Dahil kay Via, lahat ng pagsusungit sa kaniya ni Sir Oliver ay natitiis niya. Mag-iisang linggo pa lamang magmula nag magsimula siyang magtrabaho ngunit hindi mabilang na angil, sigaw at sama ng tingin na ang nakuha niya mula sa amo niyang lalaki. Para bang palaging kumukulo ang dugo nito makita lamang kahit hibla ng buhok niya. At sa totoo lamang, nalulungkot siya roon. Hindi niya maintindihan kung bakit, basta sa bawat pag-angil nito, nalulungkot siya. Pakiramdam niya, may mali sa lahat ng ginagawa niya. Kahit na sigurado naman siyang wala. Nagkakaroon na yata siya ng anxiety dahil sa amo niya. Hays. Kung bakit ba kasi tila pinaglihi sa sama ng loob ang amo niya at siya yata ang napagbubuntungan ngayon. Ang gusto lamang naman niya ay maging maganda ng pagtrato nito sa kaniya. Kaya nga

