bc

Magmaliw

book_age16+
79
FOLLOW
1K
READ
escape while being pregnant
submissive
goodgirl
single mother
drama
tragedy
bxg
another world
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Mabait at responsableng anak si Irma Fulgencio. Bagama’t parehong may sakit ang kanyang lolo at lola na nagpalaki sa kanya ay minabuti nyang iwan ang mga ito para makipagsapalaran sa Middle East at kumita ng pera para mapagamot sila.

Ngunit hindi pa sya nakakatagal ng isang taon doon ay namayapa na ang dalawa at naiwan na syang nagiisa sa buhay.

Hindi siya nagpatalo sa dagok na ito at ginamit nya bilang sandalan para sa maliwanag na kinabukasan na pinapangarap nya para sa kanyang sarili.

Isang simpleng pamilya, stable na pamumuhay at masayang samahan.

Pero mukhang hindi pa tapos ang kapalaran sa kanya dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay nagustuhan siya ng panganay na anak ng isang Sheikh at kinuha para maging asawa ng kanyang dating amo.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Maliwanag ang bilog na buwan sa labas ng bintana. Pinupuno ng liwanag nito ang kinaroroonan kong malaking silid.   Silid na nagsisilbing simbolo ng kapangyarihan ng isang matatag na bansa.   Nakatayo ako sa tapat ng bintana at natatamaan ako ng malamlam na liwanag na nagmumula sa labas.   Tumungo ako at nakita ko ang aking magarang damit na kulay puti na nababahiran ng dugo.   Dugo ng lalaking nakahandusay at naliligo sa sarili niyang dugo sa harap ko.   Nakamulat ang kanyang mga mata na nakatitig sa akin at parang nagmamakaawa.   Hindi siya nagalaw, kundi sa mga matang nakislap sa sinag ng buwan aakalaain mo tuluyan na itong nabawian ng buhay.   Dahan-dahan akong lumakad papalapit sa kanya.   Walang maririnig na yabag, animo’y isa akong multo na hindi na nababagay sa mundo ng mga nabuhay.   Lumuhod ako sa harap ng nag-aagaw buhay na lalaking minsan kong tinawag na asawa.   Inabot ko ang kanyang mukha. Nanlalamig ito at parang anu mang sandali ay tuluyan na itong magiging kasinglamig ng aking puso.   “Please” mahina niyang bulong sa akin.   Tinitigan ko ang mga mata niya. Mga matang minsang naging sentro ng mundo ko. Hinaplos ko ang gilid ng bibig niya kung saan may dugong dahan-dahang dumadaloy mula roon.   “You always wanted to be left alone” naiiyak kong sambit sa kanya.   Hindi siya sumagot, bagkos tinitigan ang aking mukha na parang nagmamakaawa.   “Set apart with your heart as hard as stone” bulong ko sa kanya.   Inayos ko ang kulot at magulo niyang buhok, “There is this certain kind of radiance that you shine. There is a glimmer of love and I always see it in your eyes. Everyday of my life.”   Dahan-dahan ko siyang binitawan at tumayo ako. Tahimik akong humakbang palayo sa kanya. Hindi umaalis ang aking mga mata sa kanyang mukha.   “I hoped time will bring us together, but instead it divided us even further,” naiiyak kong patuloy, “I guess fate is something even prayers and refusal can hide.”   Tumungo ako at nakita ko ang baril na hawak-hawak ko ilang sandali lang ang nakakalipas. Baril na hindi ko akalaing maipuputok ko.   “Everything is real and I guess what I did was the right thing to do” sabi ko habang nabaling ang tingin ko sa dalawang lalaking walang buhay na nakabulagta hindi kalayuaan sa aming kinaroroonan. Mga gwardya niyang walang-awa kong pinatay.   Binalik ko ang aking tingin sa kanyang mga mukha sa huling pagkakataon at nakita kong unti-unti nang pumipikit ang kanyang mga mata na nakatitig pa rin sa akin at ilang saglit na lang ay mawawala na din siya sa buhay ko.   “Goodnight, my dearest...”pamamaalam ko sa taong minahal ko ng buong puso at buhay ko.   Biglang bumukas ang dalawang malaking pinto sa aking likuran at nakinig ko ang hindi mabilang na yabag ng mga taong biglang dumating sa aking kinaroroonan.   “How did this... How could you?!” malakas na tanong ng isang babae sa likuran ko.   Marahan akong humarap sa kanila at nakita ko ang aking hipag.   Hipag na walang tigil na sumuporta sa akin. Hipag na itinuring akong kapatid ng ilang taon.   Napapaligiran siya ng ilang dosenang sundalo na may berdeng sash. Lahat ay armado ng matatas na kalibre ng baril.   Tahimik at marahan akong yumuko at nakinig kong kumasa ng sabay-sabay ang mga hawak nilang armas.   Inabot ko ang baril na hindi ko akalain magiging susi sa aking paglaya.   Tumayo ako at sa huling pagkakataon ay tinitigan ang aking asawa bago tumakbo sa bintana kung saan nakikita ko pa rin ang bilog na buwan na para bang ginagabayan ako sa aking pagtakas.   Itinulak ko pabukas ang salamin at tumalon ako mula roon. Bumagsak ako sa talahiban at nagsimula nang tumakbo.   Tumakbo para sa buhay ko habang sinusundan ng tunog ng malakas na sirena at putok ng mga baril.   Hindi ko alam kung gaano katagal akong tumatakbo. Nagulat na lang ako at dinala ako ng aking mga paa sa isang pamilyar na gubat.   Napunit ang aking suot na damit na nabahiran ng tuyong dugo ng asawa ko. Sa aking daliri ay nakasuot pa rin ang puting singsing na tanda ng aking pagkakatali sa isang relasyon na di umano’y kamatayan lang ang makakapaghiwalay.   Kadiliman, isang nakakabinging katahimikan ang sumusunod, humahabol sa akin habang walang tigil pa rin ako sa pagtakbo. Hindi ko alam kung saan ba ako papunta, pero natatandaan ng aking puso ang tinatahak kong landas.   Hanggang sa makarinig ako ng payapang lagaslas ng tubig at hindi nagtagal ay biglang lumiwanag at nakarating ako sa gilid ng isang malaking ilog na nasisinagan ng buwan sa kalangitan.   Hindi ko matatawid ang ilog na ito. Tahimik pero mabilis ang daloy nito at napakalalim pa.   “I knew you will be here,” banggit ng isang boses ng babae sa aking likuran.   Hinarap ko ang pinanggagalingan ng boses at nakita ko ang mukha ng isang babae na animo’y isang porselanang manika sa ganda.   Napapaligiran siya ng hindi mabilang na mga sundalo na nakasash ng asul at alam kong ilang sandali na lang ay darating na ang hipag ko kasama ang sarili niyang mga sundalo.   “Please, give up the gun, cousin,” mahinahon ngunit mariin niyang pakiusap sa akin habang nakatingin sa baril na mahigpit ko pa ring hawak.   Alam kong katapusan ko na. Pagkalunod o bitay ang natitirang patutunguhan ng aking kalayaan na binili ko ng buhay.   Tumingala ako at tinitigan ang buwan at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay napangiti ako at marahan akong pumikit.   Naramdaman kong kusang bumitaw sa hawak kong baril ang aking nanginginig na kamay at bumuway ang aking pagod na katawan.   Bumagsak ang baril sa lupa at pahigang tumama ang aking katawan sa malamig na tubig ng ilog at unti-unti na akong lumubog sa tubig at tuluyan nang nawalan ng malay.   -0-     Alas syete ng umaga. Isa na namang umaga ng lutuan at gisahan. Habang hindi pa nataas ang araw ay magpreprepare na ako ng mga ihahain sa kainan ko.   Simula ng mag resign ako sa GG’s bilang regional manager ay muli kong binuksan ang aking dating negosyo. As expected madali lang na naibalik ko ang aking dating mga customer at mas dumami pa nga ang mga ito hanggang sa mapilitan na akong gawing pormal na food outlet ito.   I named it “Tabitha’s Restoderia”.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.5K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
58.0K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.7K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
42.8K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook