6

2525 Words
Singkuwenta y uno Nakauwi ako ng alas-kuwatro ng umaga. Nagising naman ako sa tawag ni Paulo, bandang alas-nuwebe ng umaga. "Hel--lo?" pupungas-pungas kong sagot sa tawag sa cellphone ko. "Hello, Hector? "Paulo? Bakit? Musta?" "Mabuti.. Tumawag nga pala ako para mangutang sa'yo ng pera. Si Lianne.. Kailangan niya ng pera para sa studies namin.." "O, sige.. punta kayo dito." "Hindi pwede..Malalaman niya na sa'yo ko kinukuha ang perang ipinapautang ko sa kanya.." "Ah.. oo nga pala.. Sige, ikaw na lang. What time ka pupunta?" '’Mga hapon na." "Sige." "Sige. Bye. Thank you, ha?" "No problem.. basta para kay Lianne.. Bye!" Natulog uli ako. Pero, ginising naman ako ng doorbell ring. Alas-tres singkuwenta y uno pa lang. Pasuray-suray pa nga akong pumunta sa pinto para pagbuksan ang nasa labas. Sina Lemar at Jake ang dumating. "Bahala na muna kayo. Grabeng antok ko." sabi ko nang niyaya nila akong mag-practice. Nagpraktis nga silang dalawa. Nakaidlip uli ako. Pero, bigla akong napamulat dahil sa panaginip kong nakakatakot. Pagdilat ko, nakita ko sina Lemar at Jake, na naghahalikan habang yakap-yakap ni Lemar si Jake nang nakatalikod. Nakahubad-baro sila. Hindi nila napansin na nakatingin ako sa kanina. Dalang-dala sila sa practice nila. Mukhang totoo na. Maya-maya, naghuhubad na sila ng mga pantalon nila. Hindi naman sila sumasayaw. Parang totoo na. Tumayo na ang bandera ko sa sobrang libog nila. Pumikit muna ako nang nakatingin sila sa akin. Tapos, naramdaman ko na lang na nasa sahig na sila. Wala na silang saplot. Nagkikiskisan sila ng mga katawan at p*********i. Biglang nag-ring ang doorbell. Nagulat ako. Nagulat din ang dalawa. Bumangon kaming tatlo. Nagkatinginan. Pilit na tinatago ng dalawa ang mga ari nila. Hindi ako nagsalita. Pumunta ako sa pintuan para silipin ang taong nag-doorbell. Si Paulo pala. Sinenyasan ko ang dalawa na magtago sa CR. Tumakbo naman agad sila doon nang hindi nagbibihis. Hindi naman nila kinuha ang mga saplot nila. Singkuwenta y dos "Tuloy ka." Pinapasok ko si Paulo."Hindi ka nagtext.." "Nag-text ako. Hindi mo ba nabasa?" "Ah.. Kagigising ko lang kasi. Kung di ka dumating hindi ako nagising.." "Pasensiya na." "Okay lang. Upo ka muna. Kukunin ko ang pera.." Hinanap ko sa cabinet ang shoe box na nilalagyan ko ng pera ko para sa upa sa bahay. Ibibigay ko muna kay Lianne. Nang makuha ko. Hinarap ko na si Paulo. Hawak na niya ang dalawang brief na tila nirolyo. Nasa sofa rin ang mga pantalon nina Lemar at Jake. s**t! "Pasensiya ka na. Makalat ako." palusot ko na lang. Inabot ko sa kanya ang pera at kinuha ko sa kanya ang mga saplot ng dalawa. "Salamat! Gusto mo.. ipaglinis kita ng bahay. Ipaglaba din kita minsan." alok ni Paulo habang nakatingin sa nakabukol ko sa boxer shorts ko. "Hindi na. Pinapa-laundry ko na lang ang mga labahan ko." "Mahal yun.. Kung ako ang maglalaba.. libre.'' Sa dibdib ko naman siya nakatingin. Hinayaan ko lang. Alam kong nababakla siya sa akin. "Okay lang.. may pambayad naman.. Anong oras ba ang pasok ni Lianne sa call center?" Iniba ko ang usapan. Tapos, tumabi ako sa kanya sa sofa dahil na-conscious ako sa mga tingin niya. Ipinatong ni Paulo ang kamay niya sa binti ko at nagsalita. "Nahihirapan ngayon si Lianne. Andami naming project. Baka bumigay ang katawan niya.." "Kaya nga, e.. Baka, gusto niyang sa akin na lang siya tumira. Tutal umaga lang naman kami pareho umuuwi. Hindi ko na siya sisingilin sa upa. Libre na. " "Matigas ang ulo ni Lianne. Ayaw niya talaga ng kinaaawaan.." "Teka, magmeryenda muna tayo.." Tatayo na sana ako nang hinila ako ni Paulo. Napaupo uli ako. "Sorry. Gusto ko lang sabihin sa'yo na.. ‘wag ka na maghanda. Aalis na ako. Pagamit na lang ng toilet." Nataranta ako.. Singkuwenta y tres "B-barado. Barado ang CR ko." Hindi ko alam ang sasabihin ko para mapigilan si Paulo na umihi sa banyo ko. Tiyak makikita niya doon sina Lemar at Jake na nakahubo't hubad. "Okay lang.. Kanina pa kasi ako.. naiihi. Saan ba?" Wala kong nagawa. "Doon." Sinundan ko ng tingin si Paulo. At narinig ko na lang ang hiyaw niya. Maliit lang nag bahay ko kaya caught in the act na. Lumabas si Paulo ilang segundo ang lumipas. Nakatingin sa akin ng makahulugan. "Mga kaibigan ko sila.." Paano ko ba sasabihin na nagpa-practice sila ng sayaw para sa gay bar show? Hindi ko naman pwedeng sabihin na naliligo sila ng sabay. "Sorry.. Hindi mo sinabing may tao pala dun." Nakahawak pa rin siya sa kanyang dibdib. "Ano bang ginagawa nila?" Nakatulala pa rin si Paulo. "Nakatago sa likod ng pinto." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Tapos, nagtagal ang mga mata niya sa umbok ko. "Huwag mong sabihing.." "No, no! Huwag mong isipin 'yan.." Nataranta ako. Gusto kong tawagin ang dalawa para sila ang mag-explain. "All this time pala.. you're hiding a secret." Disappointed si Paulo. Nilapitan ko si Paulo. "Look, makinig ka.." "No! Wala namang problema dyan, e.. Aalis na ako. Thank you dito.. Di na ito malalaman ni Lianne." Tumalikod na siya. Nahawakan ko siya sa braso. Hinarap niya ako. "Sandali. Makinig ka muna." "Tama na, Hector.. Nagtatago ka sa katawang 'yan! Bading ka pala! Sayang.. gusto pa naman sana kita.. Gusto kita para kay Lianne. Sayang! Bitawan mo na ako, please." Singkuwenta y kuwatro Hinarangan ko ang pinto para di makalabas si Paulo. Ayokong umalis siya nang di nalalaman ang totoo. Tinawag ko sina Lemar at Jake. "Halikayo dito. Sabihin niyo ang totoo kay Paulo!" Lumabas ang dalawa nang nakatakip ang kanilang mga ari gamit ang kanilang mga kamay. Nang pinagmasdan ni Paulo ang dalawa, saka ko pinagbihis ang dalawa. Pagkabihis nila, nagsalita na ako. "Si Paulo ang bestfriend ng babaeng mamahalin ko. Pareho kaming nagtratrabaho sa call center." Nakita kong umalma si Lemar, ngunit pinigilan kong sumingit. "..pero magkaibang company.. Gusto kong sabihin niyo sa kaibigan ni Lianne na hindi ako bading. Lemar?" Nag-isip si Lemar. Tiningnan niya muna ako. Lumunok, saka nagsalita, "Bisita lang kami ni Hector. Hindi niya alam na may ginagawa kaming dalawa. Kaya naman nakaganyan si Hector ay dahil sanay siyang ganyan ang suot niya sa pagtulog.. Hindi siya bading. Ako.. ako ang bading." Tiningnan niya si Jake. Tiningnan niya rin ako. Tila, totoo ang sinasabi niya. "Yun naman pala, e.. Sige.. aalis na ako, Hector. Sorry sa istorbo. Sige na, tuloy niyo na ‘yan. Pogi nitong jowa mo.." Biro pa ni Paulo. "Sigurado ka?" tanong ko kay Paulo. mukhang sarkastiko siya. "Oo, Hector.. Naniniwala na ako. Hindi ka bading. Wag kang mag-alala, hindi na ito malalaman ni Lianne. Basta ipangako mo na hindi ka magpapatikim sa kanya." Itinuro niya si Lemar. Masama ang tingin niya. Natawa ako. "Okay.." Inihatid ko siya hanggang pintuan. "Ang gwapo mo, Hector para maging bading.. " bulong ni Paulo. "Kung papatol ka lang naman sa kapwa mo, sana ako na lang ang unahin mo.. Joke! Bye.." Nakahinga ako ng maluwag nang nakaalis na siya. Singkuwenta y singko "Salamat, Lemar!" sabi ko nang makaalis na si Paulo. "Mabuti na lang di ka pumiyok... Salamat din sa'yo, Jake. ‘Yung pag di mo pagsalita ay sapat na para makalusot ako." "Okay lang, Kuya.. Alam ko na kasi ang posibleng mangyari. Gaya ng nangyari sa akin.." "Tama ka.." Hinarap ko naman si Lemar. "Practice niyo lang ba yun? Tiningnan niya si Jake bago sumagot. "Oo. Practice lang yun.." "Ganun ka-hot ang halikan at romansahan niyo?" Tiningnan ko silang pareho. "Di ba dapat pasayaw-sayaw lang tayo? Konting dikit ng katawan, ayos na.." "Para sana maiba naman.." si Lemar "Maiba? Gusto mo bang ma-raid tayo. Bawal ‘yun. Lalampas tayo sa napag-usapan at kontrata.." "O, sige.. iibahin na lang namin ni Lemar. Sumabay ka na kasi sa amin.." "Ibahin niyo pero magtapat kayo..'' Tiningnan ko sila isa-isa."..may kakaiba sa inyong romansahan kanina. Gising ako. Nakatingin ako sa inyo.." "W-wala! Wala naman di ba, Jake?" patulong ni Lemar kay Jake. "Jake? Wala ba talaga?" Para akong kuya niya talaga na nanghuhuli at nag-i-interrogate. "K--kuya.. kasi.. si Lemar..." Hindi na naituloy ni Jake ang sasabihin. Nagtinginan sila ni Lemar. "Lemar? Anong meron sa inyo ni Jake?" Nahuhulaan na ni Lemar ang gusto kong malaman. "Hector.. kasi matagal na akong nagtatago ng nararamdaman ko.." Hinayaan ko siyang magsalita. "..Dati, pangarap kitang maka-s*x. Pangarap kita, Hector. Salamat sa'yo dahil binigyan mo ako ng chance na makapartner si Jake. Siya na ngayon ang gusto ko. Pareho naming gusto.." "Kuya..sorry." sabi naman ni Jake. Malungkot siya. Pinasaya ko ang paligid. "Walang problema. Kung ‘yan ang gusto niyo, sige, enjoy niyo lang." Natuwa naman sila sa tinuran ko. Nagpasalamat si Lemar sa akin dahil sa wakas daw ay lumuwag ang dibdib niya. Hiningi niya sa akin na huwag itong ipaalam sa iba. Singkuwenta y sais Hindi ako pinayagan ni Mama Sam na mag-resign. Pabigla-bigla daw ako. Hindi pa raw nakakahanap ng club ng kapalit ko. Sinabi ko naman na may Jake at Lemar na. Ayaw naman niyang umasa sa dalawa. Iba pa rin daw ang karisma ko sa mga bading at matrona. "Pero.. Mama Sam.. may pangarap ako sa buhay. Ayoko pong tumanda ako sa ganitong uri ng trabaho.." pagsusumamo ko pa. "Alam ko.. pero, nakikiusap ako. Huwag ngayon. Bigyan mo pa ako ng isang linggo para pakawalan ka. Please.." Nagkasundo kami ni Mama Sam. Pero, nagulat naman ang mga kaibigan at katrabaho ko sa desisyon ko. Pinaliwanagan ko na lang sila kung bakit. Naunawaan ako ng karamihan.. Alas-dose na, umusok ang entablado. This time, hindi ako sasayaw. Hindi kasi ako nakapaghanda ng sayaw. Sina Lemar at Jake lang ang sasayaw. Naka-table na rin kasi ako. First time ko yatang manuod ng ganito. Dat-rati, ako ang pinapanuod. Ngayon, ako ang nanunuod sa paggiling ng katawan ng mga macho dancer. Naaasiwa ako. Nakakahiya palang tingnan ang taong sumayaw sa nakakalibog na tugtog habang hinapalos ang hubad na katawan at mga kaselanan. Nakakabastos palang pakinggan ang mga komento ng mga manunuod lalo na kapag sumisigaw na sila ng bastos na mga salita. Nakakawala ng respeto.. Tama ang desisyon ko. I quit dancing and showing my naked body and private part. Gagawin ko ito para kay Lianne. Singkuwenta y siyete Tatlong minuto bago mag-alas-kuwatro ay palabas na ako ng Xpose Bar. Sa labas, hindi agad ako lumayo. Tiningnan ko ang kabuuan ng building ng mahigit isang taon kung pinagtrabahuan. Nalulungkot akong magpaalam sa kaniya pero buo pa rin ang loob kung tuparin ang pangarap ko sa ibayong dagat. Naglakad ako palayo sa bar, ngunit hindi para umuwi kundi para pumunta sa Cherry Blossoms Club. Hindi pa rin ako mapakali sa aking kutob. Naniniwala akong si Lianne iyon. Doon siya nagtratrabaho. Madilim pa nang narating ko ang club. Para di ako makilala agad, sinuot ko ang black hoodie ko. Hindi na ako pumasok. Nag-abang na lang ako katapat na establisyamento. Mula doon ay natatanaw ko ang mga lumalabas na parokyano ng bar. Mahigit isang oras akong naghintay at nagmatyag. Maliwanag na rin kaya mas namumukhaan ko ang bawat babae o empleyadong lalabas ng club. Maya-maya, isang dyip ang tumabing sa aking harapan. Nainis ako dahil naharangan ang minamatyagan kong tatlong mga babae na kausap ang guwadiya. Kaya lang, kumabog ang dibdib ko nang makilala ko ang lalaking bumaba mula sa dyip. Si Paulo, naibulalas ko sa isip ko. Hinagilap ko ang panyo ko sa bulsa at ipinantakip ko sa aking bibig. Nag-abang si Paulo sa labas ng club. At tatlong minuto ang lumipas, sumungaw si Lianne sa pintuan ng Cherry Blossoms Club. Maiksi ang kanyang suot, kumikintab. Luwa rin ang kanyang malulusog at mapuputing dibdib. Kumpirmado.. Si Lianne nga siya. Nanlumo ako. Singkuwenta y otso Imbes na magpakita ako kina Lianne at Paulo, ako pa ang nagtago. Ako pa ang nahiya sa kanila. Bigla kasi akong nanlamig at nanliit. Hindi ko akalaing itinago pa sa akin ng babaeng iniibig ko ang kanyang totoong trabaho. Nang makaalis na sila sa lugar na iyon, saka ako lumayo. Naglakad ako. Tila walang direksyon ang aking paglakad. Mabigat ang aking dibdib. Laylay ang aking balikat. Binigo ako ni Lianne. Akala ko, ako lang ang nagkukubli sa dilim at ilaw ng malibog na ilaw ng entablado. Isa din pala siyang bayaran, isang puta. Gusto kong balikan ang club pero naisip ko, hindi ko na rin sila maaabutan. Isa pa, parang nabawasan ng bahagya ang respeto at pagmamahal ko kay Lianne. Hindi ko alam kong matatanggap ko pa ang babaeng katulad ko na nagbebenta ng aliw. Hindi ang kagaya niya ang pangarap kong maging ina ng magiging supling ko. ....pero mahal ko siya. Kaya ko nga ititigil ang pagsasayaw dahil sa kanya. Ngunit, wala na palang halaga... Pagdating ko sa bahay, saka ko lamang naisipang i-text si Lianne at si Paulo. Sabi ko: "nkita ko kau sa CherrY BlossOms.." Lianne:"KeLan?" Reply naman ni Paulo ay"sAn Un?" "WaG n tyonG mglihiMan.." sagot ko sa kanilang dalawa. Tapos, di na sila nag-reply.. Singkuwenta y nuwebe Sa sobrang kabiguan ko, nagdesisyon uli akong sumayaw. Kinausap ko sina Lemar at Jake. Nakiusap ako na kung maaari, isali nila ako sa show. Pumayag naman sila. Hindi ko sa kanila sinabi ang kabiguan ko. Sabi ko lang na gusto kong kumita ng malaki ng pera. Hindi ko rin sinabi kong bakit. Ang gusto ko lang kasi ay malaki ang perang ibabayad ko kay Lianne. Ita-table ko siya at kung papayag siya, ikakama ko siya at babayaran ng malaki. Kung iyon ang gusto niya, araw-araw ko siyang ikakama hanggang makaraos siya sa krisis pinansiyal. Tutal ayaw niyang tumanggap ng tulong mula sa iba, o sa akin, dapat sigurong may kapalit ang ibibigay ko. Tutal, wala na rin ang respeto at paghanga ko sa kanya. Libog na lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Tulad ko, marumi na siya. Bago mag-ala-dose ng hating-gabi, tinext ko si Paulo. "KmsTa ang taTay ni LianNe?" Mas naaawa ako sa ama ni Lianne. Malaki ang pagpaphalaga ko sa mga ama, kahit namulat akong walang father figure. Gusto ko pa rin itong tulungan, kahit di na malaman ni Lianne o kahit wala na akong pagmamahal sa kanya. "Hnd mBti. KaiLngan n mgCheMo.." Nabagbag ako sa nabalitaan ko. Kailangan ko sigurong kumita nag malaki para makatulong ako sa tatay ni Lianne. Inspirado akong sumayaw. Sana may magyaya sa akin na ikama ako.. Umusok na ang entablado.. Lumabas sina Lemar at Jake. Gumiling-giling sila na tanging puting underwear lang ang suot. Sisenta Sa hudyat ng makapal na usok, lumabas ako na naka-itim na brief. Iginiling ko ang katawan ko habang iniisip ko ang perang dapat kong kitain pagkatapos ng aming sayaw. Kakaiba ang kagustuhan ko ngayon na kumita. Kakaiba rin tuloy ang sayaw ko. Mas nakakalibog. Marami ang gusto na akong lapitan at himas-himasin.. Marami na ang sumisenyas na sila ang lapitan ko. Nilapitan ako nina Jake at Lemar. Tumayo lang ako. Sila ang gumiling-giling sa likod at tagiliran ko, habang hinihagod nila ang dibdib at puwitan ko. Nasarapan ako. Kaya, tumayo na ang batuta ko. Pinagpatuloy nila ang pag-arouse sa audience.. hanggang matapos ang tugtog. Isang musiko uli ang pinatugtog. Naglabasan na ang iba pang macho dancers at kanya-kanya diskarte na. Sa babaeng singkuwenta plus ang edad ako lumapit. Sa tingin ko ay malaki ang kikitain ko sa kanya. Hindi ako nabigo dahil, isang libo agad ang inipit niya sa brief ko pagkatapos niyang sukatin si Manoy. At dahil dalawang Ninoy ang binigay niya sa akin sa ganun pa lang, ginilingan ko siya ng mas malibog. Unti-unti kong nilapit sa mukha niya ang aking nagpupumiglas na alaga. Nagugustuhan niya kaya nilapit ko pa siya. Isang libo uli ang inipit ng matrona nang ikinaskas ko ang ari ko sa gilid ng labi niya. Maya-maya, pinaupo na niya ako. Inorderan ng beer at hinipo-hipuan. Wala na akong limitasyon. Ang mahalaga sa akin ay kumita ako ng malaki para mabayaran o mabili ko si Lianne.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD