Chapter 16

2034 Words
“Mommmmmyyy! Bilisan mo naaaa……” tawag ni Dalton sa ina habang akap-akap nito floated salbabida na nya hugis bilog. “Comiiiiinnnggg!” sigaw pabalik ni Akiesha sa anak na inilabas pa ang ulo sa pintuan ng cr nya. “Mommmmyyy! I’m going to wait you at titamomininangs room! Kasi ang tagal mo eh!” maktol na saad ni Dalton na tuloyan nang binuksan ang pintuan ng kwarto ng ina at patakbong tinungo ang kwarto ng titamomininang nya. Napailing nalamang si Akiesha ng marinig ang pagsara ng pintuan. Wala talaga sa ugali nang anak nya ang mag-antay o magtiis ng kunti. Talagang pag gusto nitong gawin ay mahirap mo itong mapag-antay sa iisang lugar lang. manang-mana talaga sa ugali ng ama. napahinto naman si Akiesha sa naisip. Napatingin sya sa salamin na nasa harapan nya. naalala nya ang minsang pag-uugaling ganon kay Ethan. Isang malakas na bosena mula sa labas ang narinig ni Akiesha ng papalabas na sya sa gate, dali-dali na syang dumaan sa maliit na gate, mag co-commute sya ngayon gawa ng color coding ang sasakyan nya. tuloy pa din sa pag bosena ang sasakyang nasal abas. Naka kunot ang nuo nya ng iniluwa ang sarile nya sa maliit na gate nila. Napataas ang kilay nya ng may isang kulay black na kotse ang nakaparada sa harap ng gate nila, nasa may pwetan na sya ng kotse umikot sya paharap para sinohin ang nag aalburotong nag mamay-ari ng sasakyang nakaparada sa harap nila. Huminto ito sa pag bosena nang mapansing nasa labas na sya ng kotse. Ibinaba nito ang tinted na binta, lumantad dito ang gwapong mukha ni Ethan na naka simangot na, kunot ang nuo at salubong ang kilay. Nagulat si Akiesha ng makita si Ethan, di nya alam na magkikita pala sila ngayon ng binate, natawa pa sya sa itsura nito. Naka nguso na itong nakatitig sa kanyan. “Anyare sayo? Bat naka busangot ka dyan?” pilit na di matawang wika ni Akiesha. “Damn….kanina pa ako nag bobosena ang tagal mong lumabas!” anitong nakabusangot. “Saan ang punta mo? Bat naka bihis ka?” anitong pinuna ang itsura nya. “Aalis sana ako papuntang mall. Di ko naman alam na pupunta ka, at dito pa mismo sa bahay naming. Ni di ka man lang tumawag eh kaya di ko alam na darating ka!” mahabang paliwanag ni Akiesha sa nobyo. “Anong gagawin mo sa mall? Ganyan suot mo?” tanong uli ni Ethan sabay sipat ng damit ng nobya. Naka mini dress ito na kita ang mapuputing binti nito at hakab sa katawan ang dress na Napili nitong suotin na lalong nag papa emphasize sa kurba ng katawan nito. In short napaka sexy nitong tingnan, bulag nalang ang lalaking di lilingon pag nakasalubong ito. Kaya naman naka kunot lalo ang nuo nito. “Bakit? Anong meron sa damit ko? Simpleng mini dress lang naman ito!” Ani Akiesha na sinuring muli ang suot na damit. “No! hinde dapat ganyan ang suot mo! Come, hop in!” ani Ethan na nakanguso na naman. “Ha? Ok na to, baka sisitahin pa ako ni Chelsea pag nagpalit pa ako ng damit ko sa taas!” maktol na saad ni Akiesha dito. “You don’t have to go back, I said hop in!” iritang sagot ni Ethan, habang napatingen sa isang sasakyang huminto at ibinaba pa ang bintana nito upang pasadahan ng tingen si Akiesha. “What are you staring at?” galit na saad ni Ethan sa sakay ng kabilang kotse. Imbis na sagutin si Ethan ay sumipol pa nga ito. Napataas naman ang kilay ni Akiesha sa ginawa ng lalaki. Akmang bababa si Ethan sa sasakyan ng marinig ang pagsipol nito, pero bago pa man tuloyang makalabas si Ethan ay umarangkada na ito nang alis, kumaway pa nga ito at nag wika: “See you around Ms. Beautiful!” anito kumakaway pa habang naka tingen sa side mirror nito. Nakamuro at nakasimangot na nang tuloyan si Ethan habang hinarap ang nobya. “See? That’s what you gonna get if you dress that way!” urat na saad ni Ethan. Napamulagat si Akiesha sa sinabe ni Ethan. Kasalanan pa pala nya at nag suot sya ng ganito. Magsasalita pa sana sya nang tuloyang binuksan ni Ethan ang pintuan upang makapasok na si Akiesha. Pinapaikot na lamang nito ang eyeballs at sumakay na sa kotse ng nobyo. Ng makasakay na sya ay umikot naman ito sa driver set at padabog na isinara ang pintuan ng kotse. Nilingon ito ni Akiesha. “Galit ka ba?” ani Akiesha na nakataas ang kilay. “Alam mo kung may topak ka ngayon mas maiging dyan na lang ako sa bahay, hinde na ako pupunta ng mall!” ani Akiesha na humalukipkip na sa gilid ng upuan. Napalingon naman si Ethan dito. Ipinaandar na nito ang kotse. “Kanina pa kasi nag sabing sumakay ka na, tigas ng ulo mo ayon na bastos ka tuloy ng lukong yon.” Maktol na saad ni Ethan. “Aba’y sino ba ang sasakay agad kung pag bungad mo pa lang ay simangot mo na makikita ko.” Sagot naman ni Akiesha na sumimangot na din. “Pano katagal mo lumabas. Kanina pa ako dito eh!” medyo kumalma nang ika ni Ethan. “Abay pano? Di ko naman alam na darating ka? Ni di ka nag sabing darating ka, may cellphone ka naman. Ni di ka tumawag.” Ani Akiesha dito. “E surprise nga sana kita eh, ako pa pala ma surprisa dyan sa suot mo!” muling nakasimangot na saad na ika ni Ethan. “Ahh! At mali ko pa nga!” taas ang kilay na saad na ika ni Akiesha. “Oh, san naman tayo pupunta?” dugtong nyang tanong ng di na umimik ang lalaki. “Secret!” ani Ethan na kumindat sa kanya at ngumiti ng pagka tamis. Tila Nawala ang asar ni Akiesha sa ngiting iyon ng nobyo. Lagi nalang ganon ang impact sa kanya ng ngiting iyon ng nobyo. Natameme sya lagi pag ganon na ang ginagamit nitong ngiti. Hinde pa din sya sanay na lagi na nyang nakikita ang mga ngiting iyon ng lalaki. Lalo syang napangiti ng kunin nito ang mga kamay nya at mahigpit na hinahawakan habang nag mamaneho ito ng sasakyan. “Hooooooyyy! Anong gingagawa mo dyan? Tulaley lang babe?” ani Paul Andrie na kanina pa pala nakapasok sa silid ni Akiesha at kanina pa sya nito pinag mamasdan. “Hmmmppp….sabihen mo nga sa akin babe! Are you thinking of him again?” dugtong huling saad pa nito. “Huh? Of course not! And but may again? Excuse me walang again dahil hinde ko na iniisip yon noh!” ingos na ika ni Akiesha. “Weeeeehhhh? Di nga? Mamatey man?” ani Paul Andrie na nanunukso na ngayon. “Hooooyyyy Paul Andrie ha? Nag uumpisa ka na naman!” ani Akiesha na hinarap na ang kaibigan. “Ohhh….bat ka defensive?” anitong umikot paharap sa pintuan. Sabay kinding palabas. “Hinde noh! Defensive ka dyan!” ingos na saad ni Akiesha na sinundan na ang kaibigan palabas. “Di ng aba? What if pag labas mo makasalubong mo si Ethan with his sweetest smile and those tantalizing eyes na nakatingen sayo!” panunuksong saad ni Paul Andrie sa kaibigan. “Ehhhhh…ano naman? Paki ko dyan sa……ssaa sinasasabe mo!” ani Akiesha na ngumuso at umingos. “Hmmmm….mamatey?” panunukso ni Paul Andrie dito na nasa may tenga pa ni Akiesha nag salita. “Aaaayyyy! Ewwwaaannn ko sayo! Ikaw kung gusto mo magkandarapa don sige ikaw nalang!” ani Akiesha na iwinasiwas ang mga kamay sa may tenga nya para itaboy ang kaibigan. “Talaga ba? Di ngaaaa?” patuloy na panunukso nito kay Akiesha. “Aaaayyyy! Bet ko yon babe!” anitong tumili pa na animo kinilig. “Hoyyyyy! Akala ko ba galit ka don? Na ayaw mo nga akong makipag balikan don ha?” asar na ika ni Akiesha na nakapameywang na paharap sa kaibigang nakakaluko ang mga ngiti at tingin sa kanya. “Oh, bakit ano ba sabi ko? Seeeeee? You’re too defensive my dear!” ani Paul Andrie na tawang tawa sa aksyon ng kaibigan. “Ay naku! Bahala ka na nga dyan! Makaalis na nga at baka masigawan pa ako ng anak ko!” ani Akiesha sabay pihit ng pintuan at labas nan ang kwarto. Habol takbo naman si Paul Andrie dito. “Hooyyyy….teka lang naman! Ito naman napaka defensive…este sensitive!” habol biro nito sa dalaga, at habol na din. Tila mga batang naghahabolan sa luob nang bahay ang dalawa. Patungo sa labas na kung saan andon na sina Chelsea at ang anak nitong si Dalton. Hampas naman ang abot ni Paul Andrie sa twing aasarin nito si Akiesha, kaya nauwi sa habolan hampas ang dalawa. Nang makita naman ito ni Dalton ay tila natutuwa ito sa ginawa ng TitoDadi nya at ng mommy nya kaya naki Sali na din ang bulinggit sa dalawang matatanda. Kaya napuno ng tawanan ay hiyawan ang pamamahay nilang iyon. “Hoooyyy! Ano ba tar ana at abay tatanghaliin na tayo!” ani Chelsea na nanakit na ang tyan sa kakatawa. “Ito kasi si Paul Andrie, parang tanga! Lakas maka asar eh!” ani Akiesha na hinihingal sa kakahabol sa kaibigan. “Seee….napipikon ka kasi trulalalors ang sinasabe ko!” sagot naman ni Paul Andrie na napaupo sa tabi ni Chelsea. “Nakuuuu! Ayaw mo talagang tumantan ha? Gusto mo tawagan ko si Eric at sabihen ko yang kalandian mo ha?” ani Akiesha na naka ingos sa kaibigan. “Okey! Go! Alam ng lavey ko na gwapo talaga yang fafah mo!” panunukso pa din nito sa kaibigan. “Mukha mo! Pag e kinuwento ko yang kalandian mo utas yang I DO mo sige ka!” tawang tawang ika ni Akiesha. “Aba! Bruha ka, at kinorner pa nga ako! Napaka bastos ng bunganga mong dyumega ka!” ani Paul Andrie sabay tayo at daluhong kay Akiesha na napatili naman sa pagtakbo, At nauwi na naman sa habolan ang dalawa. “See titamommininang? They look like kids!” ani Dalton na nag kibit balikat habang nakatingen sa naghahabolan. “Its okey baby! Mas guggustohin kong makitang ganyan ang mommy mo kisa ang umiyak ng umiyak at mamroblema! Lalo na ngayong hinahanap na naman kayong muli ng ama mo!” wala sa luob na ika ni Chelsea na nakatanaw din sa dalawang nag hahabolan. “Why titamommininang? Lagi poh bang umiiyak si mommy? Sino pong nag hahanap muli sa amin?” slang na ika ng batang si Dalton na nakatingen kay Chelsea. Napalingon naman syang bigla sa tanong nga bata. “Huh? May sinabe ba akong nag hahanap?” kunyaring gulat na ika ni Chelsea. “Yes, titamommininang! And who was it?” inosenteng balik tanong nito. “Ha? No, I said hanapin mo na yong dalawa kung saan nag hahabolan, at tatanghaliin na tayo anak!” ani Chelsea na nilihis ang sinasabe. Napalingon naman si Dalton sa kung saan ay kanina lang nag hahabolan don ang mommy nya at titodaddy nya. nang makitang wala na ang mga ito ay dali-dali nitong hinabol palabas ang dalawa. Napabuntunghina naman si Chelsea at tuloyang nakalimutan ng bata ang katanungan nito. Hanggang ngayon ay di pa din nya nasabi kay Akiesha ang tunay na rason kung bakit napadpad sya sa lugar nito. Ayaw nya kasing mag-isip pa ang kaibigan nya at mag-alala ito. Pero sasabihen din nya ito dito. Humayo na din sya at sinundan na ang mga ito sa labas. Nakasunod na din ang mga kasambahay na bitbit ang mga pagkaing dala-dala nila. Napagkasunduan nilang sa tabing dagat mag lunch at maglunoy na din sa dagat. Kaya naman maaga silang nagising pero ito’t tanghaliin din pala. Napailing-iling nalamang si Chelsea. Sinenyasan nya ang isang kasambahay na alalayan sya sa paglakad at medyo nabibigatan na sya sa tyan nya. dali namang tumugon ang kasambahay at kinuha ang dala-dala nyang bag. Tuloyan na silang lumabas sa villa upang sundan ang dalawang kaibigan at si Dalton na malamang nag aabang na sa labas. at nang maka alis na din at mahinto na ang habolan ng dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD