Chapter 6

1620 Words
CHAPTER 6 I woke up and she’s not here by my side. Mabilis akong tumayo at hinanap s’ya. “Margie, where are you!” tawag ko sa kanya habang tinitingnan ang bathroom kung nandon s’ya. “Margie,” I call her again pero hindi s’ya sumagot kaya nagtungo na ako sa sala at sa kitchen. “Mar-. " hindi ko natapos ang pagtawag sa kanya ng makita ko s’ya na nasa loob ng ref ang kanyang ulo. “Hey! What are you doing there again?” asik ko sa kanya at inilabas naman n’ya ang kanyang ulo. “Sir umuusok sa loob eh, ang lamig, hindi naman umuusok ang kwarto mo.” sabay balik n’ya sa kanyang ulo sa loob. “Can you please stop that?” asik ko ulit sa kanya, pero hindi s’ya nakinig, kaya hinila ko s’ya at sinara ang ref. sinamaan niya naman ako ng tingin. “Hindi ka ba nagugutom anong oras ka nagising?” I ask her dahil nine a.m na. “Tapos na akong magkape.” sagot n’ya sa’kin. Napatingin naman ako sa kanya dahil marunong pala s’yang gumamit ng coffee drip machine. “Gusto mong mag kape sir?” tanong n’ya sa akin kaya tumango na lang ako. Mabilis naman siyang kumuha ng tasa at nagtungo sa kwarto. Hinayaan ko na lang kasi baka may nakalimutan s’ya sa loob. After few minutes ay bumalik na s’ya at nagtataka ako bakit may laman na ang tasang dala n’ya. “H-hey? Where did you get hot water?” I ask her habang nakatingin sa kanyang papalapit. Hindi naman s’ya umimik. She put coffee and sugar at hinalo ito sa tasa. “I said where did you get the hot water?” tanong ko ulit sa kanya. “Doon sa banyo, Nakalimutan mo ba sir may mainit doon kaya doon ako kumuha. inumin mo na iyan ba ka lalamig na 'yan.” asik niya sa’kin na ikinalaglag ng aking panga. “W-what you mean? Doon ka kumuha ng hot water para sa kape mo kanina?” gulat kong tanong sa kanya. “Oo bakit sir?” she answer habang nakangiti. “Damn! Are you really crazy? Hindi 'yon pang kape? It’s dirty water! Bakit mo 'yon ininom?” I shout at her dahil hindi ko na mapigilang mapasigaw sa kanya. “Bakit madumi? Sa gripo nga kami umiinom eh? At mainit kaya 'yon,” sagot niya pa habang nakanguso sa akin. “Why you don’t wake up me, kung nagugutom ka na pala!” asik ko sa kanya. “Bakit kita gigisingin? naka-nganga ka nga matulog eh,” sagot n’ya sa’kin sabay tawa. Damn. Napasabunot ako sa aking buhok sa sobrang inis ko sa kanya. “Inumin mo na ito Sir at lalamig na ito.” sabay abot n’ya pa sa tasa sa’kin. Sa sobrang inis ko itinapon ko ito sa sink. “Anong ginawa mo sir? sayang naman 'yon? Kung ayaw mo pala sa kape dapat sinabi mo dahil ako na lang ang iinom.” asik niya sa’kin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kumuha ako ng mug at nilagay sa coffee maker grinder. Tumingin naman s’ya sa ginawa ko at parang nagulat. “Wow! Ang galing naman n’yan Sir magic ba iyan? Marunong ka pa lang mag magic Sir ang galing mo talaga,” Napa-iling na lang ako sa kanya. Inabot ko sa kanya ang isang tasa ng kape at ininom n’ya naman. “After this maligo ka na para bibili tayo ng damit mo at need ko na rin mag grocery.” I told her habang nakatitig naman s’ya sa’kin na tuwang-tuwa. “Talaga Sir yehey! Magkakaroon na ako ng bagong damit yes!yes!yes!” sigaw n’ya pa. Pagkatapos ko magbihis ay pumunta agad ako sa sala. I saw her na dinidilaan ang aquarium. “Margie stop that, bakit mo iyan dinilaan?” tanong ko sa kanya habang hinawakan ang kanyang balikat. “Ang sarap kasi ni lang kainin Sir eh,” sagot n’ya habang nakakamot sa kanyang ulo. “I told you hindi pagkain 'yan nakakalason 'yan.” sabi ko sa kanya at bigla naman s’yang sumimangot habang matalim na tumitig sa'kin. “Hindi ako bobo Sir. Kaya huwag mo akong pinag-lululuko. Paano ka malalason eh isda iyan masarap 'yan iyan lagi ang ulam namin at gulay!” asik n’ya naman sa’kin. “Ibang isda 'yun kaya makinig ka!” asik ko rin sa kanya pero tinakpan n’ya lang ang kanyang tainga. “Bleeeeh bleeeeh bleeeeh.” halos nalaglag na ang aking panga sa kanyang ginawa. Damn this woman mababaliw ako sa kanya. hinawakan ko ang kanyang kamay habang palabas kami ng condo, panay naman ang likot n’ya at kung saan saan tumitingin. “Don’t lay again in the elevator ok.” sabi ko naman sa kanya. “Bakit bawal? maganda nga matulog 'don eh, para akong nasa duyan.” ani n’ya habang nakatingin na sa’kin. “Kasi elevator 'yon hindi 'yon pwede higaan madumi yon.” I said to her habang tinitigan din s’ya. Pero laking gulat ko ng dinilaan n’ya bigla ang aking labi. “A-ano na naman ba itong k-kalokohan mo?” utal kong sabi sa kanya. “Ang sarap kasi ng labi mo tingnan sir eh, ang gwapo mo pa.” sagot n’ya sakin habang nakangiti. Kaya hindi ako nakagalaw sa kanyang ginawa. “N-next time don’t do that.” sabay lingon ko, dahil hindi ko na s’ya kayang titigan. Bumukas ang elevator at pumasok na kami nakatingin lamang s’ya sa pindutan. Nang nasa ground floor na kami hinila ko na s’ya para lumabas pero ayaw na naman n’yang lumabas. “Let’s go kailangan pa natin pumunta sa Mall.” wika ko sa kanya sabay hila habang umiling naman ulit s’ya damn. “Ayaw ko Sir sasakay pa ako rito!” asik na naman n’ya sa’kin. “Pwede ba mamaya na ulit tayo sasakay rito. kailangan pa natin mag grocery.” madiin na sabi ko pero umiling lang siya. “Margie ayaw mo bang pumunta ng Mall? Iyong malaking palasyo 'yong maraming ilaw?” bigla naman s’yang tumingin sa akin habang kumikislap ang mata. “Talaga 'don tayo pupunta?” “Yes kaya halika na.” agad naman siyang lumabas habang tuwang-tuwa. “But don’t shout again there ok?” “Bakit?” takang tanong n’ya sa’kin habang tumingin. “Kasi hinuhuli ng Pulis ang sisigaw 'don,” I answer her, damn para akong tatay nito tsk. “Pulis ano iyon?” tanong niya na kinagulat ko habang napatingin sa kanya, dahil para akong tanga, hindi n’ya pala kilala ang Pulis sh!t. “Basta ibabalik ka nila sa ampunan kung sisigaw ka 'don.” sabi ko na lang sa kanya para hindi na s’ya magtanong pa. napansin ko namang bigla siyang namutla. “Hindi na po ako sisigaw doon Sir,” sagot n’ya sakin habang humigpit ang paghawak sa aking kamay. Napapangiti naman ako dahil natakot s’ya ayaw ko na ring mapahiya don. After a minute nakarating na kami ng Mall at tahimik lamang s’ya it’s better na ganito s’ya kaysa makulit s’ya at ang tigas pa ng ulo. pinagbuksan ko agad s’ya ng pinto at humawak ulit s’ya sakin habang naglalakad kami papasok ng Mall. Una naming pinuntahan ang supermarket. Halata namang namamangha s’ya sa loob at nagtungo ako sa meat section at namimili, hindi ko naman napansin si Margie na bumitaw na sa aking kamay. “Ma’am bitawan n’yo po yan ma’am,” narinig ko naman ang isang diser na nagsasalita kaya agad akong nagtungo don. Laking gulat ko ng makita si Margie na pumasok na sa malaking aquarium at pinaghuhuli ang mga isdang naroon. “f**k Margie get out there!” I shout to her pero di na naman s’ya nakinig at itinaas pa ang isdang kanyang nahuli. “Sir tingnan mo nakahuli ako ng malaking isda rito sa dagat!” sigaw n’ya pa sa’kin. Damn mabilis akong lumapit sa kanya at pinababa s’ya 'don. Halos lahat naman ng taong nasa super market ay tumitingin sa amin. “Bitawan mo 'yan.” madiing sabi ko sa kanya habang hawak n’ya ang isda. “Ayoko akin 'to ako nakahuli nito.” singhal n’ya sa’kin. “Ibalik mo yan!” asik ko ulit sa kanya habang hawak ang kanyang braso. “Ayoko Sir akin 'to eh,” sagot n’ya ulit at bigla nalang s’yang umupo at umiyak habang yakap yakap ang isda. s**t nakakahiya. Lalo na at tumatawa ang ibang nanunuod sa kanya. “S-sige bilhin na natin iyan kaya tumayo ka na diyan.” sabi ko sa kanya at bigla naman s’yang tumayo habang tuwang-tuwa. “Bleeh! Akala mo ha huli ko 'to eh!” sabi niya pa sa diser.” "Damn. dapat pala hindi ko na s’ya sinama.” sabi ko sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD