Ayeza Blythe's POV Nagpahilot ako sa sintido ko habang nakatayo sa gilid ng kama at hinahayaan ang doctor na gawin ang trabaho niya sa boyfriend ko. Hindi ko makakalimutan na muntikan na talaga akong bumigay kay Ryle. Laking pa salamat ko talaga sa dumating na nurse dahil kung hindi pa siya dumating baka kung ano ang nangyari. Parehas kaming mainit at hindi kalmado sa isa't isa. Kung hindi ko na pigilan ang sarili ko kanina malamang mas lalo siya dahil isa siyang lalaki. May pangangailangan siya na muntikan ko ng matugunan. Pinanood ko ang doctor ni Ryle na inaalis ang dextrose nito nasa likod ng palad niya. Nakaayos na si Ryle, na bihisan ko na siya ng polo na iniregalo ko sa kanya at khaki short. Nakapag palit narin ako ng damit ko. Isang pantalon at isang maluwag na t-shirt. Narara

