Ayeza Blythe's POV Minsan pipiliin mo talaga ang bagay na mas mahalaga sa'yo kaysa sa bagay na matagal mo nang pinanghahawakan. Gano'n ang ginawa ko sa pagitan ni Ryle at ng trabaho ko. mas pinili ko si Ryke dahil siya ang mahalaga sa akin. Mahalaga pa sa kahit anong bagay na dumating sa buhay ko o kahit na sa mga bagay na nakasanayan ko na noon pa man. "Let's go somewhere." Napatingin ako sa likod ko ng bigla siyang magsalita habang nagwawalis ako sa sala. Hawak ko ang walos sa kanang kamay ko at ang dustpan naman sa kaliwa. Nakaupo siya sa wheelchair niya habang kanina pa sinusundan ang bawat paggalaw ko. Kung saan man ako pumunta sa buong bahay namin, asahan ko nando'n din siya. Hindi na lang siya magpirme sa kwarto namin at doon ako hintayin. "Saan naman? 'Di ba dapat hindi ka muna

