Chapter 3
LIAM POV
I really like Carla, the way she talk at ang ganda rin niya kung pwede ko lang sana siyang agawin kay Dom ay ginawa ko na, pero ayoko pang mamatay. Alam kong papatayin niya ako kapag ginawa ko yon. “Tsk,” napapangiti nalang ako sa aking isipan.
Gusto kong magkaroon ng kagaya kay Carla, kaya hindi talaga ako mapakali ng sabihin niyang may kaibigan pa siya sa ampunan at maganda rin katulad niya, kaya agad kong tinawagan si tita Thalia na mommy ni Dom para makahingi ng address doon sa ampunan. Ang dami ko pang ginawa na paglalambing kay tita para ibigay niya sa akin ang number ng ampunan. Agad ko itong tinawagan para makuha ko na iyong kaibigan ni Carla.
“Hello this is Angel’s Orphanage, can i help you,”
“Yes ma’am, hello I'm Liam Jung and I want a slave,” mabilis kong sagot sa kanya.
“Yes Mr. Jung, marami ka po na pagpipilian dito,” sagot niya sa akin.
“I want the girl name Margie.” sabi ko agad sa kanya. Nagtataka naman ako ng hindi na ito nagsasalita sa kabilang linya.
“Are you still there?”
“Yes sir, you can buy her she’s still available,” sagot naman nito na ikinangiti ko.
“Ok I will come there and pay the amount,”
“Ok sir,” sagot niya pa at pinatay ko agad ang tawag. Napapangiti naman ako.
“Yes i have a slave too, at alam kong katulad rin ito ni Carla,” tuwa ko pang sabi sa aking sarili.
Mabilis akong sumakay sa aking sasakyan at pinaandar agad ito, kailangan kong makarating kaagad sa Bulacan dahil nandoon ang ampunan.
After a hour ay nakarating ako dito. Malaki ang ampunan at tahimik lang hindi ito katulad sa ibang ampunan na aking nakikita na maingay at magulo ang mga bata.
Napansin ko agad ang isang guard na nakatayo at lumapit sa akin.
“Welcome to Angel’s home sir,” bati nito sa akin at tinanguan ko lang. I parked my car at lumabas na.
sumalubong naman sa akin ang isang babae na nasa kwarenta na siguro ang edad.
“Good afternoon Mr. Jung, this way sir,” Turo niya sa akin ng daan, habang nakangiti.
Napansin ko naman na halos lahat ng bantay ng ampunan ay babae, iyong guard lamang sa gate ang nag iisang lalaking nakita ko dito.
Nakarating kami sa isang pinto at agad niya itong binuksan.
“Ma’am Lila nandito na po si Mr. Jung,”
“O come in sir, have a sit please,” sabay lahad nito sa couch. Tumango naman ako sa kanya at umupo na.
“Flora, tawagin mo na si Nida at ipadala na dito si Margie,” sabi naman nito sa babae.
“Opo ma’am.
“What do you like to drink sir,” tanong niya sa akin habang nakangiti.
“It’s ok madame I don’t like to drink,” sagot ko naman dito.
Bigla namang bumukas ang pinto at agad na pumasok ang dalawang babae, parang nasa kwarenta na rin ang isang babae at ang kasama naman niya ay nakayuko lang ito.
“Margie, siya ang bumili sayo, bumati ka sa kanya,” sabi naman ng babaeng kausap ko. Bigla naman siyang nag angat ng mukha at tumitig sa akin, nagulat naman ako dahil may pasa pa siya sa mukha. Nagulat ako lalo ng bigla siyang ngumiti at agad na lumapit sa akin.
“Ikaw! Totoo ka Liam? I-ikaw ba talaga ito! di ba ako nananaginip?” tanong niya sa akin habang hinahawakan ang aking mukha.
Hindi naman ako nakasagot sa kanya dahil nagulat ako bakit niya ako kilala pati iyong pangalan ko.
“Magkakilala kayo?” tanong naman ng may-ari nitong ampunan sa amin.
“No, it's my first time seeing her?” takang sagot ko naman dito.
“Margie bakit mo siya kilala?”
“P-po, nakita ko na po siya ma’am Lila sa litrato,” sagot nito nagulat naman ako ng bigla itong sampalin ng ma’am niya.
“Kalian ka pa nakakakita ng larawan ng lalaki?” tanong niya dito at hinila ang kanyang braso.
“Excuse me, can you stop hurting her.” sabi ko dito at agad naman niya itong binitawan.
“Pasensya ka na sir, makulit kasi ito at magnanakaw pa,” Napatingin naman ako kay Margie na yumuko at humawak sa kanyang braso.
“Pwede ko na ba siyang dalhin?” tanong ko dito.
“Yes sir, ikaw na ang bahala sa kanya, sayong sayo na siya,” sagot naman niya sa akin at agad ko ng hinila si Margie palabas. Napapansin ko pa rin ang kanyang pagtitig sa akin habang pangiti-ngiti pa rin siya. Baliw ba ang babaeng ito.
Binuksan ko agad ang pinto ng sasakyan at pinapasok siya, agad naman itong umupo, kaya isinara ko agad ang pinto at umikot na sa kabila.
Pag pasok ko napansin ko pa rin siyang nakangiti sa akin, habang tinititigan pa rin niya ako. Naiiling nalang akong napatingin sa kanya kaya bumaba ang aking paningin at nakita ang kanyang mga braso na may pasa.
“Bakit ka may mga pasa?” tanong ko sa kanya.
“Pinalo nila ako,” aniya sabay tingin sa kanyang pasa.
“Wear that,” sabi ko sa kanya sabay turo ng seatbelt.
“Bakit mo ako itatali aso ba ako?” napanganga ako sa kanyang sagot.
“Oo aso kita kaya kailangan kitang itatali,” sabi ko sa kanya sabay kabit ng seatbelt sa kanya.
“Ahw ahw ahw,” bigla naman akong natigilan ng tumahol siya na parang aso.
“What are you doing?” taka kong tanong sa kanya.
“Diba aso ako kaya, tumahol ako sayo,” sagot niya pa sabay tawa. Laglag ang aking balikat na tumingin sa kanyang nakangiti lang.
Pinaandar ko na lang ang aking sasakyan, dahil baka mabaliw ako sa pakikipag-usap sa kanya.
Habang nasa daan kami panay ang kanyang tingin sa labas at nagsasalitang mag isa.
“Wow! ang laki ng mga bahay!!” nagulat ako ng bigla siyang sumigaw.
“Hindi bahay iyan, building ang tawag diyan,” sabi ko naman sa kanya sabay iling.
“Wow ang laki ng mga building!!” sigaw niya pa ulit,
“Pwede ba umupo ka ng maayos.” kunot noo kong sabi ko sa kanya.
“Tsk! akala ko katulad ka kay Carla.” sabi ko sa kanya sabay iling.
“Kilala mo si Carla? dadalhin mo ba ako sa kanya? yehey yehey!!!” nagsisigaw na naman siya.
“Pwede ba tumahimik ka hindi ka talaga katulad kay Carla.” sabi ko ulit sa kanya. Nagulat ako ng bigla niyang itinaas ang kanyang damit.
“Tingnan mo bakit may dede rin ako kung hindi kami magkatulad bobo ka ba?”
Bigla naman akong nagulat sa kanyang sagot.
“Wow may palasyo!” sabi niya pa sabay turo sa mall.
“Hindi palasyo iyan, mall iyan,” sabi ko sa kanya.
“Mall ano yon?” nagtataka naman niyang tanong sa akin.
“Mall pasyalan.”
“Anong meron sa pasyalan nayan?” tanong niya pa ulit sa akin.
“Marami grocery, restaurants and clothes,” sagot ko pa sa kanya.
“Tara pasok tayo.” mabilis niyang sabi sa akin.
“No!” sagot ko sa kanya, pero nagulat ako ng bigla siyang umiyak ng napakalakas.
“Hey! shut up?” saway ko sa kanya,
“Tara na sir Liam, pasok na tayo sa mall.” iyak niya uling sabi kaya tumango nalang ako.
Nang makababa na kami ng sasakyan ay agad ko siyang hinawakan baka mawala pa siya.
“Wow!!! Ang ganda!" bigla niya pang sigaw kaya napayuko ako dahil sa hiya.
“Pwede ba wag kang sumigaw? nakakahiya.” madiing sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.
Nang makapasok na kami sa loob ng mall ay sumigaw siya ulit.
“Wow!!! Ang ganda ang daming ilaw!!!” sigaw niya ulit at tumungin na sa amin ang mga tao, kaya mabilis kong tinakpan ang kanyang bibig.
“Can you stop shouting nakaka- Ahhh!” napasigaw ako ng kagatin niya ang aking kamay.
“Hey! what are you doing?” tanong ko sa kanya at tumawa naman ito. Hinila ko na siya palabas ng mall dahil nahihiya na ako sa pinaggagawa niya
“Saan tayo pupunta?” tanong niya pa sa akin.
“Uuwi na, baka mangagat ka pa ng iba.” galit kong sabi sa kanya. Nagulat ako ng bigla ulit siyang tumawa.
“Ahw ahw ahw,” sabi na naman niya. I think this girl is crazy mali yata ako ng nabili tsk.