“Hoy!! Gumising na kayo! anong oras na. Marami pa kayong gagawin! gumising na kayo!!” Tumayo naman ako, dahil sa sigaw ni ate Nida. Ang isa sa mga nagbabantay sa amin dito sa ampunan.
“Ikaw Margie, simula ng mawala dito si Carla nagiging tamad kana rin kagaya nila!” sigaw pa nitong sabi sa akin.
“Pasensya ka na po ate Nida,matagal po kasi kaming nakatulog kaga-." hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng bigla lamang akong sikuhin ni Anne.
“At ano na naman ba ang kalokohan ang mga pinaggagawa niyo! Nako kayo talagang mga bata kayo, magtino na kayo para naman may magka gustong bumili sa inyo. Lalo kana Margie, ikaw nalang yata ang natitira dito sa mga kasabayan mo?” Nakayuko lang ako habang nakikinig sa kanya, dahil nahiya talaga ako, dahil tama naman siya.
“Pasensya kana ate Nida,baka w-wala pa po talagang nagka gustong bilhin ako,” mahina ko namang sagot sa kanya.
“Dapat kasi magsipag ka. Kagaya nila Amy at Carla.” dagdag niya pang sabi sa akin.
“O-opo,”
“O ano pang hinihintay niyo diyan? kumilos na kayo, at papaliguan niyo pa iyong mga sanggol, at ang ibang mga bata dito.”
“Opo ate Nida,” sabay naming sagot sa kanya.
“Siguro hindi ka nakatulog, dahil doon sa pinakita ko sa iyo no?” asar naman ni Anne sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin at tumawa lamang ito. Ang dami pala nilang kalokohang ginagawa dito.
“Sasama ka pa rin ba sa amin mamaya Margie?”
“Bakit babalik pa ba ulit kayo mamaya doon?” gulat ko namang sagot sa kanya.
“Oo, ano ka ba gabi-gabi kami nandoon sa opisina, para nga kaming nag oopisina sa gabi doon eh,” dagdag niya pa sabay tawa.
“Ang dami niyo talagang kalokohan,” Napailing ko namang sagot sa kanya.
“Gusto mo rin naman,” Napangiti nalang ako sa sagot sa akin ni Anne.
Pagkatapos naming paliguan ang mga bata ay pumunta na kami sa kusina, para pumila sa aming pagkain. Gutom na rin ako dahil maraming bata ang pinapaliguan ko.
“O bilisan niyo na, pumila na kayo ng maayos para makuha niyo na ang kape at tinapay niyo!” sigaw naman ng nakabantay sa kusina, mabilis naman akong pumila dahil baka maubusan ako at sa tanghalian pa kami makakakain ulit.
“Margie kunin nalang kaya natin iyong magazine, para lagi natin iyong makita,” mahinang bulong sa akin ni Anne,
“Ano ka ba Anne, kapag mahuli tayo malalagot tayo.”
“Wag kang mag alala, hindi naman yata nila mapapansin iyon.”
“Wag na Anne, baka mapalo pa tayo,” sagot ko naman kay Anne, takot rin kasi ako baka mahuli kami ng mga bantay namin at mapapalo kami.
Inabot sa akin ang isang tasang may lamang kape at tipay, kaya naghahanap na ako ng upuan. Sumunod naman sa akin si Anne at panay kwento lang ito sa mga lalaking nakikita namin doon sa magazine. Mga babae lang kasi ang nandito sa ampunan hindi sila tumatanggap ng lalaki.
Ng matapos na kami sa aming almusal, ay nagsimula na kaming maglinis sa kanya-kanya naming pwesto.
Hindi ko na nakita si Anne, dahil siguro nandoon na naman siya malapit sa opisina ni ma’am Lila.
“Gusto ko na rin ang mag office office doon ah,” sabi ko sa sarili habang nakangiti.
“Margie tara na pumunta na tayo doon sa opisina ni ma’am Lila,”
“Maaga pa Anne, baka naman mahuli tayo ng mga bantay,” tanggi ko naman sa kanya, dahil alas nuwebe palang ng gabi.
“Wag kang mag alala, tulog na rin iyong mga iyon Margie kaya halika na,” pamimilit naman niya sa akin.
“Sige na nga,” ani ko sa kanya sabay sunod dito.
Tuwang-tuwa kami ng makapasok na kami sa opisina ni ma’am Lila, para akong may ari nakaupo sa upuan ni ma’am Lila habang si Anne ay nasa sofa.
Nagbabasa naman ako sa mga papel na nakalagay sa misa ni ma’am Lila.
Lumapit naman si Anne sa akin at ipinakita ang isang litrato sa magazine.
“Tingnan mo to Margie o, sobrang yaman ng lalaking ito at ang gwapo pa,” Turo niya sa akin ng magazine na hawak niya.
“Ito pa o,nakalagay ang kanyang pangalan dito. Liam Jung, ang gwapo niya Margie diba?” Napatango naman ako sa kanya, dahil ang gwapo nga nito at mukha pang astig, ganyan ang lagi kung naririnig sa ibang mga kasamahan namin dito sa ampunan.
“Kapag ito ang bibili sa akin, magpapakabait talaga ako,” sabi pa ni Anne.
“Kahit naman ako Anne, magpapakabait rin ako, kaso baka hindi siya mahilig bumili ng alipin.”
“Malay mo naman, maligaw siya dito diba?” Umiling nalang ako kay Anne.
“O ito sayo nalang,” Nagulat naman ako ng punitin niya ang litrato ni Liam at binigay sa akin.
“Anong ginawa mo? Baka malaman ito ni ma’am Lila at mapaparusahan tayo."
“Wag kang mag-alala, hindi naman nila mahahalata ito eh,”
“Ikaw talaga bahala ka nga,”
“O kunin mo na ito, basta itong isa ay sa akin ito,”
Inabot ko naman ang pinunit niyang litrato at nakatitig ako dito, dahil ang gwapo talaga ni Liam at mukha pa siyang astig. Napangiti naman ako at itinago ito sa aking gilid.
Nagpasya na kaming lumabas upang matulog na, masaya talaga ako at nakasama ako kay Anne sa opisina ni ma'am Lila.
Nagulat ako ng sa pagpasok namin ay nakatayo si ate Nida. Kinakabahan ako habang papalapit kami sa kanya.
“Saan kayo galing?”
“P-po,” sagot ko naman sa kanya.
“Nagbanyo lang po kami ate, sinamahan lang po ako ni Margie,” sagot naman ni Anne sa kanya.
“Totoo ba Margie?”
“O-opo ate Nida,” mahina kung sagot sa kanya.
“O ano pang hinihintay niyo? matulog na kayo at wag na kayong lumabas. Kapag nakita ko pa kayo lagot talaga kayong dalawa sa akin.”
“Opo ate Nida,” sabay naming sagot ni Anne sa kanya.
Maaga akong nagising upang mag ayos ng sarili, naalala ko naman ang litrato ni Liam kaya kinuha ko ito.
“Magandang umaga sayo gwapo, ang astig mo talaga,” napangiti ako habang kinausap ang litrato niya.
“Hindi naman yan sasagot sayo,” Natatawa namang sabi sa akin ni Anne.
“Eh ano naman, basta binati ko siya.” Ngiti ko pang sagot sa kanya.
“Anne bilisan mo diyan, pinapunta ka ni ma’am Lila sa opisina niya!” sigaw naman ni ate Nida bigla naman akong kinabahan baka nalaman nila na pumasok kami sa opisina ni ma'am Lila.
“O-opo ate!” Napalingon ako ng sumagot sa kanya si Anne at halatang kinakabahan rin ito katulad ko.
“Anne baka nalaman nila na pumasok tayo doon?” sabi ko kay Anne.
“Wag kang mag-alala hindi nila malalaman iyon, basta wag ka lang rin umamin ha?”
“O-oo Anne.”
“Sige aalis na ako,” Tumango lang ako kay Anne, sana hindi kami nahuli lagot talaga kami.