunta, my dear wife?" Mapanganib na tanong ni Guiseppe sakaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD