BFW 37

2066 Words

(Afiah) Halos ipagtulakan ko na papasok si Seighfred sa loob ng kanyang kotse. Baka maisipan pa nina King at Prince na lumabas ng bahay. Mahilig pa naman maglaro ng bike ang dalawa sa may bakuran. Paano kami nakarating dito? Hilang- hila ko si Seighfred at sa likod bahay kami dumaan. Mabuti nalang talaga at may dalawang daanan ang apartment na napili kong rentahan. At may maliit din na gate sa likod bahay na palabas sa kalsada. Hindi nga din madali ang pinagdaanan ko, wag lang kaming mahuli, lalo pa't napakaarte at reklamador ng Seighfred na to. Ayaw pang dumaan sa gate sa likod dahil maputik daw ang daanan. Wala naman syang nagawa kundi ang sundin ako. Pasalamat nga sya at hindi ko sya itinulak sa putik, kahit gusto kong gawin yon. Sobrang kaba ang aking nadarama at pawis na pawis din

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD