Ayeza Blythe's POV Dumaan ang sakit sa ulo ko na para bang nilalagari ito sa sobrang sakit. Napasabunot ako sa buhok ko at napaupo sa kama. Iniyuko ko ang ulo ko sa tuhod ko at taimtim na umaaray sa sakit. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari kagabi at naging ganito ka sakit ang ulo ko. Binibiyak ng napakalaking pako na may kasamang martilyo sa sobrang sakit. "Baby." Mabilis na tumaas ang tingin ko sa tumawag sa akin at nasilayan ko ang mga matang kalmadong ni Ryle. Nakaupo siya sa harapan ko at kalmado na ang mukha niya hindi katulad kahapon na palaging nakasalubong ang kilay niya. Wala na rin ang parang apoy niyang mga mata na nakatingin sa akin ngayon. Basta na lang siyang bumalik sa dati ng parang wala lang. Gusto ko siyang yakapin at damdamin ang mainit niyang katawan. Ang la

