Ayeza Blythe's POV "So kaya na nga?! Legit?!" Malakas na tanong ng kaibigan ko sa akin kasabay ng malakas ng musikang nanggagaling sa dance floor. Magkaharap lang kami pero kailangan niya talagang sumigaw. "Oo, kami na nga ni Ryle," nakangiting sambit ko sa kanya. Hindi ko mapigilan na maging masaya lalo na kapag binabanggit ka ng pangalan niya. Pangalan ng boyfriend ko. Ang sarap ipagsabi sa iba na may boyfriend na ako lalo na at alam kung magiging mabuting boyfriend siya sa akin. "Oh my God! Sana all talaga! Anong ginawa mo para magustuhan ka ng isang gwapo Ryle? Siguro may ginawa ka 'no? Inakit mo siguro si Ryle." Na ningkit pa ang mga mata niya sa akin kaya agad ko siyang binatukan. "Ayan ka na naman! Napaka ingay mo talaga! hindi ko gagawin 'yang na iisip mo para magustuhan niya

