Ayeza Blythe's POV "Kape mo," saad ko. Inilapag ko sa harapan niya ang isang kape at sa harap ko naman ang isang frappuccino. Naupo ako sa silyang nasa harapan niya at tinikman agad ang inumin na binili ko. Dumaan sa lalamunan ko ang napakasarap na frappuccino. sobrang sarap sa lalamunan tikman ang napakatamis nitong lasa. Hindi ko na pigilan ang sarili ko at muling simipsip dito. "Ayan nilibre na kita. Siguro naman hahayaan mo na akong retire," nakangiting sambit ko sa kanya. Hindi kasi niya ako basta hinayaan na mag pasa ng resignation letter at aprubahan niya. Dahil ang gusto niya ilibre ko muna siya dito sa pinakamahal na kape talaga bago aprubahan ang resignation letter ko. Napagastos patuloy ako ng wala sa oras. "Bakit parang ang sama ng loob mo? Baka naman sumakit ang tiyan k

