FOUR

2000 Words
Maingat na ibinaba ni Oliver ang anak sa kama nito. Nakatulog na ito at lahat-lahat ngunit yakap pa rin nito ang maliit nitong bag na naglalaman ng pinakamamahal nitong drawing tablet. Girls her age should be embracing their stuff toys and all, but his daughter is different. Espesyal talaga ang anak niya. Hinubad niya ang mga sapatos nito at hindi na ito inabalang palitan pa ng damit. Baka maputol lamang ang tulog nito kapag ginawa niya iyon. Unti-unti ay kinuha niya mula sa maliliit nitong braso ang bag nito at ipinatong iyon sa mesa nito sa hindi kalayuan kasama ang mga bagong art materials na binili nila kanina. Tuwang-tuwa ito sa mga bagong gamit nito pampinta. Sa sobrang tuwa nga nito ay nakatulugan na lamang nito sa sasakyan ang pagkukwento nito ng mga balak nitong ipinta. Mabuti na lang talaga at kumain na sila ng hapunan bago umuwi. Madilim na rin kasi noong makaalis sila sa mall. Inayos rin niya ang hinubad niyang sapatos ng anak. Itinabi niya iyon sa ilalim ng kama nito kasama ng iba pa nitong mga sapatos. Doon niya nakita ang isang maliit na kahon sa pinakasulok. Agad na kumunot ang kaniyang noo. He had never seen that box before. Inabot niya iyon at nakitang isa iyong lumang lagayan ng sapatos na ginuhitan ng mga bulaklak na iba-iba ang hitsura at hugis. He's pretty sure that his daughter made it. Naupo siya sa sahig at isinandal ang kaniyang likod sa gilid ng kama. Natigilan siya nang makita kung ano ang laman niyon. Iyon ang luma nilang wedding picture ni Veron. Akala niya ay na-dispose na niya ang lahat ng kanilang mga larawan. May naiwan pa rin pala. Hindi lamang iyon, may ilang papel roon na may sulat kamay ng kaniyang anak. 'Where do mommies come from? I want to buy a new one.' 'Daddy always tell me that my Mommy is busy. But I know the truth. Mommy has her new family. It's okay though. Daddy can always find a new one for me.' 'I learned from Granny Letty that a nobya is someone who can be Daddies' intimate companion. I hope Daddy can find himself a nobya.' 'Is it hard to find a nobya? Should I help him?' Parang kinurot ang puso niya sa mga nabasa. Concern na concern sa kaniya ang kaniyang anak. Kahit ilan sa mga salita nito ay mali ang spelling, at kulang ng ilang letra. Tulad na lamang truth na kulang ng 'h', should na kulang ng 'l', at though na kulang naman ng 'g.' Binasa niya ang lahat ng mga naroroon, hanggang sa narating niya ang pinakadulo niyon. Isa iyong larawan ng kanilang telebisyon, partikular na ang mukha ni Veron rumarampa sa runway. Kinuhanan iyon gamit ang polaroid, at baba niyon may nakasulat na 'Hope you're happy.' Humigpit ang hawak niya sa larawang iyon. Kulang na nga lamang ay mapunit iyon sa kaniyang kamay. Hindi niya napansin na tumutulo na pala ang luha niya. Napatingala siya upang subukang pigilin ang mga iyon. But he ended up crying even more... Silently... Nayakap niya ang mga tuhod. Veron just doesn't deserve Olivia. Dahil sa mga nabasa niya ngayon, tila mas lumawak pa ang galit na nararamdaman niya kay Veron. Iyon ang galit na kahit ilang ulit niyang ibaon, lalabas at lalabas pa rin. Maybe, there are things that we can try to forgive, but we can't really forget. Especially when our loved ones are at stake. Hinding-hindi niya mapapatawad si Veron sa ginawa nitong pang-iiwan sa kanila ni Olivia. Humigit siya ng malalim na paghinga bago inayos ang laman ng kahon, at ibinalik iyon sa kung saan iyon nakalagay kanina. Binigyan niya ng halik ang noo ng anak bago inayos ang kumot nito at lumabas na mula sa silid na iyon. Nang makarating siya sa sarili niyang kuwarto ay inilabas niya ang cellphone mula sa bulsa. Doon lamang niya nakita ang ilang missed call na natanggap niya mula kay Dona, pati na rin sa Employment Agency na tumutulong sa kaniya na makakuha ng bagong katulong. Kumunot ang kaniyang noo. Tatawagan na sana niya si Dona ngunit naunahan na siya ng kaibigan. Tumunog ang cellphone niyang hawak, at pangalan ng kaibigan ang nakarehistro roon. Kaya naman mabilis din niyang sinagot ang tawag nito. "Oliver!" Malakas na bungad sa kaniya ni pagkasagot na pagkasagot niya ng tawag. Muntik na niyang mailayo ang cellphone mula sa tenga dahil sa malakas na boses ng kaibigan. "Dona, tone it down, will you? Gabi na pero ang lakas pa din ng boses mo," sabi niya bago naupo sa gilid ng kama. "Bakit ba, e sa punung-puno ako ng energy e. Tsaka bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko? Kanina pa ako tumatawag ah," tuloy-tuloy na reklamo sa kaniya ni Dona. "I went outside. With Via. Naka-silent ang phone ko at kauuwi lang namin. Why?" "Well, my friend from RLD called me. Hindi ka raw kasi sumasagot sa mga tawag nila. They just want to inform you that the new employee will be up for the job the day after tomorrow. Gusto nilang malaman kung gusto mo bang i-meet muna siya sa Agency o padidiretsuhin na nila riyan sa bahay mo. If ever you'll choose the second one, ihahatid nila siya riyan sa address mo." Lumalim ang gatla sa noo niya. "I thought next week pa?" "Ayaw mo niyon? Hindi ba't mas maaga kang magkaroon ng bagong katulong, mas okay? At least hindi mo na kailangan mag-leave sa trabaho. Actually, dadaan ako sa agency bukas, gusto mo ba ako na lang ang kumausap sa kanila?" Yeah, tama ang kaniyang kaibigan. Mas okay kung darating agad ang magiging bago nilang kasambahay. Mababawasan na ang pag-aalala niya sa anak dahil may magbabantay na rito. "Would you? Please? I need to be with Via for the rest of the day. I promised to be the subject of her first painting e." Nasa sasakyan pa lamang ay talagang kinukulit na siya ng anak doon. Mukhang kailangan niyang mag-ala-estatwa bukas, mapasaya lamang ang anak. "Sure. No problem, Oli. Just enjoy your day with your daughter. Tutal, ngayon lang naman kayo nagkaroon ng bonding time. Palagi ka kasing busy." Narinig niya ang saglit na pagnguya ni Dona mula sa kabilang linya. Mukhang bago pa lamang ito kumakain ng hapunan. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. "Thanks, Dona. Really. I owe you this one." "Really? You owe me this one?" Lumabas ang excitement sa boses nito, at agad siyang nagsisi sa kaniyang sinabi. Naitikom niya ang bibig. He just blurted it out, at gusto yata niya iyong pagsisihan. Kilala kasi niya si Dona. Sa tuwing nagkakaroon siya ng utang na loob dito ay kung anu-anong kabaliwan ang ipinagagawa nito sa kaniya. Tulad na lamang noong isang beses na nagpatulong siya rito, pinagsayaw lang naman siya ng kaibigan suot ang dress nito. Hindi lamang iyon, vinideohan pa siya nito para daw may remembrance ito at may mapapanood sakaling bored ito. Hanggang ngayon, buhay pa rin ang video na iyon at ginagamit pa nitong pang-blackmail sa kaniya kapag may gusto itong ipagawa sa kaniya. Napailing-iling na lamang siya. Mukhang madadagdagan pa yata ang pang-blackmail nito sa kaniya. "Oli, you said you owe me this one!" Pag-uulit nito. "Nope," agad naman na pagbawi niya. "Hoy, anong nope-nope ang sinasabi mo dyan. Dinig na dinig kong sinabi mo." He could imagine her making an annoyed face. "No, I did not," pagmamaang-maangan niya. "Bwisit ka talaga," pumalatak ito na tinawanan lamang niya. "O siya sige na, ba-bye na. I'll see you soon. Good night, Oli. And don't forget!" Pahabol pa nito. "You owe me this one." "Oo na, oo na." Natatawa niyang sabi. "Good night din, Dona. Thanks again." Doon na natapos ang kanilang tawag. Sinaksak niya sa charger ang kaniyang cellphone bago pumasok sa banyo at nag-quick bath. So the day after tomorrow, he will meet this Ashley Corazon. Natigilan siya. He clutched his chest. What the hell is wrong with him? What the hell is wrong with his heart? Mukhang may sakit na yata siya at bigla-biglang bumibilis ang pintig ng puso niya. Should he see a doctor? Pinilig niya ang ulo upang alisin ang kung anu-anong mga ideyang pumapasok sa kaniyang isip. *** Earlier. "Buti ka pa, may malilipatan ka na kaagad." Napatigil si Ashley sa pagnguya ng kinakain niyang sandwich. Napatigin siya kay Tori na nakaupo lamang sa kaniyang tabi. Malungkot ang ekspresyon nito. "Ako kaya? Kailan makakahanap ng bagong trabaho?" Tinapik-tapik niya ang likod ng kaniyang kaibigan. "Malapit na iyan," may ngiti niyang sabi. "Habang wala pa, e di tulungan mo muna sina Tiya Panying sa pagde-deliver ng prutas," tukoy niya sa ina nito. Napabuntong-hininga ito. "Pagod na pagod na rin ako kakaluwas ah," reklamo nito. Matagal na silang magkaibigan ni Tori. Parehas kasi silang nakatira sa liblib na barrio na kung tawagin ay Barrio Vicenzo. Para na rin silang magkapatid. Ang mga magulang kasi nito ang kumupkop sa kaniya nang magkasunod na mamatay ang mga magulang niya dahil sa sakit. May maliit na parte ng lupain ang Tiya Panying niya na tinatamnan ng mga ito ng prutas at gulay. Iyon ang idine-deliver ng kaniyang kaibigan sa ilang restaurant na umoorder niyon. Dati ay magkasa-kasama pa silang lumuluwas para maihatid ang mga iyon. Ngunit nang pinalad siya na matanggap sa trabaho sa mall na iyon, ay paminsan-minsan na lamang siya nakakauwi sa barrio. May apat na buwan na rin siyang nagtratrabaho bilang janitress doon bago siya nag-apply bilang isang katulong. Hindi naman siya naghahangad ng isang napakagandang trabaho. Wala naman kasi siyang natapos dahil sa hirap ng buhay sa kanilang barrio. Liblib kasi iyon at tatlong oras na lakaran ang eskwelahan mula sa kanila. Mapalad na nga siya na nakatuntong siya sa ikalawang taon ng high school, at mas mapalad siya ngayon na mayroon pa rin siyang marangal na trabaho. Tumayo na si Tori bitbit ang beltbag nito na pinaglalagyan nito ng pera. Inayos nito ang medyo nagusot na t-shirt. "Aalis ka na?" Tanong niya. "Kakadating mo lang ah?" "Kailangan ko na umuwi. Alam mo naman na napakalayo ng barrio. Baka gabihin ako. Tsaka alam mong may saltik palagi iyong si Mirabela ko. Minsan-minsan bigla na lang namamatay ang makina," ang tinutukoy nito ay ang luma nang owner ng pamilya nito na siyang minamaneho ni Tori patungo sa Maynila. Iyon ang ginagamit nitong pang deliver. "Mukhang matatagalan uli bago tayo magkita." "Oo, kaya huwag mo pa ring kakalimutang umuwi kahit isang beses sa isang buwan ah. Alam mo namang nag-aalala rin sina Nanay sa iyo. Tumawag ka din," paalala nito bago tinapik-tapik ang balikat niya. Mabilis niyang inubos ang sandwich niya, at itinapon ang balat niyon sa hatak-hatak niyang trashbin. Hinatid niya hanggang sa may pintuan ng mall si Tori, bago hinatak muli ang trolley ng mga gamit niya pang linis. Tapos na ang break time niya at kailangan na niyang bumalik sa trabaho. Muntik na siyang mapaigtad nang mula sa hindi kalayuan ay nadapa ang isang batang babae. Papasok pa lamang sana ito sa isa sa mga store nang masubsob ito. Tila gumana ang reflexes niya at nagmamadali itong pinuntahan. Tinulungan niyang makatayo ang batang babae. Halos kasing edad lamang ito ni Lala, iyong paborito niyang bata rin sa kanilang barrio. "Ayos ka lang ba?" May pag-aalalang tanong niya at pinagpagan ang bestida nito. "Opo," magalang naman na sagot nito. "Mag-iingat ka na sa susunod ha? Madulas kasi itong tiles ng mall," paalala niya. "Opo," muling sagot nito at binigyan siya ng ngiti. Natuwa siya sa maliliit nitong ngipin kaya naman sinuklian rin niya iyon ng ngiti. Pinigilan niya ang sarili na pisilin ang pisngi nito at manggigil. Isang lalaki ang nakita niya papalapit sa direksyon nila. Mukhang ito ang ama ng bata. Kaya naman tumayo na siya at hinatak papalayo ang mga gamit niya pang linis. "Diyan ka na ha? Huwag na uli tatakbo." Bulong niya na sunud-sunod naman nitong sinagot ng pagtango. "Thank you po." "Walang anuman," Kinindatan pa niya ito bago tuluyang naglakad palayo hatak-hatak ang mga gamit niya na panlinis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD