Chapter 2
"Margie!!” sigaw ni Anne sa akin habang tumatakbo.
“Bakit Anne? anong nangyari sayo?” tanong ko sa kanya.
“May bumili na sa akin Margie,” Tumalon naman siya habang sinabi ito sa akin.
Bigla naman akong nalungkot. Mabuti pa siya makakaalis na rin dito.
“M-masaya ako para sayo Anne,” ngiti ko sa kanya habang pinipigilan ang aking luha na bumagsak.
“Salamat Margie, mag-ingat ka dito ha,” sabi niya sa akin sabay yakap, niyakap ko rin siya at pinunasan ang aking luha.
“Oo naman, magpapakabait ka doon ha!” ngiting sabi ko sa kanya, habang naglandas ang aking mga luha.
“Bakit ka umiiyak?” takang tanong niya sa akin.
“K-kasi iniwan niyo na ako dito eh,” iyak ko namang sagot sa kanya.
“Wag kang mag-alala Margie, makakaalis ka rin dito,” tumango ako sa kanya habang umiiyak pa rin.
“O sige na aalis na ako ha, Hinihintay na kasi ako ng amo ko sa baba pumunta lang ako dito para magpaalam saiyo.”
“Oo Anne mag-ingat ka doon ha,” sagot ko sa kanya at tumango naman siya sabay talikod sa akin.
Hindi ko mapigilan ang aking mga luha at humihikbi na ako.
“Bakit kaya wala man lang nagka-gustong maging alipin nila ako, masipag naman ako,” sabi ko sa aking sarili.
Tulog na ang iba kung mga kasamahan at ako naman ay napatingin lang sa litrato ni Liam.
“Alam mo ang lungkot-lungkot ko ngayon, kasi wala na akong kaibigan dito, lahat sila nakaalis na at ako nalang ang naiiwan,” kinakausap ko ito habang naglalandas ang aking mga luha.
Bigla naman akong bumangon at nagpasya ng lumabas. Hindi ko napapansin na nakarating na pala ako sa opisina ni Ma’am Lila, lumawak naman ang aking ngiti ng mapansing nakabukas ang pintuan.
“Siguro nakalimutan nilang I kandato ang pinto.” sabi ko sa aking sarili habang napapangiti.
Mabilis kong binuksan ang pinto at pumasok na, naalala ko naman si Anne "Kung nandito lang sana iyon,” sabi ko sa aking sarili.
Umupo agad ako sa upuan ni ma’am Lila na may gulong at pinaikot ito.
“So Mr. Jung what do you want?” tanong ko sa aking harapan habang kunwari ay kausap ko si Liam. Bigla naman akong napapangiti.
“You want to buy me, okay buy me now!” sabi ko ulit at tumawa na, ang galing ko palang mag English,”
Binasa ko naman ulit iyong mga papel na nasa mesa ni ma’am Lila, kahit hindi ko ito maintindihan. Ngunit nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at nakatayo doon si ma’am Lila at ate Nida.
“Anong ginagawa mo dito na babae ka?” sigaw ni ma’am Lila sa akin.
“P-po,” nauutal kong sagot sa kanya ng bigla siyang lumapit sa akin at hinablot ang aking buhok.
“Kailan ka pa nakakapasok dito sa opisina ko?!!!” Sigaw ulit ni ma’am Lila habang sinampal niya ako.
“Pasensya na po kayo ma’am Lila,” iyak kong paghingi ng tawad sa kanya.
“Ang kapal naman ng mukha mo? pagkatapos kitang kupkupin dito? ganito pa ang igaganti mo sa akin? Ang pag-nakawan ako?”
“H-hindi po ako nag nanakaw ma’am Lila, umupo lang po ako dito,” sagot ko sa kanya habang hawak parin nito ang aking buhok.
“Nagsisinungaling ka pa! kaya pala marami ang nawawala dito. Dahil ikaw pala ang pumasok dito!” sigaw pa ni ma’am Lila sa akin habang nanlilisik ang kanyang mga mata.
“Nasaan ang mga ninakaw mo ilabas mo na?”
“W-wala po ma’am wala po akong ninanakaw,” pagmamakaawa ko pa kay ma’am Lila.
“Nida! parusahan mo ang babaeng ito at wag na wag mong pakainin hanggat hindi binabalik ang kanyang mga ninanakaw dito!” Utos ni ma’am Lila kay ate Nida habang tinulak ako papunta dito.
“Ate Nida wala po talaga akong ninanakaw maniwala po kayo,”
“Tumigil ka Margie napaka sinungaling mo talaga!” Sabay palo niya sa akin sa dala-dala niyang kahoy na pamalo sa namin. Hinampas niya ako ng ilang beses at kung saan-saang parte ng aking katawan ako natatamaan.
“T-tama na po, maawa na po kayo sa akin ate Nida, w-wala po talaga akong ninanakaw,” iyak kong pagmamakaawa sa kanya.
“Tumigil ka kung ako sayo ilabas mo na ang mga ninakaw mo?”
“W-wala nga po talaga akong ninana-. Ahhh!!” Sigaw ko ng hampasin niya pa ako ulit at kinaladkad.
Nakarating kami sa bodega at hinampas na naman ako ng ilang ulit ni ate Nida, hanggang sa nanghihina ako.
“Itong tatandaan mo Margie! hinding-hindi ka makakalabas dito hanggat hindi mo binabalik ang mga ninakaw mo! At wag na wag kang umasang papakainin ka namin!”
“Maniwala po kayo a-ate w-wala po talaga akong ahhh! Tama na po,” Halos nakasubsob na ako sa kahahampas sa akin ni ate Nida.
“Tumigil ka na sa mga kasinungalingan mo! at magdusa ka diyan hanggat sa umamin ka!” Sabay sipa niya sa akin at kinandado na ang pinto mas lalo naman akong nakaramdam ng takot dahil sobrang dilim dito sa loob ng bodega.
“Maawa ka na ate palabasin niyo po ako dito, ayoko po dito maawa na po kayo!!” iyak kong sigaw sa kanya.
“Diyan ka lang para mag-tanda ka at ibalik mo ang mga ninakaw mo!!” sigaw niya pang sagot sa akin habag naririnig ko siyang papalayo.
“Maawa na po kayo ayoko po dito ate,” iyak kong sabi kahit alam ko namang wala ng makakarinig sa akin.
Yumuko nalang ako habang panay ang aking pag iyak, hindi ako makatingin sa paligid dahil sobrang dilim dito at takot na takot na rin ako.
“Palabasin niyo na po ako dito parang awa niyo na ayoko dito maawa na kayo,” mahinang bulong ko habang humihikbi at hindi ko pinapansin ang sakit ng aking katawan na natatamaan kanina ng pamalo. Hanggang sa nakatulog na ako.
LILA POV
“O nasan na ang magaling na babaeng iyon?” tanong ko sa aking tauhan na si Nida ng dumating ako sa ampunan.
“Nandon pa rin po sa bodega ma’am,” sagot naman nito.
“Binalik na ba ang kanyang mga kinuha?”
“Hindi pa rin po ma’am hindi talaga umamin,”
“Wag mong bigyan iyon ng pagkain hanggat hindi niya binalik ang kanyang mga kinuha.”
“Opo ma’am,”
“Sige alis na,” sabi ko dito at agad naman itong umalis sa aking harapan.
"Ang babaeng iyon, kaya pala palaging may nawawala sa aking opisina dahil siya lang pala ang kumukuha dito malalagot talaga siya sa akin," sabi ko sa aking isipan.
Mas lalo pa akong naiinis sa babaeng iyon dahil hindi ko parin siya napapakinabangan.
Napatingin naman ako sa aking telepono ng tumunog ito at agad ko namang sinagot.
“Hello this is Angel’s Orphanage, can i help you,” sagot ko dito.
“Yes ma’am hello I’m Liam Jung and I want a slave,” sagot naman nito sa akin at agad naman akong nagulat dahil kilala ko ito isa ito sa mga sikat na bachelors sa bansa.
“Yes, Mr. Jung marami kang mapagpipilian dito,” sagot ko naman sa kanya habang may malawak na ngiti sa aking labi.
“I want the girl name Margie,” nagulat ako sa kanyang sinabi dahil hindi ko pa naipapakita sa kanya ang mga picture ng mga babaeng pagpipilian ay nabanggit na niya agad si Margie na aking ipinakulong sa bodega.
“Are you still there?” bigla naman akong natauhan ng marinig ulit ito na nagsalita.
“Yes sir you can buy her she’s still available,” sagot ko naman dito.
“Ok I will come there now and pay the amount,”
“Ok sir,” sagot ko dito at pinatay na niya ang kabilang linya.”
“Flora tawagin mo si Nida at ipalabas si Margie ngayon din!!” sigaw ko sa aking tauhan. Mapapakinabangan narin kita sa aking isip at may malawak na ngiti sa aking labi.