Ayeza Blythe's POV "Sigurado ka ba dito?" tanong ko. Kanina pa ako patingin tingin sa labas ng sasakyan at sinisigurado na ligtas ang sinasakyan naming puting van. Hindi ako mapakali sa inuupuan ko at kahitang driver hindi ko kayang pagkatiwalaan. Baka mamaya isa pala siya sa mga taong gustong pumatay kay Ryle at bigla na lang kaming ihulog sa bangin. Ang mas nakakatakot pa dito ay baka bigla na lang may humarang sa aming sasakyan at pagbabarilin ang van na sinasakyan namin. Sobrang daming eksenang pumapasok sa isip ko. Ang dibdib ko na parang tinatambol sa sobrang bilis at lakas nito. Wala talaga kaming kaligtasan sa ginawa namin paglabas. Bakit ba kasi wala man lang kaming kahit na anong alam tungkol sa taong gustong pumatay sa kanya. Hindi namin alam kahit ang dahilan kung bakit gus

