"Ashley, iyong polo na—" Hindi na natapos ni Oliver ang mga susunod pa niyang salita nang ipatong ng dalaga sa mga braso niya ang unipormeng kailangan niya. "Ito na ho, Sir. Ito na rin ho iyong pants na pinalabhan ninyo kagabi. Plinantsa ko na rin ho iyan." Kumunot ang noo niya nang mabilis siya nitong tinalikuran at pumasok sa loob ng kusina. Nakasimangot na lamang siya bumalik sa kuwarto niya at isinuot ang uniporme. Nang maayos niya ang kaniyang sarili ay binibit na niya ang laptop bag niya palabas. Sinilip muna niya si Olivia bago muling bumaba patungo sa kusina. Tulog na tulog pa ang kaniyang anak. "Ashley, I will go ahead now. Iyong—" Nagmamadaling lumapit sa kaniya ang babae bitbit ang isang maliit na bag na paniguradong naglalaman ng baon niyang tanghalian. "Iyong kutsa—" "Na

