ONE

2100 Words
"Mom, I assure you that everything will be perfectly fine. So you should stop worrying too much. We'll be fine." Iyon ang paulit-ulit na kataga ni Oliver sa kaniyang ina habang kausap ito sa cellphone. He heaved a deep sigh. Halos tatlumpung minuto na siya nitong pinaaalalahanan ng mga bagay na dapat niyang gawin sa bahay, pati na rin ang mga daily activities ni Olivia: ang limang-taong gulang niyang nag-iisang anak. Hindi rin naman niya masisisi ang sariling ina sa paulit-ulit nitong mga bilin. Dahil sa madalas niyang pagiging abala sa trabaho ay madalas ding ang mga magulang niya ang nagbabantay sa kaniyang anak. Walang sawa ang mga ito sa pag-aalaga. At ngayong ilang buwang mawawala ang mga ito patungong Amerika— upang maipagamot ang namumuong tumor sa ulo ng kaniyang ama— ay labis-labis na kaagad ang pag-aalala ng Mommy Leticia niya sa kanilang dalawa ni Olivia. "Okay, anak. I trust you." Sa wakas, matapos ang halos kalahating oras ay natapos din ang usapan nilang iyon. "Can you please put Olivia on the phone?" "No problem, Mom." Agad siyang nagpunta sa salas kung saan abalang kinukulayan ni Olivia ang bagong bili niyang coloring book para rito. Nakadapa pa ang bata sa carpeted na sahig at halatang nag-e-enjoy sa ginagawa. Masasabi niyang talagang mahilig ang kaniyang anak sa kahit anong bagay na may kinalaman sa pagkukulay. Kasama pa niya si Dona nang bilhin niya ang coloring book na iyon sa isang bagong bukas na bookstore. Dona personally picked it for his daughter. Dona Rodriguez is one of his close friends since college, along with Faith Roces. Noong ngang kolehiyo ay madalas siyang napagkakamalan na gay dahil lamang sa pagiging kaibigan ng mga ito. Ngunit hindi naman niya iyon pinapansin. He thought that it is nonsense to judge a person's gender just by his or her set of friends. At ang pagiging magkakaibigan nilang tatlo ang isa sa mga pinakamagagandang bagay na nangyari sa buhay niya. He cherishes the two as much as he cherishes his own siblings. With them, everything was so much fun. At ngayon nga ay katrabaho na niya ang mga ito sa isang pampublikong elementarya bilang mga guro. A few days ago, the three of them had some misunderstanding. Nitong nakaraan lamang kasi niya nasabi sa dalawa na may anak na siya. He really did not mean to be secretive, lalo na at ilang taon na nga silang magkakaibigan. Dahil doon, nagtampo sa kaniya si Dona dahil nga sa tinagal-tagal nilang magkaibigan ay hindi niya iyon naipaalam. Si Faith naman ay naiintindihan siya sa desisyon niyang itago ang anak. Masalimuot din kasi ang pinagdaanan niya noon kasama ang ina ng anak niya; si Veron. Wala naman siyang maidadahilan pa. Hindi niya puwedeng sabihing nakalimutan niyang sabihin ang bagay na iyon sa mga ito o sasabihin sana niya sa mga ito ng maaga ang tungkol sa anak niya. Dahil alam niya sa sariling ipinagpa-sa Diyos na lamang niya ang tamang pagkakataon na malaman iyon ng kaniyang mga kaibigan. It's not that he isn't proud of Via, dahil iyon yata ang kaisa-isang bagay na hindi mangyayari sa buong buhay niya. Of course, he's proud of his daughter, lalo na sa katalinuhang taglay nito at sa mabuting pag-uugali. Alam niyang pinalaki niya ito ng tama kahit wala siyang katuwang na asawa. Hindi lamang niya iyon nasabi sa mga kaibigan dahil takot siya. Naduduwag siya sa mga maaaring itanong ng mga ito lalo na kung patungkol iyon kay Veron. He does not want to talk about Veron anymore. She is already a part of his broken past; na dapat nang kinakalimutan. But Dona, well, being Dona, hindi naman ito mapagtanim ng sama ng loob. Kaya makalipas lamang ang isang araw ay nagkaayos din sila. Ito pa nga ang bumili ng bagong set ng mga krayola ng kaniyang anak, at ito rin mismo ang nagbigay kahapon. Nagkakilala na ito at si Olivia. And he can tell that both of them were happy after having a mini-girls night. Matagal na rin kasi niyang naikukuwento sa anak ang mga kaibigan niya. Ngunit hindi nga siya makahanap palagi ng tiyempo na maipakilala ang mga ito sa personal. “Via, anak,” pagtawag niya sa atensiyon ng batang babae. “Your Granny Letty is looking for you. She wants to talk to you before leaving," aniya. “Okay po, Daddy.” Itinigil naman nito ang ginagawa at nakangiting inabot mula sa kaniyang kamay ang cellphone. “Hello, my beautiful Granny. It’s me, your beautiful Via.” Napangiti siya sa magiliw na pagbati ng kaniyang anak. She is really smart for her age. Hindi na siya magtataka roon dahil sigurado siyang maraming itinuturo rito ang kaniyang ina. Pulido na nga ang ingles ng bata sa mura nitong edad. Palibhasa ay bunso ito sa mga apo. Ito ngayon ang ini-spoil ng kaniyang ina sa atensiyon. Pinakamatanda sa mga ito ang labing-tatlong taong gulang na kambal na anak ng Kuya Enrique niya, kasunod sa edad ang bunso nitong babae na si Wisteria na siyam na taong gulang, samantala sumunod naman ang nag-iisang anak rin na babae ng kaniyang Ate Erica na walong-taong gulang naman ang edad. Ang anak ng Ate Erica niya ang kasundong-kasundo ng kaniyang anak. Bukod kasi sa parehas babae at kakaunti lamang ang pagitan ng mga ito sa edad, ay ito rin ang madalas na magkalaro. Kagaya niya, busy rin kasi ang ate niya. Ito kasi ang nagmana ng isa nilang branch ng bakery noong nagretiro na ang kaniyang mga magulang. Marami ito palaging inaasikaso. “Granny, don’t worry about us too much. I promise you that I will take care of Daddy. And... and I’m sure Daddy will take care of me too. So y-you should focus on Grandpa Hugo, and make sure that he feels better.” Tila nagkaroon ng bikig ang kaniyang lalamunan sa narinig. She’s not just smart, but also mature. How could Veron leave a beautiful, little soul like her? His daughter is an angel. At hindi nito deserve lumaki nang walang kinikilalang nanay. His heart suddenly clenched. He will never forgive Veron for what she did. For choosing another man over her own flesh. For leaving them. Hinayaan na muna niya mag-usap ang mag-lola at makapagpaalam sa isa’t isa. Pumasok siya sa kusina at ipinaggawa ng sandwich si Olivia. Iyon lamang ang kaya niyang gawin. Ang gumawa ng sandwich, magtimpla ng kape o juice, at magprito. Napabuntong-hininga na lamang siya. Hindi niya alam kung paano sila makaka-survive mag-ama sa mga susunod na linggo. Hindi naman puwedeng sandwich, prito o mga ready-made meal ang palagi niyang ipakain sa anak. Dala niya ang isang basong orange juice, isang mansanas at isang ham and egg sandwich, na paboritong meryenda ni Via, nang lumabas siya mula sa kusina. Saktong pagkabalik niya sa salas ay tapos nang mag-usap ang dalawa. Ibinaba niya ang tray na may lamang pagkain sa center table. “Daddy, Granny wants to talk to you again," kapagkuwan ay sabi ng kaniyang anak. “Okay,” inabot nito ang cellphone sa kaniya. “Tayo ka muna riyan, anak. Ginawan kita ng meryenda. Kumain ka muna.” “Yey! Thank you, Daddy.” “You’re welcome, angel.” “Hello, Mom? Gusto mo raw ako makausap uli?” He stepped out of the house. Nakatambay na siya ngayon sa veranda. “It’s our flight time na. I will always video call and chat you, anak. Mami-miss kita at si Via. Mag-ingat kayo riyan.” Pakiramdam niya ay maiiyak ang kaniyang ina. Dama niya iyon sa paraan ng pagsasalita nito. “Kayo rin, Mommy. Palagi kayong mag-ingat. And always update us about Dad’s condition.” Napabuntong-hininga siya. "And please, Mom. Don't cry, okay? Sabi mo nga, hindi ba? Na palagi tayong magcha-chat at magtatawagan." Nag-aalala niyang sabi. Mahina rin kasi ang puso ng ina niya kaya as much as possible, hindi nila ito hinahayaang ma-stress. “Okay, anak. I love you. See you soon.” “I love you too, Mom. Have a safe flight.” Isang mahinang beep ang narinig niya mula sa kabilang linya. Ibig sabihin ay naputol na ang tawag. He silently pray for his parents' safety and for his father’s fast recovery. Mababait ang kaniyang mga magulang at ayaw niyang may mangyaring masama sa mga ito. They are the best parents in the world. And he is very lucky to be their son. His parents are very respectable. He is actually bearing a reputable, well-known surname in the industry: Villegas. Ngunit bago pa man makilala ang kaniyang pamilya at matamasa ang kung anong meron sila ngayon ay hindi naging madali ang lahat. They are the literal meaning of from rags to riches. His parents had nothing. Ultimo sentimo ay wala sa bulsa ng mga ito. His father was a junk collector. At kahit nangangalakal lamang ang kaniyang ama noon ay napagdesisyunan pa rin ng kaniyang ina— na galing naman sa pamilya ng mga tindera— na samahan ito sa hirap at ginhawa. Ngunit dahil nga napakahirap ng buhay noon ay hindi nakapagpakasal ang dalawa. They became live-in partners at first. Mahirap man ang buhay ay tila gumagaan iyon kahit paano kapag silang dalawa ang magkasama. Habang nangangalakal ang kaniyang ama ay nagtitinda naman ng asin sa palengke ang kaniyang ina. Kahit papaano ay natutustusan ng pinagsamang kinikita ng dalawa ang pagkain sa araw-araw at ang maliit na halaga ng renta ng maliit ding bahay na inuupahan ng mga ito. Ngunit kung kailang nakakaipon na ang kaniyang mga magulang noon, ay saka naman natanggal sa pinapasukang junkshop ang kaniyang ama at humina ang benta sa asin ng kaniyang ina. Kaya gamit ang lahat ng kanilang naipon ay bumili ang mga ito ng maliit na oven at nagsumikap makaipon muli ng puhunan. Naisipan ng dalawa magtayo ng maliit na bakery sa tapat ng inuupahan na bahay dahil wala noong panaderya sa kanilang lugar: ang La Panaderia de Villegas. With the help of cheap baking books, his father’s self-taught baking skills had enhanced. Ang dating paisa-isa lamang na klase ng tinapay na kaya nitong lutuin ay naging dalawa… hindi na mabilang. Hanggang sa kaya na nitong lutuin kahit mahihirap na klase ng tinapay. Ang mga tinapay na gawa mismo ng mga kamay ng kaniyang ama ang naging dahilan upang makabili ang dalawa ng sariling lupa at makapagpatayo ng maliit na bahay. Nakabili ng mas malaking oven, at nakapag-hire ng mga empleyado. Ang mga dati nitong kasamahan sa junkshop ang mga kinuha nitong trabahante. Nangyari din ang pangarap na kasal ng dalawa nang makapag-ipon ang mga ito. Sa pinagsamang sipag ng kaniyang ama at galing sa pagkukuwenta ng kaniyang ina, lumago nang tuluyan ang dati nilang maliit lamang na panaderya. At ngayon isa na ito sa mga pinakakilalang bakery sa buong mundo. Nagkaroon ito ng iba’t ibang branch at franchise sa loob at labas ng bansa. Naging partner na rin ito ng ilang sikat na restaurants at wedding caterers. Hindi lamang ang kanilang pamilya ang gumanda ang pamumuhay kundi maging ang mga trabahante nila. Sinisigurado palagi ng kaniyang ama na maayos ang sahod at benepisyo ng kaniyang manggagawa. Ngunit kahit gaano karami at kataas na ang natamasang biyaya, ay hindi pa rin nalilimutang maging mapagpakumbaba ang kaniyang mga magulang. Kaya naman napakarami na ring natulungan ng mga ito. Nagtayo pa ang mga ito ng charity na sumusuporta sa mga small local business at sa mga nagnanais ring makapagpatayo ng sariling negosyo ngunit walang sapat na kaalaman kung paano magsisimula. Oliver heaved a deep sigh. He just wants the best for his parents. Lalo pa ngayong nagkakaedad na ang mga ito. Kung tutuusin ay dapat Business Manangement o kaya ay Culinary ang kinuha niyang kurso noon, para matulungan ang kaniyang mga magulang sa pagpapatakbo ng kanilang family business. Ngunit mas pinili niyang kunin ang kurso kung saan siya totoong interesado: edukasyon, na siya namang sinuportahan ng kaniyang pamilya. Palibhasa ay bunso siya sa tatlong magkakapatid, palaging naibibigay ang kaniyang gusto. Lahat ng kaniyang ginagawa ay suportado ng buong pamilya. They were always his ‘back-up’ whenever something happens. Whether it was something good or something bad, it doesn’t matter. Ika nga, ‘your family always got your back.’ Lalo na ng kaniyang Ate Erica. Ito talaga ang hindi nawawala sa kaniyang likuran ever since. Kaya naman noong iwan silang dalawa ni Olivia ni Veron ay halos gusto nang hunting-in ng kaniyang kapatid ang babae. “Daddy! I’m finished eating na po!” Ang malakas na pagtawag na iyon ni Via ang nagpabalik sa kaniyang lumipad na ulirat. Tila natauhan siya. Napagpasyahan niya na bumalik na muli sa loob ng bahay upang asikasuhin ang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD