Ayeza Blythe's POV "Ano ng balita?" tanong ng kaibigan kong si Agatha habang naglalakad kami sa gitna ng arawan. Kagagaling lang namin sa bayaran ng tubig at kuryente. Tapos na kaming magbayad at babalik ulit kami sa ospital. "Balita saan?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Alam naman niya na hindi ako mahilig manood o magbasa ng balita kahit na sa social media. May pakialam naman ako sa sariling bansa ko sa kung ano na ang nangyayari pero ayaw ko lang dagdagan ang iniisip ko kaya na nanahimik na lamang ako. "Sa inyo ni Ryle," aniya. "May improvement na ba? Alam na niyang may gusto ka sa kanya—" Agad ko siyang kinaltukan nang maalala ko na may kasalanan pa pala siya sa akin. "Ayan! Dahil sa kadaldalan mo!" Singhal ko sa kanya. Hindi ko na sana maalala ang ginawa niya sa akin na panl

