"Tsk." Napapalatak na lang si Oliver nang mapasulyap siya sa tatlong babae na nag-uusap. Ininom niya ang alak straight mula sa bote. Mukhang enjoy na enjoy ang tatlo sa pagkukuwentuhan mula sa kabilang side ng center table. Saglit na natuon ang paningin niya kay Ashley na may malaking ngiti sa labi. Gumuhit ang pait sa lalamunan niya ngunit hindi niya iyon binigyan ng pansin. Tuloy-tuloy siya sa paglagok. Bago lamang nakilala ng babae ang mga kaibigan niya ngunit heto at kay laki-laki na ng ngiti nito. Samantala sila itong lagi magkasama sa bahay, ni hindi siya mangitian nito kahit iyong pilit. Sila itong laging magkasama sa bahay pero ngayon ay puro pag-iwas ang ginagawa nito sa kaniya. Nakakaasar. Asar na asar siya. Dahil doon ay nagbukas uli siya ng isa pang bote ng alak. Akala ko b

