Ayeza Blythe's POV "Ito na ba ang apartment mo?" tanong sa akin ni Ryle habang nakatingin siya sa isang maliit na bahay na hanggang unang palapag lang. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang nakaupo siya sa isang power wheelchair na bigla na lamang dumating bago kami lumabas ng ospital. Hindi na siya mahihirapan sa power wheelchair dahil madali lang itong paandarin gamit ang mga kontrol sa armrest niya. Mas panatag rin ang loob ko sa bagong wheelchair niya. At least kung aalis man ako, hindi na siya mahihirapan na paandarin ang wheelchair niya dahil isa ito sa mga teknolohiya na gumagana na gamit ang baterya. "Oo, pagpasensyahan mo na kung maliit lang ang apartment namin," nakangiting sambit ko sa kanya. Hindi naman kasi masikip ang apartment na ito para sa aming dalawa ni Agatha. Sakt

