Chapter 5

1202 Words
Chapter 4 Nagpasya akong sa condo nalang umuwi dahil gabi na, hinahayaan ko lang si Margie na nagsasalita mag-isa siguro baliw nga talaga ang baba’eng to. Pagdating namin ay agad kong tinanggal ang kanyang seatbelt at bumaba na. umikot naman ako sa kabila para pagbuksan s’ya. Agad naman itong lumabas at napatingala. “Ito bahay mo ang taas-taas naman,” nakangiti n’yang sabi habang nakatingala pa rin, kaya hinila ko na lang siya. Pagkapasok namin ay napayuko na lang ako dahil pasigaw’sigaw nanaman s’ya. “Can you please stop!” madiing sabi ko sa kanya at hinawakan s’ya ng mahigpit dahil gusto n’yang tanggalin ang kamay ko. “Nasasaktan ako,” sabi n’ya sa’kin at agad ko namang niluwagan ang paghawak sa kanya. Nakatayo kaming naghihintay sa elevator,habang s’ya ay panay lingon sa paligid. “Ang taas ng bahay na’to bakit maliit ang kwarto?” bigla n’yang sabi sa’kin at napapalingon naman ang ibang sumakay. “Pwede ba tumahimik ka!” sabi ko sa kanya, pero laking gulat ko ng humiga s’ya, “M-Margie stand up please,” pagmamaka’awa ko sa kanya pero parang hindi n’ya ako naririnig. Tumabi naman ang mga nasa loob ng elevator talagang nakakahiya na ang ginawa niya. Galit kong sabi sa aking isipan. “Wow! Sir umandar ang kwarto mo ahhhhhh!! “ sigaw nanamna n’ya. “Tumayo ka nga sabi bilisan mo na!!” galit ko nang sabi sa kanya. “Ayoko rito lang ako matutulog ako rito!” sagot naman nito, nakaramdam na ako ng inis sa kanya kung pwede ko lang ibalik to binalik ko na kaso hindi pwede s**t. Bigla namang bumukas ang elevator at nandito na kami sa floor ng unit ko. “Tayo na andito na tayo,” sabi ko ulit sa kanya. “Ayoko,” mabilis n’yang sagot sa akin at sa sobrang inis ko sa kanya binuhat ko s’ya at isinampay sa aking balikat, habang nakalambitin naman ang kanyang ulo sa aking likod. “f**k!” napamura ako at muntik ko na s’yang mabitawan ng bigla n’yang tinusok ng kanyang daliri ang aking puwet. “What are you doing?” galit kong tanong sa kanya habang hawak s’ya ng mahigpit. “Ayaw mo akong patulugin sa kwarto eh,” “Damn hindi kwarto iyon elevator iyon.” galit kong sagot sa kanya. “Gusto ko nga doon,” sagot na naman n’ya. Hindi na ako umimik at binilisan na lang ang aking paglalakad. Binuksan ko agad ang pinto ng makarating kami sa aking unit at agad ko s’yang ibinaba, bigla naman itong nanahimik at tumingin lang sa paligid. Nagulat ako ng bigla s’yang tumakbo papunta sa aking aquarium at mabilis pinasok ang kanyang kamay sa loob. “Hey! Stop that!” sigaw ko sa kanya, pero hindi niya ako pinapansin at hinuhuli n’ya ang mga goldfish ko. “Margie stop that mamatay 'yan!” sigaw ko ulit sa kanya. “Nagugutom ako kakainin ko ito,” napanganga ako sa kanyang sagot. “A-akin na iyan please mamamatay 'yan,” sabi ko sa kanya dahil hawak na n’ya ang isang goldfish. “Ayoko nga sir nagugutom na ako ito nga ulamin ko,” “Mag order na lang tayo ano ba ang gusto mo?” tanong ko pa sa kanya habang hawak pa rin ang isda. “Gusto mo bang kumain ng chicken?” tanong ko pa sa kanya. “Ano iyon masarap ba iyon?” laglag ulit ang aking balikat sa sagot n’ya sa akin. “Y-yes masarap 'yon mas masarap pa 'yon sa isda,” wika ko sa kanya. “K-kaya akin na iyang hawak mo,” natuwa naman ako ng binigay n’ya sa’kin ang goldfish. “s**t ang mahal pa naman nito,” bulong ko sa sarili. Napalingon ako sa kanya ng tumakbo s’ya sa room ko, agad ko s’yang sinundan dahil baka ano na naman ang kanyang maisip. Pero napanganga ako sa kanyang ginawa, para s’yang tangang nag-swimming sa kama at tuwang-tuwa pa ito. hindi ko naman mapigilang mapangiti sa kanyang ginawa. “She’s really insane” ngiti kong bulong sa sarili, hinayaan ko na lang s’ya at kinuha ang aking phone para mag order na. nagugutom na rin ako. After I done bumalik ulit ako sa room at tiningnan s’ya, nakatulog na pala s’ya habang nakadapa kaya lumapit ako sa kanya at inayos s’ya. Binaba ko naman ang kanyang palda dahil nakataas ito at kitang-kita ko naman ang kanyang mapuputing hita napansin ko rin ang marami niyang pasa, “Maybe sinasaktan s’ya doon dahil sa kakulitan n’ya,” bulong ko sa sarili. Napatingin naman ako sa pinto ng marinig kong may nag doorbell. 'yon na siguro iyong food na I-norder ko. Mabilis akong lumabas at binuksan ang pinto, inabot naman sa akin ng delivery boy ang pagkain. Dumiritso na ako sa kusina at inayos ang mga pagkain. Bigla naman akong nataranta ng marinig ko s’yang umiiyak at nagmamadali na akong pumasok sa room ko. “What happened? Why are you crying?” tanong ko sa kanya ng makita itong nakaupo at nakahawak sa kanyang t’yan. “S-sir gutom na gutom na ako kahapon pa ako hindi kumakain,” iyak n’yang sabi sa’kin. “W-what? Hindi ka pa kumakain?” takang tanong ko sa kanya at tumango naman ito. Inalalayan ko s’ya papunta sa kusina para makakain na kami. Agad naman s’yang umupo at napatingin sa pagkain. “Ano 'to?” tanong n’ya sabay turo sa mga pagkain. “Food, kumain kana,” sagot ko sa kanya, nanlaki ang aking mga mata ng nakita s’yang kumain. “Hey, use this.” sabi ko sa kanya sabay turo ng spoon. pero umiling lang s’ya, napapa-iling na lang akong tumingin sa kanya. “A-ano ba s-stop that.” sabi ko sa kanya dahil dinilaan n’ya ang platong pinagkainan n’ya. “Aso ka ba para gawin mo 'yan?” tanong ko sa kanya habang kinukuha ang plato. “Oo aso mo ako,” nakangiti pa n’yang sagot. “Wash your hands there,” Turo ko sa sink. Tumayo naman s’ya at pumunta doon. Kumuha naman ako ng tubig sa ref at bigla akong natigilan ng pumasok ang kanyang ulo sa loob ng ref. “Sir may snow pala rito?” hindi ko na napigilan ang aking pagtawa dahil sa kanyang sinabi. “A-anong snow? Ano ba 'yang pinagsasabi mo? it is refrigerator.” sabi ko sa kanya. Para na naman s’yang bingi dahil hindi s’ya nakikinig sa akin. “Halika na” sabi ko sa kanya dahil isasara ko na sana ang ref. “Ayoko dito lang ako.” “W-what?” lumakas naman ang boses ko sa kanyang sagot. “Ayaw mo bang matulog?’’ I ask her again. “Dito ako matutulog.” halos napanganga ako sa kanyang sinabi. “Hindi ka magkasya d’yan, may aircon naman ang room ko.” sabi ko pa sa kanya. “Aircon ano iyon?” “Parang snow din.” sagot ko naman sa kanya, habang pinipigilan ang mapatawa ulit. “Talaga, yehey! yehey!” sigaw n’ya pa sabay takbo sa kwarto, kaya napapangiti na lang akong sumunod sa kanya. A/N SORRY GUYS NA DULING AKO PAG PASINSYAHAN NIYO NA PO HOHO BALIKTAD AND CHAPTER 4 AT 5, NAUNA PO ANG CHAPTER 5
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD