“Are you excited?” Nakangiting tanong ni Oliver sa anak habang sinusuklayan ito. Kasalukuyan silang nasa harapan ng maliit na vanity mirror na ipinagawa niya para rito at inaasikaso ang buhok nito. Nilagyan niya iyon ng maliliit na hair clips.
Nakita niyang ngumiti ang kaniyang anak sa repleksiyon nito sa salamin habang isinusuot ang kulay pink nitong bracelet na kaparehas ng kulay ng suot nitong bestida. “Yes, Daddy. Excited na po.”
Halatang masaya ang bata. Matagal-tagal na rin kasi nung huli silang nakakain nang magkasama sa labas nang magkasama. Naging busy kasi talaga siya sa trabaho at sa pag-aasikaso na rin ng foundation niya nitong mga nakaraang buwan.
“Come on. Let’s put on your sneakers.” Inalalayan niya itong makababa mula sa upuan pagkatapos niya itong malagyan ng powder at towel sa likod at mapabanguhan.
That’s one thing unique to Olivia. She likes to wear below-the-knee length dresses and loves to partner rubbershoes to it, instead of dollshoes or sandals. According to her, “a sneaker saves a woman from the wrong fall.” Ni hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng mga katagang iyon, o kung saan iyon natutuhan ng bata. Malamang ay sa pagsama-sama nito sa Granny Letty nito sa panonood ng mga telenovela sa gabi. Pero dahil mahilig ang anak niya sa sneakers, palagi niya itong binibilhan ng ganoon.
Binuhat niya ito papasok sa sasakyan. Iyon ang sasakyan na naiwan ng kaniyang mga magulang bago umalis kahapon, tumawag na lamang kasi ng chauffeur ang kanyang ina na siyang naghatid sa mga ito papuntang airport. At iyon rin ang gagamitin nilang sasakyan ngayon, kakatawag nya lamang kasi kaninang umaga sa isang kilalang automotive shop upang maipagawa na ang nawasak niyang sasakyan.
Matagal na niyang pinaaalalahan ang mga magulang patungkol sa pagkuha ng driver ngunit palaging nawawala sa isip ng mga ito. Maybe he’ll also just hire one for them from RLD Employment Agency once they got home. Hindi naman niya ito masisi, dahil palaging nasa mga apo ang atensyon nito. Isa pa, hindi rin naman masyado umaalis ang mga ito sa bahay nito sa Laguna magmula nang magretiro. Kaya madalas ring nagbabakasyon sa Laguna noon si Olivia.
Speaking of the agency, wala pa uli siyang natatanggap na balita mula sa mga ito ngayong araw. Kagabi pa niya naipasa ang mga dokumentong kailangan. Tinapos niya iyon bago siya matulog kaya naman ramdam niya ang puyat ngayon. Maaga pa rin kasi siyang gumising upang ipaghanda ng umagahan ang anak at ihanda rin ang isusuot nito. Sana naman at dumating kaagad ang magiging bago nilang kasambahay. Hindi kasi magtatagal ay kakailanganin na niyang bumalik sa trabaho. Ayaw niyang maiwan mag-isa sa bahay ang kaniyang anak.
Inayos niya ang seatbelt ni Olivia. Busy ito sa pagkukulay ng isang paru-paro sa tablet nito. Hanggang sa gadget nito, hindi talaga mawawala ang pagkukulay. Nang masigurado niyang safe ang anak ay sumakay na rin siya sa driver’s seat.
***
Ipinarada ni Oliver ang sasakyan sa parking lot ng pinakamalapit na mall.
“Come on, Olivia. We’re here.” Inilagay ng anak niya ang tablet nito sa loob ng dala nitong kulay pink na bag. Magkahawak kamay silang pumasok sa mall. “Where do you want to go first?” Nakangiting tanong niya rito.
“The arcade!” masayang sagot ng kaniyang anak.
“The arcade it is.”
Halos isa’t kalahating oras ang nailaan nila sa arcade. Bumili siya ng maraming token at siniguradong bawat laro ay masusubukan nilang dalawa ni Olivia. Kahit pa karaoke. Nakailang kanta sila. At kahit pa puro Twinkle Twinkle Little Star at Baa Baa Black Sheep ang kinanta ng anak niya ay proud na proud niya iyong kinuhaan ng video. Karamihan sa mga nasubukan nilang laro ay puro talo at halos wala silang naipon na ticket. Sa huli ay isang ballpen lamang ang naipalit nila sa kakaunting ticket na kanilang naipon. Kulay pastel blue iyon at may cute na dinosaur sa dulo na may hugis kalabasang sombrero.
“Are you happy?” tanong niya. Kasalukuyan silang palakad-lakad sa mall at naghahanap ng restaurant na makakainan.
“Yes, Daddy. I am very happy. Look at this guy. He’s cute, isn’t he?” Ibinida nito sa kaniya ang nakuhang ballpen. “I like his hat. I would like to have a hat like his.”
“Oh, you do? Then we are going to find one for you.”
“Really, Daddy?” Namimilog ang mga mata na tanong nito.
Nakangiti siyang sumagot. “Really.”
“Yey! That would be very awesome!”
“An awesome hat for my awesome angel. But we should eat first. I’m starving.” Talagang nagutom siya dahil sa tagal nila sa arcade.
“Me, too. I’m hungry," sabi ng kaniyang anak na tinapik-tapik pa ang tiyan nito.
Agad silang pumasok sa Japanese restaurant na nakita. Maganda at maaliwalas ang ambience ng restaurant. Hugis kuwadrado ang mga kulay tsokolateng mesa. Mababa ang mga iyon at ang mga upuan ay malalambot na unan na nasa sahig. Sa ibabaw ng mesa ay may maliit na flower vase na may nakalagay na mga synthetic na sakura. May iba’t ibang painting sa dingding, at may mga maliliit na halaman nakasabit sa ceiling ng restaurant. Hindi karamihan ang mga customer sa oras na iyon. May isang grupo pa ng mga estudyante na kinukuhaan ng larawan ang mga pagkain sa mesa. Halatang natutuwa rin ang kaniyang anak. Inilabas nito ang tablet nito at kinuhaan ng picture ang iba’t ibang sulok ng restaurant.
“That’s nice,” puri niya sa mga magagandang kuha nito ng larawan.
“I want to draw and paint them later, Daddy,” sabi nito habang nakatitig rin sa mga larawan.
“Oh really? Isasabit natin sa pader ang mga paintings mo.” Olivia never painted on a canvass before. Palagi lamang krayola, drawing book at coloring book ang gamit nito.
“But I don’t have the materials yet.”
“Then we’re going to the bookstore and some for you.”
“Talaga, Daddy? You’re the best!” Masayang niyakap siya ng anak. It was a heart-warming hug. Niyakap din niya ito pabalik.
“Anything for you, anak. Come on. Let’s find a table.”
Nag-order siya ng marami kahit dadalawa lamang sila. Napuno ng iba’t ibang putaheng hapones ang kanilang mesa. Tila nagningning ang mga mata nila pareho ni Olivia. It is like a food bonanza after eating ready-made meals these few days.
Busog na busog sila pareho. Inabutan ni Oliver ng isang basong tubig ang anak. Ngunit tulala ito at hindi napansin ang baso ng tubig na inaabot niya. Tagusan ang tingin, at may tinitingnan na kung ano. Unti-unti siyang napatingin sa direksyon na tinitingnan nito. Isang buong pamilya iyon na kumakain habang nagtatawanan. Nakaupo ang mga ito paikot sa isang mesa hindi kalayuan sa kanila. Napabuntong-hininga siya. Ngayon alam na niya kung bakit nawala sa pokus ang anak.
“Hey, Via,” inagaw niya ang atensiyon nito. Nagtagumpay naman siya. Inabot nito ang baso ng tubig at uminom doon.
“Daddy? Why can’t Mommy join us in our lunch?” Punung-puno ng kuryosidad ang mukha nito.
“I told you before, angel. Your mom is really busy. Honey, kung puwede lang na palagi mo s’ya makasama kumain, ginawa na natin.”
“Then can you just call her to join us now?”
“I…” he paused. “I don’t have her contact number, sweety. I’m sorry.”
“Don’t be sorry, Daddy. I know it, I saw it on T.V. You and mom aren’t together anymore, right?”
Natigilan siya sa sinabi ng anak. Hindi niya malaman kung ano ang isasagot doon. “Y-yes.”
“Then can you just give me a new mom?” Mas lalo pa siyang napamaang sa tanong nito. “Don’t you have a girlfriend?”
Kumunot ang kaniyang noo. “Hey, where did you learn that word?” Ngayon lamang niya narinig na nagsalita nang ganoon ang anak.
“Granny Letty told me the word nobya. Daddy, don’t you have a nobya? I’m sure you have because Granny told me that you are popular with girls.” Agad na pumasok sa kaniyang isip ang mga babaeng naka-fling noon. Syempre, sinubukan rin naman niyang pumasok sa relasyon noon. Dahil gusto nga niyang lumaki si Olivia na may makagisnang ina. But all of them failed. All of them don’t want Olivia. Siguro ay talagang natatapat siya sa mga babaeng hindi pa handang maging ina.
Kahit nga ang kaibigan niyang si Faith ay sinubukan niyang ligawan noon, but she rejected him. Mabuti nga iyon upang hindi masira ang pagkakaibigan nila. Eventually, he realized that he was more desperate of getting Olivia a mother instead of getting himself a partner. Kaya naman tinigilan na niya ang muling pagsubok na makahanap muli ng karelasyon.
“Kung anu-ano ang itinuturo saiyo ng Granny Letty mo ah. And no, I don’t have one. Why? Do you want me to have one?”
Umangat-angat ang dalawang kilay nito na ikinatawa niya. “Yes, so I can have a mommy.”
“Kapag nagkaroon ako ng nobya, magkakaroon ka na rin ng kahati sa atensiyon ko, gusto mo ba iyon?”
Nag-thumbs-up ito. At sa magkabilang mga kamay pa! “It’s okay. I’m sure, sa akin naman niya ibibigay lahat ng atensiyon once I became her daughter. Kaya sige na, mag-nobya ka na.”
Mas lalo siyang natawa sa sinabi nito. “Sure, sure. I’ll get one for you.” He said it as if he can just get one from the side of the road. “Tama na nga iyan, pinagloloko mo na ako e. Pumunta na tayo sa bookstore.” Tumawag siya ng waiter at binayaran ang bill nila. Ilang beses pa sila nag-picture nang magkasama bago tuluyang lumabas mula sa restaurant.
Magkahawak ang kanilang mga kamay habang naglalakad papunta sa isang sikat na bookstore na nagbebenta rin ng mga art supplies. Nasa malayo pa lamang sila ay namilog na ang mga mata ni Olivia nang makita ang bookstore.
Binitawan nito ang kaniyang kamay at nagpatiuna sa paglalakad. Palundag-lundag pa ito at hindi maitago ang excitement. Hindi rin niya maialis ang ngiti habang nakatingin dito. “Be careful, anak! Baka madapa ka!”
At nadapa nga ito. “Olivia!” Mahina siyang napamura. Nagulat sa nangyari. Ngunit bago pa man siya makatakbo patungo sa anak ay isang babae ang nagtayo rito. Nakauniporme ito na tulad ng mga janitor sa mall at naka-side view kaya hindi niya mamukhaan. Pinagpagan pa nito ang suot na bestida ni Olivia. Nakaupo ito sa harap ng kaniyang nakatayo namang anak.
“Ayos ka lang ba?” Narinig niyang tanong ng babae nang makalapit siya.
“Opo,” sagot naman ng kaniyang anak.
“Mag-iingat ka na sa susunod ha? Madulas kasi ang tiles nitong mall.”
“Opo.”
“Olivia? Are you okay? Wala bang masakit saiyo?” Nag-aalalang tanong niya. “Ang tuhod mo?”
“Okay lang po ako, Daddy," muling sagot ni Via.
“Mabuti naman.” Nakahinga siya nang maluwag. Magpapasalamat sana siya sa babae ngunit paglingon niya ay naglalakad na ito palayo bitbit ang mga panlinis nito.
“She is so pretty, Daddy.” Narinig niyang sabi ng kaniyang anak na nakatingin rin pala sa papalayong babae.
Napatitig na lamang siya sa papalayong bulto ng babaeng tumulong sa kaniyang anak. Hindi niya lubos maisip kung bakit nakatayo pa rin siya roon at hindi maialis ang mga mata rito. Hanggang sa mawala ang babae sa kaniyang paningin, doon lamang siya tila natauhan.
"Hey," lumuhod siya sa harap ng anak. "Are you sure you're okay?" Dahil nag-iisang anak, madalas talaga ay over-protective siya rito. He checked her once again.
"Okay lang po talaga, Daddy." Natatawang sabi ng kaniyang anak. Malamang ay tinatawanan nito ang pagiging OA niya. He can't help it though. Minsan lang naman kasi niya ito makasama dahil sa pagiging abala sa trabaho.
"Okay. Mag-iingat ka na sa susunod." Pagkatapos, niyaya na niya ito papasok sa bookstore.