7

2493 Words
Sisenta y uno Hinintay ako ng matrona na payagan ni Mama Sam na mag-out ng alas-singko. Gusto niya kasing paligayahin ko siya. Pumayag ako sa halagang itinakda ko. Limang libo. Pumayag naman siya. May bonus pa daw kapag satisfied siya.   Habang hindi pa ako pinapayagan, nag-inuman kami ng babae. Hindi ko siya maintindihan sa mga sinasabi niya kasi si Lianne ang iniisip ko, kaya tango lang ako ng tango.   Pasado alas-singko na ako nakalabas sa bar. Nauna na sa labas ang matrona. Lumakad ako lampas ng bar para di ako makita na sumakay sa kotse ng babae.   Sa bahay ko siya dinala. Gusto ko na kasing matulog pagkatapos ko siyang gamitin..   Pagkapasok pa lang namin sa bahay ay hinahalikan na ako ng matrona. Hinubaran na rin niya ako nga damit. Nilamas-lamas niya ang dibdib ko. Hindi ako nalilibugan pero pinipilit ko.   Kinapa niya si Manoy. Pinilit niyang buhayin. Nang lumaban ito, hinimas-himas niya pa. Tapos, mabilisan niya akong tinanggalan ng pantalon. At.. brief.   Namalayan ko na lang, sinusubo na niya ang b***t ko. Nakahiga na ako sa aking kama. "Tama nga ang pangalan mo sa bar. Ikaw na si Mr. Hardlong!" Umungol pa siya.   Ang sarap niyang mag-BJ. Swabe.. Gusto ko nang labasan. Kaya, inulos-ulos ko ang ulo niya sa aking kargada. Halos, masuka siya nang masobrahan ko sa ulos.   "Iy***n mo na ako, Hardlong.." sabi niya. Naghubad na siya ng panty.    Tapos, naglagay siya ng kung anong likido sa kanyang puwerta. Tumayo ako. Pinatuwad ko siya sa lapag at marahan kong pinasak ang aking kamagong sa madulas niyang kuweba. Nang makapasok na, kinadyot ko siya ng mabilis. Panay ang ooh at aah niya.    Sa ilang minuto naming pagsagwan, sumabog ang katas niya. Naramdaman ko. Sumunod na sumabog ang lava ko. Ilang segundo ko pang inilabas-masok sa kanya bago ko tuluyang bunutin si Manoy. Solve ang gurang..   Binigyan niya ako ng anim na libo, bago siya umalis. Naka-siyam na libo ako sa kanya, kasama ang tip ko sa bar. Swerte ko..       Sisenta y dos Paglabas ng matrona, saka naman ang pagdating nina Lianne at Paulo. Akala ko ay bumalik ang customer ko, na hindi nagpakilala. Nagulat ako  sa pagdating nila. Ni hindi ako nagpapagbihis. Nakatapis lang ako ng tuwalya.   "O, napadalawa kayo? Kumusta?" bati ko sa kanila, habang pinagbubuksan ng pinto.   "Ah oo, may sadya kami sa'yo.." si Paulo ang sumagot.   Pinaupo ko muna sila. Tinangnan ko pa ang orasan. Alas siyete pa lang.    "Sandali lang magbibihis ako."   "Wag na. Mabilis lang kami.." si Paulo ulit. "Di ba sabi mo...pwedeng tumira dito si Lianne ng libre?"   Nakatayo pa rin ako sa harap nila. Hindi na ako nahiya sa kahubdan ko. "Oo!" mabilis kong sagot. "Pwedeng-pwede ka dito, Lianne." Tiningnan ko sa mata si Lianne. Malungkot siya.   "Salamat! Naubusan kasi ako ng budget. Hindi ko na kaya ang trabaho. Maghahanap ako ng bago. Hindi ko kaya ang graveyard shift.."   "Walang problema. Basta ikaw, open ka dito. Sana dinala mo na ang mga gamit mo.."   "Babalik na lang kami. Two days pa naman ako sa space ko. Hindi na ako makakabayad kaya.. heto.. Salamat talaga, Hector."   "Wala ‘yun. Masaya nga ako. Magkakasama na tayo." Tiningnan ko si Paulo. Parang ngumiti ang mga mata niya sa kilig.   Hindi ko akalaing mangyayari ito. Ang babaeng minamahal ko, makakasama ko na sa bahay. Masaya pero malungkot dahil sa katotohanang isa siyang puta, na gaya ko.       Sisenta y tres Hindi ako sanay na may kasama sa bahay, pero, sisikapin kong maging maganda ang samahan namin ni Lianne. Kahit nabawasan na ang pagmamahal ko sa kanya, gusto ko pa ring ipakita sa kanya ang dapat, lalo na ngayong siya ay nahaharap sa krisis-pinansiyal. Gusto ko pa rin siyang tulungan. Gagawin ko ang lahat para makatapos siya.   Umalis na si Paulo. Hahakutin daw niya ang mga gamit at damit ni Lianne sa dati nitong boarding house. Gabi na siya makakabalik. Hindi na niya pinasama ng kaibigan dahil puyat daw ito. Natuwa naman ako sa concern niya. Natuwa din ako dahil masosolo ko si Lianne.   Nagkuwentuhan kami. Grabe daw ang kagipitan niya ngayon dahil nga sa pagpapagamot ng kanyang ama. Naawa ako sa kanya, kaya inilahad ko sa kanya ang kagustuhan kong tulungan siya. Nahihiya man daw siya ay tatanggapin na niya, dahil gusto rin niyang makatapos ng pag-aaral.   "Hayaan mo.. Hector, masusuklian ko rin ang mga kabutihan mo, pagdating ng araw." sabi ni Lianne.   "Huwag mo munang isipin 'yun. Ang mahalaga, makatapos ka..."   "Oo.. sisikapin ko. Biyaya ka ng Diyos sa akin.."   Napangiti niya ako. Ngumiti din siya. "Salamat! Wala naman akong hinihinging kapalit mula sa'yo.. Tanging ang pagpupursige mo lang at katatagan ang hiling ko sa'yo. Ipangako mo rin lang na magiging matapat ka sa akin..."   Napayuko si Lianne. Alam niyang may pinupunto ako..   Alam ko, may mabigat na dahilan ang pabigla-bigla niyang pagtira sa akin. Handa akong alamin ito..       Sisenta y kuwatro Pumasok ako ng maaga kahit hindi ako kompleto sa tulog. Gusto ko kasing makausap sina Mama Sam, Jake at Lemar. Gusto kong i-extend ang pagsasayaw habang hindi pa ako natatawagan ng agency na inaplayan ko. Kailangang kong kumita para masuportahan si Lianne.   "Ano, Kuya? Live-in na kayo?" bulalas na tanong ni Jake na narinig naman ni Mama Sam. Natiyempo pa sa kanyang pagpasok sa dressing room. Gusto ko lang namang sabihin sa kanilang dalawa na isali pa rin nila ako sa midnight show dahil parang may ka-live-in na rin ako.  Kaso, iba yata ang pagkakaunawa ni Jake.   "Ano 'tong narinig ko, huh?!" si Mama Sam habang lumalapit sa amin.   "Wala po, Mama Sam.." palusot ko.   "Anong wala?! Hindi pa ako SC noh! Dinig na dinig ko. Live-in ba kamo? Sino? Ikaw?" Idinuro pa sa akin ang abaniko niya.   "Selosa naman si Mama Sam masyado." pabiro ni Lemar pero alam ko may laman.   "Siyempre.." Nagpaypay muna siya ay hinawi ang bangs. "Ayokong may umaagaw sa akin kay Hector ko." Inakbayan niya ako at niyapos. Naasiwa ako. Nakita ko ring ngumiwi ang dalawa. Hindi ako nag-react. Kailangan ko ng trabaho.    "Lumabas nga muna kayong lahat.." utos ni Mama Sam sa mga kasamahan ko. Nagsitalima naman agad ang mga Hudas.   Nang makalabas na sila. Ni-lock niya ang pinto. Sumunod na nangyari ay hinihimas-himas niya na si Manoy ko. Maya-maya pa, inilabas na niya ito at isinubo. Nilabas-masok sa kanyang bunganga. Hindi ako humindi. Wala akong magagawa. Kailangan ko ng trabaho.   "f**k me, Hector, please.."    Humindi ako. Hindi siya nagreklamo.. Jinakol na lang niya ako at nilunok niya ang t***d ko.                                    Sisenta y singko Muli akong nagsayaw sa entablado ng kalibugan at sa harap ng mga malilibog. Kailangan ko kasing kumita ng malaki para masuportahan ko ang mga pangangailangan ng babaeng nagpatibok sa puso ko. Kahit nagsisinungaling siya sa akin, handa pa rin akong mahalin siya gaya ng dati.  Handa rin akong tulungan siya.   Ang sayaw ko ngayon ay naiiba kumpara sa mga dati. Tila nagkaroon ng direksyon ang buhay ko. Naging mas malinaw sa akin ngayon ang kabuluhan kung bakit kailangan kong magsayaw at magbilad ng katawan o kung bakit kailangan kong ibenta minsan ang aking laman para sa pera.    Habang iginigiling ko ang hubad kung katawan, naiisip kong kontakin ang baklang nagbigay sa akin ng number para bigyan ako ng indie gay film. Kakagatin ko na para mas malaki ang kikitain ko.    Marami pa rin ang customer na gustong mag-table sa akin. Pero, pinili ko ang mukhang may malaking tip na ibibigay sa akin.    Sa isang panot na bading ako nagpa-table. Mukhang mapera, kaya lang manyakis. Panay ang hipo sa binti ko hanggang sa madakma niya ang tar*go ko. In-enjoy niya ang bawat sandaling katabi niya ako, habang ako naman ay nag-iisip kay Lianne.    Hindi nakapagpigil ang bading. Pumailalim siya sa table at sinungkal niya ang manoy ko. Hindi na ako tumanggi. Hinayaan ko siyang pagpasasaan ang aking asset.       Sisenta y sais Madilim pa nang makauwi ako sa bahay. Dahan-dahan akong pumasok para di ko maistorbo ang tulog ni Lianne. Hindi na rin ako nagsindi ng ilaw. Tanging cellphone light lang ang ginamit ko.   Sobra na ang pagod at antok ko kaya, di na ako naligo. Nahubad na lang ako ng pantalon at damit. Nag-boxer lang ako.    Hihiga na sana ako sa sofa nang maisipan kong tingnan si Lianne sa kama. Inilawan ko ang kanyang paa. Hindi siya nakakumot. Nakalilis pa ang suot niyang puting shorts kaya lumitaw ang kanyang makikinis at mapuputing binti.   May kung anong bagay ang tumusok sa aking boxer shorts, lalo na nang itaas ko pa ang ilaw sa kanyang dibdib. Medyo lumuwa ang mga ito mula sa suot niyang pink na spaghetti.    Gusto ko siyang hawakan. Gusto ko siyang haplusin. Kaya lang, ayokong masira ang tiwala niya sa akin.    Nagtimpi ako. Pumasok ako ng banyo at nag-half-bath ako. Biglang umurong si Manoy.    Hindi ko na tiningnang muli si Lianne bago ako tuluyang nahiga sa sofa.       Sisenta y siyete Nagising ako sa butil-butil na pawis sa aking dibdib at leeg. Kaya pala ay nakakumot ako.    Naisip ko si Lianne. Kinumutan niya ako. Siguro ay naaalibadbaran siyang makita ang hubad kong katawan kaya tinakpan niya.   Bumangon ako at hinanap ko siya. Wala sa banyo. Pumasok na siya, naisip ko.    Sa dining table, nakita ko ang hinanda niyang almusal. Sinangag, itlog at corned beef.   Hinugot ko ang note na nakaipit sa kutsara at tinidor.   Hector, Good morning! Hindi na kita ginising dahil alam kong puyat at pagod ka. Pero, ipinaghanda kita ng almusal. Enjoy your meal! Lianne,   Nakakatuwa. Ipinaghanda niya pa talaga ako ng almusal gayong maaga ang pasok niya.    Tinawagan ko siya.   “Salamat sa inihanda mong almusal!’’ sabi ko.   “Walang anuman..’’   “Alam mo bang matagal na akong hindi naipagluluto ng isang babae? Ikaw na lang uli ang gumawa niyon. Kaya sobrang saya ko. Sana, kasalo kita ngayon..’’   “Sana.. Pero di pwede. Magkaiba ang mga schedule natin.. Hayaan mo pag may time..’’   “Sige, asahan ko yan.. Nga pala, pasensiya ka na kung.. kung nakahubad-baro at naka-boxer shorts lang ako kapag natutulog.’’   Tumawa muna siya. “Walang problema yun, Hector. Hindi ko naman ‘yan tiningnan. Nakita ko lang na nilalamig ka. Malamig kaya kaninang madaling araw.”    “Ah, ganun ba?! Bakit ikaw, di rin nagkukumot?”   “Ha? Paano mo nalaman?”   “Nakita ko.”    “Nakita mo?! Ang alin..”   Tumawa ako. “Sige na. Nakakaistorbo na ako sa'yo. Salamat uli. Miss na kita agad.”   “Welcome. Miss you too.”       Sisenta y otso Lumipas ang mga araw, naging kampante na akong kasama si Lianne. Inspired akong sumayaw sa Xpose Bar. Ngunit hindi pa rin niya alam ang uri ng trabaho ko.    Naging komportable na rin si Lianne sa akin. Nasanay na siyang makita akong naka-hubad-baro at naka-boxer lang. Bagamat, hindi pa rin siya madala sa mga pang-aakit ko sa kanya. Hindi ko rin naman pwedeng samantalahin ang pagpapatira o pagtulong ko sa kanya. Hindi ako abusadong tao. Mahal ko siya kaya ko iyon ginagawa.    Hindi naman masyadong mahalaga sa akin ang virginity ng isang babae, kasi ako mismo ay hindi na rin inosente sa s*x. Gayunpaman, mataas ang paggalang ko sa mga babae, lalo na kapag mahal ko. Kaya kong maghintay kung kelan niya ibibigay sa akin ang p********e niya. Mas masarap ang s*x kung parehong gusto ng magpartner.   Sa usaping partner, tuluyan nang nagka-develop-an sina Lemar at Jake. Magkasama na sila ngayon sa isang tirahan. Patuloy pa rin silang sumasayaw kasama ko, patago nga lang ang kanilang relasyon para tuloy pa rin silang kumita.   Tungkol naman sa application ko sa Axis, pinaghihintay ako ng agency. Inuuna lang daw nila ang mga naunang aplikante. Kaya, habang naghihintay ng tawag ay patuloy akong gumigiling sa entablado ng kalibugan.   Pero, kanina paggising ko, isang masakit na katotohanan ang gumimbal sa akin. May tulo ako!   Punong-puno ng nana ang boxer shorts ko. Hindi ko nga halos maiangat ang ari ko dahil dumikit na ito sa tela.    Natawag ko ang Diyos. Nataranta at natakot ako.    Nagtapat ako kay Mama Sam. Pero instead na maawa sa akin, pinagalitan pa ako. "Di ba bawal kang makipagsex? Paano ka nagkatulo. Tigas ng ulo mo, Hector! Gamutin mo yan. Uminom ka ng sabaw ng buko. Hay, naku.. naku!"    Andami pa niyang sinabi. Hindi ko na lang pinakinggan.        Sisenta y nuwebe Naging aloof ako kay Lianne. Pakiramdam ko ay ang dumi ko. Nahihiya ako sa sarili ko. Tulo pa lang ang dumapo sa akin. Paano na kaya kung HIV na o kaya AIDS? Ayokong mamatay gaya kung paano namatay si Mommy. Nakakahiya.   Para makalayo ako sa paningin ni Lianne, umalis ako ng bahay nang mas maaga pa sa kanya. Tumungo ako sa Axis para alamin ang standing ng application ko.    Malas! Wala pang magandang balita. Hintay-hintay pa rin daw ako. Uunahin daw nila ang mga unang aplikante.    Naglakad-lakad na lang ako. Walang direksiyon. Pero, hinatak ako ng mga paa ko sa Cherry Blossoms, na dating club ni Lianne. Nilapitan ko ang guard para magtanong. Nakalabas na ang cellphone ko upang ipakita sa kanya ang picture ni Lianne.   "Boss, dito pa ba nagtratrabaho ito?" tanong ko.   Tiningnan niya ang larawan. "Ah, si Pink Caress!?"   "Oo, siya nga po! Customer niya ako dati. Dito pa rin ba siya sumasayaw?" Alam ko naman na hindi na siya nagsasayaw. May gusto lang akong malaman.   "Hindi na. Matagal-tagal na. Hina-hunting nga ni Boss yan, eh! Breach of contract."   Nagulat ako sa nalaman ko. Breach of contract. Ibig sabihin, hindi niya tinapos ang kontrata. Kaya pala, bigla-biglang lumipat sa akin. Nagtatago pala.    "E, bakit hinahanap mo? Saka, bakit may picture ka niya. Magkakilala kayo?"   "Kaya nga po hinahanap ko kasi type ko siyang asawahin. E, sabi niyo hina-hunting niyo. Hina-hunting ko rin siya. Sige po. Salamat na lang." Nagdesisyon akong umalis na baka makatunog pa ang sikyu.   Wala na si Lianne nang nakauwi ako. Nasa ospital na malamang. Nagdyu-duty na.    Internship niya sa isang pampublikong ospital kaya malimit na kaming magkasama, pero mamayang gabi ay unang gabi ko siyang makakasama. Salamat na lang sa tulo ko dahil makakasama ko siya magdamag.       Setenta Nagpalit ako ng underwear dahil basang-basa na naman ito ng nana. Nilabhan ko kaagad ito at isinampay. Tapos, saka ko lang naalala, hindi pala ako nakabili ng buko. Sayang..   Para maiwasan kong ma-stress sa nangyayari sa akin, nahiga ako sa kama. Pilit kong kinakalimutang may tulo ako. Inalala ko naman ang mga magagandang bagay, kagaya ng pagkakakilala ko kay Lianne.    Si Lianne ang komumpleto sa buhay ko. Siya ang inspirasyon ko. Anuman ang nakaraan niya ay kaya kong tanggapin. Hindi na ako mag-uusisa pa sa kanya tungkol sa naging trabaho niya sa Cherry Blossoms. Alam ko na, na hindi na siya birhen. Wala namang problema iyon sa akin. Ang mahalaga ay kasama ko na siya. Sooner or later, maangkin ko na siya.   Nakapikit na ako nang bigla kong narinig ang boses ni Lianne. Hindi ako bumangon. Nagkunwari akong tulog.    Alam kong nakatitig siya sa akin. Maya-maya, naramdaman kong lumapit siya sa akin. Hinagod niya ng tingin ang buo kong katawan. Naka-boxer lang ako kaya malamang ay pinagpantasyahan niya ang bukol ko.   Ilang sandali pa, naramdaman kong nagpaplit na siya ng kanyang uniporme. Dumilat ako ng bahagya. Nasilip ko ang hubad niyang katawan. Makurba ang kanyang likod. Mauumbok at mabibilog ang kanyang butt. Nag-umigting ang aking tarugo. Gustong kumawala. Kaya, hindi ko napigilang bigkasin ang pangalan niya. Pumikit akong bigla dahil lilingon siya.   Maya-maya pa, naramdaman ko na ang kamay niya sa aking dibdib. Sumunod ang kanyang mga labi sa aking mga labi. "O, Hector.." sabi niya.   Gumapang ang kanyang mga kamay sa aking p*********i. Inilabas niya ito at pinaglaruan hanggang sa tuluyang lumiyad. Tapos, sumakay na siya sa akin at itinutok ang kanyang madulas na biyak. Napaungol ako sa sarap at sa mainit-init  at madulas niyang kaloob-looban.   Sa ilang beses niyang pagsayaw sa aking ibabaw, bumulwak ang aking lakas.. Nang dumilat ako, wala si Lianne. Tiningnan ko ang aking ari. Puno ito ng nainit-init na nana.   Nanlumo ako..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD