Kabanata 7

1047 Words
INIWAS NI Roxanne ang kanyang tingin sa asawa. Hindi niya matagalan ang pagtitig nito. Maya-maya ay tumayo na ito kaya naman sinamantala niya iyon at nagmamadaling umibis ng pangalawang palapag. Isasarado na sana niya ang pintuan ng kwarto niya nang humarang doon ang malaking katawan ng asawa. Kaya naman nabigla siya at napatalon ng bahagya. "Bingi ka na rin ba ngayon? Kinakausap kita ah," angil sakaniya ng lalaki. Napalunok ng matindi si Roxanne. Nakakatakot ang itsura ngayon ni Giuseppe. Ito ang karaniwang ginagamit na ekspresyon nito kapag nagagalit ito. "Pipi't bingi ka na ba talaga, huh?" Ramdam niya ang matinding galit sa boses nito. "A-Ahm... h-hindi ba sinabi ni Rocco? Loko 'yun ah, s-sinabi kong sabihin sa'yo na pupunta ako sa apartment dati. K-Kumuha ako ng ilang gamit. Ito oh," at itinaas pa ang mga gamit na isinilid niya't nilagay sa paperbag. Totoo namang may kinuha siya roon at talagang iyon lang ang intensyon niya, malay niya ba na pupunta roon si Brent. Kasalanan niya ba 'yon! Hindi naman niya plinano o sinadya 'yon. "Isa kang malaking sinungaling, Roxanne." madiing sabi nito. Nagulat pa siya nang walang sabi-sabing binuhat siya nito at ibinato sa kama niya. Napatili siya. "Ayy, ano ba, Se--" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil sa loob lamang ng segundo ay nasa ibabaw na niya ito. Hawak hawak siya ng mahigpit. Nagtaas baba ang dibdib nito sa pinipigil na galit. Labis labis ang kabang nakikkta niyang reaksyon dito. Bakit ganito ito ngayon, alam ba nitong kasama niya kanina si Brent? Pero paano? Napakabilis lang nila! "Bibigyan kita ulit ng pagkakataon para baguhin ang sagot mo, Roxanne. Saan ka nanggaling?" Napatiim-bagang ito at natatakot na si Roxanne sa ibinabadyang ekspresyon nito. Nangatal ang mga labi ng babae. Kilalang kilala niya na si Giuseppe, alam niya kapag ganito na ang itsura nito, matindi na ang galit nito. "Hindi ka talaga sasagot?" Nanlaki ang mga mata niya nang makitang hinuhubad nito ang suot na sinturon. Pinaikot nito iyon sa kamay at alam niya ang kasunod na gagawin nito! He will ruthlessly f*ucked her while using that belt. Gusto nito ng mga B*DSM. "Giuseppe..." Hindi niya alam ang sasabihin niya. Kapag ba sinabi niyang hindi naman niya sinasadya o plinano na magkita sila ni Brent maniniwala ba ito sakaniya? Hindi naman diba? So ano pang punto kung magsasabi man siya ng totoo? Hindi pa rin naman ito maniniwala. Hahaba lang ang diskusyon nila. At magpapaliwanag nanaman siya. Hinawakan nito ang baba niya at pilit na pinagtama ang tingin nila. "Masyado kitang kilala, Roxanne. Kaya naman alam ko ang bawat pagbabago sa'yo, sa ekspresyon mo, sa kilos mo, sa mga mukha mo. At kitang kita ng dalawa kong mata kung gaano ka kasaya paguwi mo," hindi iyon isang tanong. Isang kasiguraduhan ang sinabi nito. Napalunok siya. Hindi niya akalain na ganoon ka-observant si Giuseppe sakaniya. "Kaya naman kahit ano'ng sabihin mo ay hindi ako naniniwalang kumuha ka lang talaga ng gamit. Ano ba ang nakakatuwa sa pagkuha lang ng gamit?" sarkastikong balik nito sakaniya. Naging malikot ang mga mata niya, tanda na labis na siyang kinakabahan at natatakot. Nakuha ni Giuseppe ang gustong reaksyon na makuha mula sakaniya, kaya naman napangisi ito. "Oh, sweetheart. Huwag mo akong tignan ng ganyan. Kahit paulit ulit mo akong sinasaktan at tinatapakan ang p*********i ko, hindi ko kayang saktan ka. Isa lang naman ang hinihiling ko sa'yo, ang magsabi ka ng totoo. Hindi naman kalabisan 'yon, diba? Unless... kung may tinatago ka," nakangisi at nakakalokong sabi nito. Naisip niyang hindi matatapos ang paguusap nila. Alam niyang may hinahanap itong sagot, at kahit magimbento pa siya ng kwento, ay hindi rin naman ito maniniwala sakaniya. Huminga siya ng malalim at tinignan ito sa mga mata. Tutal, hindi naman daw siya kayang saktan nito. Tinanong siya nito, pwes namnamin nito ang maaring isagot niya. "Totoong pumunta akong apartment upang kumuha ng ilang gamit. Pero... kasama ko si Brent," malakas ang loob na pag-amin niya. Para saan pa at magsisinungaling siya? Ahh, bahala na! "You what...?" tila hinang-hinang tanong nito. "Kasama ko si Brent. Nagusap kami, nagyakapan at naghalikan. Muntik na ngang may mangyari saamin, pero huwag ka magalala. Dahil napigil pa namin ang pagkasabik sa isa't-isa. Hinatid niya rin ako malapit sa labas ng subdivision. Okay ka na?" patuyang tanong niya at pilit kumawala sa paghahawak nito sa baba niya. "Tumigil ka na!" Nagulat si Roxanne sa biglaang pag-outburst nito. Ibinato pa nito ang ilang gamit na nahawakan sa kwarto niya. "Ayaw ko nag marinig pa ang mga susunod na sasabihin mo!" galit at hinihingal na sabi nito. Napangisi siya. "Oh, anong arte 'yan? Akala ko ba gusto mong sabihin ko ang totoo, tapos ngayon nag-iinarte ka r'yan," paismid na sabi niya. "Mabuti na nga lang at may delicadeza si Brent, ako kasi wala na akong pakialam doon. Oh, mag gusto ko ngang dalhin ako ni Brent sa rurok ng kaligayahan. Simula kasi ng ikinasal tayo, impyerno sa pakiramdam eh," malditang sabi niya at pinaypayan pa ang sarili na tila init na init. Napaigik siya sa sakit nang lumapit ito sakaniya at daganan siya. Muli nanamang kinabahan si Roxanne. Humahampas sa mukha't leeg niya ang init ng hininga nito. At napapikit siya dahil doon. "Imperyno? Ikaw lang ang gumagawa ng sinasabi mong impyerno, Roxanne. Kayang kaya rin kitang dalhin sa rurok ng kaligayahan na tinutukoy mo," madiing sabi nito. Napipilan siya't hindi malaman ang sasabihin. Siya nga lang ba ang gumagawa ng sarili niyang impyerno? Bago pa makasagot si Roxanne ay binatawan na siya nito at umalis na sa pagkakadagan sakaniya. Pabalibag na isinarado nito ang pinto ng kwarto niya. Yes, may sarili siyang kwarto kahit mag-asawa na sila. Dahil hindi niya maatim na makasalo sa iisang kama ang lalaking sumira ng buhay niya! Maaring nakukuha nito ang katawan niya, pero hinding hindi ang puso't kaluluwa niya, dahil para kay Brent lamang 'yon! Sa naisip ay wala sa sariling naginit ang paligid ng mga mata niya at napaluha. Pero agad niya 'yong pinigilan at pumikit. No! Hindi siya dapat umiiyak. Hindi niya dapat kaiyakan ang isang Evan Giuseppe Rosselli! The heartless and ruthless man! Napakalayo nito sa kapatid nitong si Elkanah Rosselli na kailanman ay hindi kayang manakit ng damdamin ng babae. Nakatulugan ni Roxanne ang matinding sama ng loob at hinanakit sa dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD