Chapter 17

1600 Words
Kakagising lang ni Ethan, medyo na patanghali na nga ang gising nya gawa ng anong oras na sila nakatulog kagabi mula sa bar hopping nangyari kagabi. Napasarap yong sayawan at inuman nilang mag tropa. Namimintig ang ulo ni Ethan gawa na din ng hang-over mula kagabi. Tumawag na sya sa reception para mag padala ng carrot juice para mapawi ang naramdamang hilo at pamimintig ng ulo. Nilapitan ni Ethan ang kurtina sa may terrace na naka harap sa dagat, hinawi nya ang makapal na kurtina na nakatabing dito. Sinunod na binuksan ang glass door ng kwarto, sariwang hangin na mula sa dagat ang sumalubong kay Ethan, napapikit ang mga mata nya at ninamnam ang malamig na dulot nito. Nag enhale – exhale sya upang maginhawa na din ang kaluoban. Nasa ganon syang posisyon nang marinig nya ang isang matinis na boses ng bata na tila kay say anito, minulat nya ang mga mata at hinanap ang pinang galingan ng tinig ng bata. Binaybay nya ng tingen ang pinagmulan ng hagikgik nang bata, medyo natabingan ito ng halaman sa may gilid. Maya-maya lang ay Nakita na nya itong nag tatakbo papunta sa dalampasigan, di nya naaninag ang mukha ng bata, kasunod nito ang isang matangkad na lalaki na patakbong hinahabol ang bata. Masayang nag hahabolan ang mga ito, dinig na dinig nya ang pagtawag ng batang lalaki habang patakbo sa dalampasigan. “Come on titodadi, habulin mo ko!” tiling tawag ng bata dito. “Coooommmiiinnngg, pagnahuli kita yare ka sa akin!” aning lalaki na hinahabol ang batang paslit. Napangiti si Ethan sa tanawing nakikita.naiisip nyang balang araw magagaw din nya ito kasama ang anak. Medyo nalungkot sa parting iyon si Ethan, ilang araw na sila dito ay di parin nya nakikita ang kanyang mag-ina maging si Chelsea. Napabuntunghininga nalamang ng malalim si Ethan, nasa ganong pa din syang posisyon nang biglang marinig nya ang pag doorbell sa room nya, napalingon sya dito. At agad na tinalunton upang mapagbuksan ang nag doorbell. Pagka bukas nya ay bumungad sa kanya ang isang unipormadong staff ng hotel, matamis ang pagka ngiti nito. Ipinasok na nito ang almusal na inorder nya at ang carrot juice. Gumanti ng ngiti si Ethan sa staff, nang mailagay na sa ayos ang mga pagkain ay nag paalam ito kay Ethan. Nang pigilan nya ito at binigyan ng tip. Laking pasasalamat ang iwinika nito sa kanya. Binuksan nya ang nakatakip na pagkain sa food try, French breakfast ang e naka serve sa kanya ngayon, my croissant at baguettes, sa side naman ay may butter at jam na sa wari ni Ethan ay matamis ito para sa kanya, pero tama lang ito para sa baguettes bread, a black coffee and a fresh fruits kasama na dito ang inorder Nyang carrot juice. Its an authentic and mouthwatering breakfast ika nga. Uupo na sana si Ethan ng may marinig syang pamilyar na boses. Isang boses na kailan man ay di mawala-wala sa kanyang isip. Lumakas ang kabog ng dibdib ni Ethan sa naiisip na posibleng ito na nga ang hinahanap nya? O baka kaboses lang, ilang beses na bas yang nalinlang mula noon? Umiling na napapikit ng mata ang binate, ahh dala lang siguro nang kanyang kalasingan o hang over kaya kung anu-ano na naiisip nya. Tuloyan nan ga syang umupo sa mesa, tili naman ng bata ang narinig nya at tila tuwang-tuwa ito. Ito yong batang Nakita nya kanina malamang, masaya itong hinahabol nang ama sa wari nyay ama nito yong lalaking tinatawag nito kanina. At ngayon dumating na din ata ang ina, masaya ang tawanan at harotang naririnig ni Ethan. May paninibugho sa dibdib na nararamdaman si Ethan, kung di lang sya naging tanga noon malamang kagaya din sya ng pamilyang ito na masayang nag lalaro at naghahabolan sa dalampasigan, o di kaya mas masaya pa sa mga yan. Napabuntonghinga na lamang si Ethan sa naisip. Handa na sana syang mag lagay ng butter sa kanyang baguettes ng maisipang maupo nalang sa labas ng terrace nya, para ma refresh din ang utak nya at torturin ang sarile sa senaryo ng masayang pamilyang nag lalaro sa dalampasigan. Agad Nyang nilagay sa tray uli ang mga pagkain at dalhin sa may terrace, papabukas na sana sya ng sliding door ng may makita syang pamilyar na mukha, ang mukha ng babaing nag papahirap sa kanya ng 5 taon, masaya itong nakikipagtampisawan sa isang bata at isang lalaking tila nakikita na nya noon sa kasal ng kanyang matalik na kaibigan. Napaawang ang bibig ni Ethan ng mapagtantong totoo nga ang kanyang nakikita, si Akiesha nga, ito nga ang babaing hinahanap nila, sa wakas nagpakita na din ito, magkahalong tuwa at tila paninibugho ang nararamdaman ng binate sa Nakita dahil sa lalaking nakikita nya na tila ito ang dahilan ng kasiyahang nakikita nya sa mga mata ni Akiesha at ng batang alam Nyang ito na ang anak Nyang matagal Nyang pinangungulilahan. Sya dapat ang gumawa nyan sa kanyang mag-ina at hinde ang lalaking yan. Tiim bagang ang ipinukol ni Ethan sa lalaking kasama ng mag-na nya. Napalingon naming bigla si Akiesha ng maramdamang tila may nag mamasid sa kanila, palinga-linga syang parang may hinahanap, kung saan-saan na napadako ang paningen nya, ng masagi nya ng tingen ang tila mabilis na pagtago ng isang imahe sa may dikalayuan ng kinalalagyan nila. Inusisa nya ito pero parang wala na ito sa kinatatayuan. Ipinilig nya ang kanyang ulo upang pawiin ang naiisip Nyang may nagmamanman sa kanila. “Hoooooyyyy! Anong tinitingnan mo dyan? Kanina ka pa pabaling-baling ng tingen ah, sino ba hinahanap mo? Aligagang aligaga?” ani Chelsea sa kaibigan. “Ha..a? ahh wala, akala ko lang may nag manman sa atin.” Ani Akiesha na ngumit sa kaibigan. “Sino naman ang mag manman sayo dito? Imposibleng sina….Ethan?” si Chelsea na tumaas ang kilay at nagdadalawang isip na itanong ang iniisip sa kaibigan. “Hmmm….pwede pero imposible!” nakangiting ika ni Akiesha. “Hooooyyy! Aba’t parang gusto din ng ale ahhh…..At may pangiti-ngiti ka pa dyang nalalaman ha?” saway na ika ni Chelsea dito na marahan pa nya itong hinampas. “Ayyyy…oh grabe sya napaka, mapanakit kang buntis ka!” birong turan naman ni Akiesha sa kaibigan. “Oo! Sasaktan talaga kita at kumikiringking kang tunay dyan. Aba gusting-gusto pang makita siguro nito yong demonyong yon!” ingos turan naman ni Chelsea. “Hooooyyyy!....grabe sa salitang kumikiringking! Ayyyyy…..mapanghusgang buntis!” kunyaring pinanlalakihan ng mata ang kaibigan na ika ni Akiesha. “Aba bakit hinde ba?” panunudyo naming ganti ni Chelsea. “Hiiiinnnnddeeee no! akala mo naman ikakatuwa ko? NEVEEER, EVEEEERRR, Tseeeee!” ingos ni Akiesha sabay talikod sa kaibigan na tumatawa sabay takbo palayo dito. “Aaaayyy! Abbaaatttt……bumalik ka ditooo bruha ka……” habol tawag na ika ni Chelsea. Habang iika-ika sa paghabol sa kaibigan. Hirap sa paglakad gawa ng malaking tyan. Sa kabilang dako naman ay agad naka pagkubli si Ethan ng makita Nyang napabaling ang tingen ni Akiesha sa kinaroroonan nya. Abot hininga ang naramdaman nya, at mahigpit ang kapit sa tray ng pagkaing dala-dala nya. Tila sa nangyaring iyon ay nahulasan si Ethan mula sa kalasingan. “God! Muntikan na yon ah!” bulong na turan ni Ethan. “OMG! Ito na nga. Thank you papa “G” at dininig mo na at last ang panalangin ko! Sisikapin ko ngayong makabawi sa kanila, promise maging good boy na ako, tulongan mo lang akong mapalapit muli sa mag-ina ko!” dugtong bulong pa nito. Muli Nyang sinilip ng paunti ang nasa labas, Nakita nya si Chelsea magkasama na nga ang dalawa, masaya ang mga itong nag hahabolan, dangan lamang at hirap sa paghabol si Chelsea sa kaibigan nito gawa ng malaking tyan. Napangiti naman si Ethan sa Nakita. Mas lalo syang nasiyahan ng makita nya ang anak na humarap na nga upang pagmasdan ang ina at si Chelsea, napatuon ang tingen nya sa bata, yong ngiti at saya sa mukha nito ay di matatawaran, nanaig sa puso ni Ethan ang paging ama, napalunok sya at nawika ang: “Soon baby! Soon mas maging masaya tayo, at sisikapin kong pasayahin kayo ng mommy mo sa paraang kaya ko! Bigyan nyo lang ako ng pagkakataong maka bawi!” bulong na usal ni Ethan. Nakita Nyang tumakbo na palapit kay Chelsea ang anak nya, Nakita nya ang pag-alalay nito dito, at dinig nya ang pagtawag nito sa ina. “You better watch out mommy! Titamommininang will catch youuuuu!” sigaw ng paslit na mabanaagan ang subrang tuwa sa boses nito. “If you both could catch meeeeee!” sigaw pabalik na ika ni Akiesha na tuloy sa pagtakbo sa dalampasigan. Nang hinabol din ito ng lalaking kasama nila. Napatili si Akiesha at nagpupumiglas sa pagkahawak ng lalaki dito. At tila tuwang-tuwa naman ang bata at si Chelsea ng makitang nahuhuli na nito si Akiesha. “Huwwaagg mo bitiwan Andrie, makakatikim sa akin yan!” sigaw na ika ni Chelsea na iika-ika sa paglalakad habang naka alalay dito si Dalton na tatawa-tawa sa naghuhulagpos na ina. “Hold her tight TitoDadi! Hold her tiiiiiiiggggghhhhht!” hiyaw naman ni Dalton dito. Lalong nagtitili si Akiesha ng ipinulopot na nga ni Paul Andrie ang kamay sa bewang nito. pumapalag habang hinahampas nya ang kamay ng lalaki na nakahawak sa kanyang bewang. Tiim bagang namang nakatingen sa malayo si Ethan. Kaya namuo sa isip Nyang kukunin nya ang mag-ina sa lalaking tila maging kahati na nya sa lahat. Napa cross finger nalamang ang binate. Malamlam na ang mga matang may pait sa mga labing ipininta habang Nakita Nyang papalayo na ang mga ito sa kinaruroonan nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD