Iyon ang una niyang halik. Sa buong buhay ni Ashley, iyon ang kauna-unahang beses na naranasan niya iyon. Mula pagkabata, naniniwala na siya na matamis ang unang halik at dapat nanggagaling iyon sa isang taong mahal mo at mahal ka. Iyon ang natutunan niya sa pagmamahalan ng Tiya Panying at Tiyo Bitor niya. Childhood sweethearts kasi ang mga ito, hanggang sa naging mag-asawa, magkapamilya, at ngayon, tumanda na nang magkasama. Ngunit sa nangyayari ngayon, may isang bagay siyang napagtanto... na ang halik, maaaring manggaling sa kahit na sino. Kahit hindi mo mahal, kahit hindi mo ganoon kakilala. At hindi siya makapaniwala na ang unang halik niya, nanggaling sa isang lalaki na may asawa at anak; na may pamilya. She instantly felt bad. Lalo pa at masarap sa pakiramdam ang halik na iyon.

