Episode 17

2075 Words

Ayeza Blythe's POV Naramdaman ko ang magaan na kamay na humahaplos sa pisngi ko habang dahan-dahan akong nagkakaroon ng ulirat. Iminulat ko ang mga mata ko at agad din napapikit ng masinag sa maliwanag na ilaw na nagmumula sa kisame. Napakusot ako sa mga mata ko at inalis ang kaunting muta na tumatakip dito. Sinubukan ko ulit imulat ang mga mata ko pero sa pagkakataong ito, hindi na ako nasilaw dahil sa isang gwapong lalaki masayang-masaya na nakangiti sa akin. Parang tinatamaan ng araw ang ngipin niya dahil kumikinang ito sa sobrang puti. "Ryle..." Inaantok na saad ko. Napatakip ako sa bibig ko dahil baka mamaya maamoy pa niya ang mabaho kong hininga. Nakaupo siya sa tabi ko habang nakaharang ang mukha niya sa harapan ko para hindi ako masilaw. "Tanghali na ba?" kunot noong tanong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD