"Ate Ashley! It's starting na, bilis." Nagmamadaling isinalin ni Ashley ang popcorn sa isang malaking mangkok nang marinig ang patawag na iyon ni Olivia. Pinahaba pa nito ang pagsabi sa huli nitong salita. "Saglit lang, papunta na, Via— Ow!" Sa sobrang pagmamadali niya ay nakalimutan niyang mainit nga pala ang ginamit niya pangluto sa popcorn. Lumikha tuloy ng ingay ang naibagsak niyang pan sa lababo. Agad niyang itinapat sa gripo ang napasong palad. She hissed after she instantly felt a sting on her palm. Sana naman ay hindi iyon magpaltos. "Ate Ashley? Are you okay? I heard something." Narinig niyang malakas na tanong ni Via mula sa sala. Malamang ay narinig nito ang malakas na tunog ng pagtama ng pan sa stainless steel na lababo. "Oo, okay lang ako! Naibagsak ko lang yung kawali

