PROLOGUE

1000 Words
5 years ago... “Veron, please don’t leave me.” Pagsusumamo ni Oliver sa asawa. "Please, Veronica, listen to me." Who would’ve thought that everything would end up like this? Isang taon pa lamang ang nakakalipas nang maikasal silang dalawa, at ngayon, heto at nag-aalsa-balutan na ito. Hindi niya lubos maisip kung paanong humantong sa ganito ang kasiyahan nilang dalawa. Hindi pa rin niya maintidihan kung paano iyon nangyari. Napakabilis. Dapat ay masaya sila, hindi ba? Dapat ay pinagsisikapan nilang ayusin ang kanilang kabubuo lamang na pamilya. Pero bakit kabaliktaran yata niyon ang nangyayari? Bakit ang miserable nila? Puro kamiserablehan na lamang ang nangyayari sa relasyon nilang dalawa. Still, ayaw pa rin niyang bumitaw. Hangga't kaya niyang magtimpi, magtitimpi siya. Hangga't kaya niyang ayusin, aayusin niya. Hindi siya basta-basta na lamang bibitaw. Magtitiis siya kahit na ano pang mangyari. Lalo pa ngayon na naipanganak na ang panganay nila ni Veron, mas may dahilan siya upang subukang ayusin ang gusot na ito. Kaya nga lamang, kahit ano pang pagsusumamo ang gawin niya, kahit pa nga yata lumuha siya ng dugo, tila hindi na siya naririnig ng kaniyang asawa. Sarado na ang isip nito sa kahit ano pang sasabihin niya. Tuloy-tuloy lamang itong nagsasalpak ng mga damit nito sa isang malaking maleta. She completely shut him out. Hindi pa rin siya sumuko. Sinubukan pa rin niyang suyuin ang kaniyang asawa upang pigilan ito sa napipinto nitong pag-alis. She can't leave them. Hindi pwede. “Veron, please calm down. Baka mabinat ka." Sinubukan niya itong hawakan sa siko. "Makakasama sayo niyan ang stress—" Doon na humarap sa kaniya ang babae. “Don’t fvcking touch me, Oliver! Don't you fvcking dare!" Galit na galit na sigaw nito; galit na galit ang ekspresyon. "This isn’t the life I want! Paano mo ako bubuhayin at ang bata sa kakarampot mong sahod?! You should’ve got some help from your parents! Pero ano? Mataas ang pride mo. Paulit-ulit ka sa mga kataga mong ‘this is my dream’ at ano? Punyetang pangarap 'yan! Sa kangkungan pala ako dadalhin! Tingnan mo! Tingnan mo ang nangyari sa atin dahil sa lecheng pangarap mo na iyan! Nagrerenta pa rin tayo sa bulok na bahay na ‘to at naputulan pa ng kuryente! Tapos ano? Sa susunod wala na kong makakain? I’m so outta here! I won't die here with you! You know what? I should’ve listened to my parents to not marry you!” Isinara na nito ang maleta at binitbit iyon pababa ng bahay. Nababagsak pa roon ang ilan nitong damit na ipinagsiksikan lamang nito. Dinig na dinig ang pagkaladkad ng babae ng maleta pababa sa hagdan. Agad naging aligaga si Oliver. Butil-butil ang pawis sa noo at hindi malaman kung uunahing sundan ang paalis na asawa, o buhatin ang umiiyak niyang anak na halos magtatatlong buwan pa lamang. Alam niya... alam naman niyang nahihirapan na si Veron. But he is seriously trying to get things better. Sinusubukan naman niya e. Hindi nga siya sumusuko kahit na hirap na hirap na rin siya. He cried. He is just starting to build their lives, but his wife is already leaving him. “Shh, tahan na anak. N-nandito na si Papa…” Dahan-dahan niyang kinarga ang umiiyak na anak mula sa crib, at sinubukan itong patahanin. Mabilis siyang lumabas din ng bahay karga ang sanggol. Hindi niya maaaring hayaan si Veron na basta na lamang silang iwan na mag-ama. Paano na lamang ang anak nilang walang kamuwang-muwang? Madadamay ito sa nangyayari. Ayaw niyang lumaki ito sa isang sirang pamilya. He does not want that to happen. Sinundan niya ang asawa ngunit ang naabutan na lamang niya ay ang pag-andar ng taxi kung saan ito nakasakay. Namilog ang kaniyang mga mata at kinain ng kaba ang kaniyang buong pagkatao. Talagang buo na ang desisyon ni Veron na kalimutan sila. Sumakit ang kalooban niya sa katotohanang kayang-kaya nitong kalimutan ang kanilang pinagsamahan. Ngayon, pati ang anak nila, parang laruan lamang na kaya nitong iwan. “Veron!” paghabol niya. "Veron, sandali lang. Sandali lang! Mag-usap muna tayo. Veron!" Paulit-ulit niyang kinatok ang bintana ng sasakyan. “Veron, please. I’m begging you. Don’t leave me. Don't leave us.” He is crying. Sa lahat ng hirap na nangyari sa buhay niya, ito na yata ang pinakamasakit. God knows how much pain he is feeling right now. God knows how much he is enduring. Pero ito na yata ang tipo ng paghihirap na hindi niya alam kung paano pa makakabangong muli. The love of his life is leaving him and their daughter. Ngunit kahit anong pagsigaw niya sa pangalan ni Veron, patay-malisya na ang babae. Ni hindi siya nito tinapunan ng tingin, kahit na lamang ang anak nila na patuloy sa pag-iyak habang karga-karga niya. Umandar na ang taxi, at wala siyang nagawa kundi ang pagod na mapatitig na lamang doon, habang patuloy sa pag-agos ang luha mula sa kaniyang mga mata. Paliit nang paliit ang taxi... hanggang sa tuluyan na nga iyong mawala sa kaniyang paningin. Kahit nawalan na iyon ay nakatayo pa rin siya sa may kalsada, paulit-ulit na dinadasal sa kaniyang isipan na sana ay magkaroon ng milagro; milagrong magbago ang isip ng kaniyang asawa at bumalik ang taxi na sinasakyan nito. Kaya lang, siguro nga'y hindi totoo ang milagro. Dahil kahit anong hintay ang gawin niya, alam niyang wala nang babalik. Hindi na babalik sa kaniya si Veron. There, he was left alone. Veron left him on the middle of the road... With a three-month-old daughter on his arms. Pareho siyang umiiyak ng kaniyang anak; ito dahil sa gutom, at siya dahil naman sa sakit na nararamdaman. Masakit na masakit ang kaniyang kalooban. Parang sinasaksak ang buong pagkatao niya. Paulit-ulit at hindi mabilang na mga saksak. Ganoon pala kasakit ang iwanan ng minamahal, parang bibigay ang kaniyang mga tuhod. Nayakap niya ang umiiyak na anak at doon humugot ng lakas. It was as if... everything the he tried so hard to build... had collapsed in a blink of an eye.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD