TWO

2200 Words
“Daddy, we’re going to spend a lot of time together from now on, right?” Nakangiting tanong sa kaniya ni Via. “Yes, anak. Now finish drinking your milk and go to sleep. Bukas ay gagala tayo sa mall at kakain sa labas,” nakangiti rin namang niyang sagot sa anak at inayos na ang kumot nito. “Okay, Daddy.” Mabilis nitong tinapos ang pag-inom sa gatas at ipinatong ang baso sa taas ng drawer. “Good night po. And I love you.” “I love you too, sweetheart.” Hinalikan niya ito sa noo. Napapikit naman ang bata; masaya dahil makakasama na nito ang ama na palaging abala sa pagtratrabaho. Kasalukuyan silang nasa kuwarto ni Via at kakatapos lamang niya itong basahan ng paborito nitong story book. Ibinaba na niya ang libro sa drawer sa tabi lamang ng kama ng bata. Snow White and the Seven Dwarves ang nakasulat na titulo sa labas niyon. They will be spending a lot of bonding time especially for the next two weeks because of his work suspension. Nagkaroon kasi siya ng work violation matapos nilang tulungang dalawa ni Faith si Dona na makaganti sa ex-boyfriend nito. Umalis lamang naman silang tatlo sa kalagitnaan ng trabaho nang wala man lamang abiso sa kanilang head teacher, at winasak ang sasakyan ng ex-boyfriend ni Dona sa harap mismo ng pinatratrabahuhan nitong hospital. Wala naman siyang pinagsisisihan sa ginawa kahit nawasak rin ang kaniyang sasakyan niya na ipinangbangga nila sa sasakyan ng dating nobyo ni Dona, at hanggang ngayon ay hindi pa niya napapaayos. But at least, they have avenged their friend. Iyon nga lang, ang mahal ng gastusin niya ngayon sa nasira niyang sasakyan. Yes, that was definitely satisfying, but that was also something that he will never do again. Nang masigurado niyang mahimbing at kumportable na ang pagtulog ng kaniyang anak ay kinuha na niya ang walang lamang baso at pinatay ang lampshade. Dinala muna niya ang baso sa kusina at hinugasan iyon pati na rin ang mga pinagkainan nila kanina. Mabuti na lamang at may nahanap siya ng madaling iluto na recipe mula sa internet kaya naipagluto niya ang anak. Napakabait nga ng anak niya, dahil kahit na hindi mukhang pagkain ang naluto niya; kahit mukha iyong nakakalason, ay pinagtiyagaan pa rin iyong kainin ng batang babae. Pero hindi niya alam kung hanggang kailan mapagtyatyagaan ng anak niya ang mga lutuin niyang pang out of this world. Kailangan na niyang makahanap ng kasambahay as soon as possible. Nang matapos siya sa ginagawa ay nagtungo na siya sa sarili niyang kuwarto. Nasa ikalawang palapag iyon ng bahay kapareha ng kuwarto ng anak. Magkatabi lamang ang kuwarto nilang dalawa. Para kapag nananaginip ito ng masama ay agad niya itong mapupuntahan. Nitong mga nakaraang araw kasi ay palagi itong nananaginip ng mga hindi kaayaayang bagay. Madalas ay nagigising ito tuwing madaling-araw at kinakatok ang pinto ng kuwarto niya. Tumatabi ito sa kaniya, at doon na nito sa kuwarto niya ipinagpapatuloy ang nauudlot nitong tulog. Nananaginip raw ito na palagi itong iniiwan ni Veron sa isang playground at hindi na binalikan. Of course, his daughter knows Veron. Hindi naman niya rito itinago sa anak ang pagkatao ng tunay nitong ina. Galit man siya sa dating asawa ay hindi niya ipinagkakait sa anak ang karapatang makilala ang tunay nitong ina. Isa pa, Via is already at the age where she asks about these kind of things. Kaya nga lang, sa tuwing nagtatanong ang bata kung bakit hindi nila kasama ang mommy nito ay talagang hindi siya makasagot. Hindi naman kasi niya nais masaktan ang damdamin ng anak. Kaya as much as possible, ipinaliliwanag niya rito na maiintindihan nito ang lahat sa tamang pagkakataon. At umaasa siyang kapag dumating ang tamang pagkakataon na iyon, sana ay naghilom na rin ang pilat na iniwan ni Veron sa puso niya. Hayun na naman siya sa kaniyang ‘tamang pagkakataon.’ Kahit hindi naman siya sigurado kung totoo ba ang ‘tamang pagkakataon’ na iyon. Was there really a right time for things? For people? Or people are just using this ‘right time’ scheme to delay the truth of things? When we feel afraid of commitment, or to tell another person the truth, or even just being afraid in general, we either say ‘this isn’t the right time yet,’ or ‘I will wait for the right time to come,’ thinking that committing later spares our time to improve ourselves first, and that telling the truth later spares another person’s time to ready themselves for the pain. When the truth is, we are just delaying things and use the ‘right time’ scheme as an excuse. We didn’t even realize that committing later will not be able to help us improve ourselves because we didn’t know what to improve, or that telling the truth later will not be able to save another person from the pain because they didn’t even have the slightest idea on what to ready themselves to. There is no ‘right time’. Everything happens because we either decided it, or the universe decided for us. Napabuntong-hininga na lamang si Oliver sa mga pumapasok sa kaniyang isipan. Hindi na nga niya mabilang kung ilang beses siya nagbuntong-hininga ngayong araw. Basta ang alam lamang niya, kailangan na niyang masabi ang katotohan kay Via sa lalong madaling panahon. Na matagal na silang hiwalay ng ina nito. Inabot niya ang cellphone niyang nakapatong sa drawer sa tabi ng kaniyang kama at sumandal sa headboard. Hinanap niya ang numero ng employment agency na ibinigay sa kaniya ni Dona noong isang araw. Ayon sa kaibigan, ang agency daw na iyon ang nag-aasikaso ng mga temporary at ilang permanent employee nito. Madalas kasing nagha-hire ng mga temporary employee ang kaibigan niya para may magbabantay sa mga alaga nitong aso. Maging ang mga nagha-housekeep sa bahay nito, iyon din daw ang nag-aasikaso. Matapos ang ilang rings ay may sumagot na mula sa kabilang linya. “Hello, this is RLD Employment Agency. How may I help you?” Boses iyon ng isang babae. “Hello, good evening. This is Enrico Oliver Villegas. I apologize for the late call.” Magalang niyang sabi. “Oh, good evening Mr. Villegas. Please don’t worry. There is no problem at all. Ms. Rodriguez also gave as a short notice beforehand. We are expecting this call.” Magalang din naman na sagot ng babae. Maasahan talaga niya si Dona. Mabuti na lamang talaga at nanghingi siya ng tulong dito. Kapag hindi siya nakakasagot sa mga tawag ng agency ay ang kaibigan na ang nag-aasikaso niyon para sa kaniya. “I see. I won’t beat around the bush anymore. I would like to hire a nanny for my five-year-old daughter.” Na-realized kasi niya iyon. Na hindi niya kakayanin kung walang kasambahay na magluluto para sa kanila ng anak, at para na rin may kasama ito sakaling mabalik kaagad siya sa trabaho. Ayaw niyang maiiwan mag-isa ang anak sa bahay nila kapag may trabaho na uli siya. “Yes, Mr. Villegas. Ms. Rodriguez also informed us about that. We are ready to send you a list of applicants. Do you have a preferred age range or a gender?” Naririnig pa niya ang pagtipa nito sa keyboard ng computer mula sa kabilang linya. “No. Any age is okay as long as the applicant is trustworthy. On the gender, is it possible to hire a female?” Iyon lang naman talaga ang mahalaga sa kaniya, iyong mapagkakatiwalaan. Marami rin kasi siyang napapanood sa balita na mga mapanakit na yaya. Kapag wala ang mga magulang ay hindi pinapakain o kaya naman ay pinapalo ang mga bata na binabantayan ng mga ito. Ayaw niyang mangyari iyon sa anak niya. Hindi nga niya sinasaktan ito, tapos ay sasaktan naman ito ng ibang tao? He does not want that to happen. “Yes it is, Mr. Villegas. Okay, may I request for your email please?” Agad naman niyang ibinigay sa kausap ang kaniyang email address. “I have sent an email regarding some of the required documents that you need to send us in order to complete the process. Attached to that email is a file containing the resume and portfolio of our selected applicants for you. And as you requested, all of them are female,” mahabang paliwanag ng babae mula sa kabilang linya. “And may I ask the reason why do you need this certain documents?” Bahagyang kumunot ang kaniyang noo. “Those documents are required to ensure that the chosen applicant will receive his or her right as an employee.” Napatango-tango siya na para bang kaharap lamang niya ang kausap. “Oh. Okay, I understand.” “Mr. Villegas, please send us the required documents along the name of the applicant you have chosen first thing in the morning. We will be waiting.” “I will do. Thank you. I appreciate your immediate service.” Napangiti siya kahit na hindi naman iyon makikita ng kaniyang kausap. “You are most welcome, Mr. Villegas. Have a nice evening.” Narinig na niya ang sunud-sunod na pag-beep mula sa kabilang linya. Doon na natapos ang tawag. Bumaba siya sa unang palapag ng bahay at tinungo ang kaniyang opisina. Malaki ang kaniyang opisina at puno ng mga bondpapers, pambatang libro at iba pang gamit sa eskwela. Ipinagawa talaga niya ang opisinang iyon para may gawaan siya ng mga lesson plan, at mga libreng modules na ibinibigay niya sa mga batang lansangan na kinupkop ng sarili niyang charity. May printer doon at photocopy machine. May personal computer rin at laptop. Pinakumpleto talaga niya ang working space na iyon para sa mga batang natutulungan niya. Sa katunayan ang buong bahay na iyon ay bunga ng lahat ng pagsisikap niya. Bunga ng mga natupad niyang pangarap. Hindi niya kasi gustong lumaki ang anak na nangungupahan pa rin sila sa isang apartment. Kung saan-saang mga pribadong eskwelahan siya nagturo. Dahil bumagsak siya noon sa unang pagkuha ng lisensya bilang guro, napakahirap ng naging buhay niya. Mas nahiya siyang humingi ng tulong sa mga magulang lalo pa’t nagkaroon ng krisis noon sa pera ang kaniyang mga magulang nang nakawan ang mga ito ng isa sa mga empleyado. Kaya naman noong nakapasa na siya sa ikalawang pagsubok na makakuha ng lisensya ay dumami rin ang oportunidad para sa kaniya. He is starting to pull his life together and prepare a better life for Olivia. Nagtrabaho siya nang nagtrabaho. Gusto rin kasi niyang may mapatunayan sa kaniyang sarili. Noon pa lamang talagang kolehiyo ay iba na ang compassion niyang tumulong sa mga bata. Noon pa ay sumasali na siya sa mga donation drive para sa mga batang hirap makapasok sa eskwela. Siguro ay namana niya ang ugaling iyon mula sa kaniyang mga magulang. Gaya ng sayang nararamdaman ng mga ito sa pagtulong sa mga taong nagnanais magtayo ng sariling negosyo, ganoon rin ang sayang nararamdaman niya sa pagtulong sa mga batang nagnanais makapag-aral. Lalo na sa mga batang iniwan talaga ng mga magulang. At nang maging single father siya at maiwan sa kaniya si Via ay mas tumaas pa ang urge at compassion na iyon. Ang pag-iwan sa kaniya ni Veron ang nagtulak sa kaniya na itayo ang foundation niya. He can somewhat see those kids’ situation through her daughter. At dahil naman sa sitwasyon ng mga batang naampon ng kaniyang foundation ay lagi niyang iniisip ang kapakanan ng kaniyang anak. Para bang magkakabit na amg dalawang iyon. Prente siyang naupo sa swivel chair niya at binuksan ang kaniyang laptop. Nag-log in siya sa kaniyang email at agad na nakita ang email na sinasabi ng nakausap niyang agent ng employment agency kanina. Nasa pinakaunahan iyon ng mga recent unopened emails niya. Isinuot niya ang reading glasses at isa-isa iyong binuksan at binasa. SUBJECT: List of Applicants Binasa niyang ang email na nakapaloob roon at isinulat sa maliit na sticky note ang mga dokumentong kailangan niyang ipasa sa mga ito. Tutal naman ay hindi siya makatulog, gagawin na lamang niya ang mga iyon. Para naman bukas ay hindi na iyon makadadagdag sa mga isipin pa niya. Binuksan niya ang file attachment na kalakip ng email at inisa-isa ang resume ng bawat aplikante. Iba-iba ang edad ng bawat isa. Mayroon pa ngang halos kaedad ng kaniyang mga kapatid. Dalawampu’t dalawa ang pinakabatang edad na nakita niya, at puro tulad nga ng sinabi ng agent kanina, puro babae ang nakita niyang aplikante. Nasa huling pahina na siya ng file nang bumungad sa kaniya ay ang nakangiting mukha ng isang babae. Nasa kaliwang itaas na bahagi ng resume nito ang 2 by 2 na iyon. She has a slighty chubby cheeks and a gummy smile. Morena ito at itim ang buhok. She has a typical Filipina features. Ang umagaw sa kaniyang atensiyon ay ang mahaba nitong pilik-mata at ang maliit na nunal sa itaas na bahagi ng kaliwang pisngi malapit sa ilalim ng mata. Average face ito kung tutuusin. Kaya naman hindi niya malaman kung bakit hindi niya maalis ang mga mata sa mukha nito. At mas lalong hindi niya maintindihan kung bakit tinatandaan ng utak niya bawat parte niyon. He read her name on his mind: Ashley Corazon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD